XXIX - Andrew

270 8 7
                                    

4 years later...

"No, I don't really want to pursue Psychology now. Ayoko na.." Sabi ko kay Keith bago sumipsip ng rum.
Pagtapos ng mga pangyayaring iyon, I slowly went back to.. normal.
For the past years, I acted like I didn't know her, like she didn't became a part of me.. but every night, I weep.

Tangina, daig ko pa babaeng hiniwalayan ng boyfriend!

"Yeah, hindi ka nga pala naggraduate. Nag-stop ka.. dahil--"

"Yes, and cut the crap, Keith. Sige na, lola mo iyon." I heard him chuckled before sipping his drink.

We're in his restobar. Pretty decent, pang-nightlife talaga pero chill.
In just four fucking years! He's established himself!
At ngayon ko lang siya nakita ulit, matapos ang mahigit dalawang taon dahil nasa ibang bansa kami ni Angela para mag-aral ulit.

I underwent psychological help for more than a year after what happened, pero ayoko nang maisip ulit iyon.

"Nasabi sa akin ni.. Angela noon na ikaw na ang sunod na magiging successor ng RGHI ah?" Nakita kong medyo nagbago ang ekspresyon niya noong nabanggit ang pangalan ng kambal ko.

"Unfortunately, yes. Still finishing my business studies. Maybe next year?" Keith became my little brother/big brother when I am that miserable. Hindi ko alam ang gagawin ko noon, kung paano ako makakabangon kung wala nga siya.
"Anyway, pinapunta ako dito nila mommy kasi gusto ka nilang kunin.."

"Kunin??" Kumunot ang noo ni Keith.

"Yes, I mean.. be our partner. You have your few restobars and your closest and most trusted cousin can manage it naman. What's her name? Was it Marcella?"

"Ella.. yes, like a little sister to me. Pero anong meron? What's in it if I become partners with you?"

Sumandal ako sa maliit na sandalan ng bar stool at humalukipkip. "You get all the benefits you want, and you get Angela again."

Huminga ng malalim si Keith at napailing siya sa narinig. Kinuha niya ang envelope na naglalaman ng business proposal ko na kinonsulta ko pa kanila mommy at daddy.

"Bro.. pag-isipan ko muna."

I rolled my eyes. "That is not the answer I am expecting.."

I wiggled my eyebrows while sipping my rum.

Sumenyas ako sa bartender ng isa pang drink.
"See, you may have gotten psychological help pero naging alcoholic ka?!"

"Bro, chill! Ngayon lang ako nakainom ulit ng rhum!" But my last round of rum was just yesternight..

Hindi ko naman talaga gusto ang alak. Siguro pinipilit ko lang ang sarili kong lagukin tong napakapait na inuming to, na tingin ko naman ay mawawala ang lungkot ko pero hindi naman talaga.

Natawa ako sa sinabi ni Keith. "Haha! Teka lang, jingle muna ako. Saan ba?"

"Kanan, tapos kanan ulit at yung unang kaliwa dyan." Tinuro niya ang direksyon. Tumango lang ako sa kanya.

Naglakad ako papuntang comfort room pero medyo nahilo ako. Naparami na yata ako ng inom? Haha putragis yan!

Bago ako lumiko ng pangalawang kanan, narinig ko ang malakas na pagbati ng maraming tao ng Happy Birthday sa kung sino man iyon.

Napalingon ako at nakita ko ang isang babaeng nakangiti at pumapalakpak.
Mukha ng isang babaeng minahal ko pero naglaho dahil hindi siya pwede para sa akin, at hindi na siya makakabalik pa.

Wala sa sariling tinangay ako ng mga paa ko papasok sa isang VIP Room na iyon at.. "Eleanor!"

Nagtinginan ang mga taong kasama niya, pati siya.

Huh? May Eleanor ba dito?
Sir, baka nasa maling room ka po?
Sino yan?
Kilala ba yan ni Pauline?
Lah bakit may party crasher dito?

Narinig kong sabi ng mga tao. Nang mabalik ako sa wisyo, nanahimik ang lahat at siya ang nagsalita.

"Do I.. know you? You might be mistaken, but my name is Pauline." Mahinahon ang boses niya at kalmado ang pananalita.

Nanliit ako, "Sorry.. I might have entered the wrong room." Dali-dali akong lumabas at pumunta ng comfort room.

Binuksan ko ang sink faucet at hinilamusan ang sarili ko kasi baka namamalikmata lang ako.

Kumuha ako sa paper towel dispenser para ipunas sa mukha ko.

She fucking looks the same as Eleanor!
Nagmadali akong pumunta kay Keith.

"Bro, pum--"

"Keith, sino yun? Sino yung.. kamukha ni Eleanor? I have to know!"

"What?" Kumunot ang noo ni Keith at napalingon sa akin.

"Sa VIP Room! May magccelebrate ng birthday doon! Yung celebrant sobrang kamukha niya! Sino yun?"

Nagsalubong ang kilay ni Keith at tumingin sa paligid at mukhang nagisip.

"Ah! Di ko pala nabanggit sayo, kasi ayoko namang.. anyway, she's Pauline Cipriano. Mayor ang dad niyan sa probinsya, pero ayaw niyang malaman ng mga tao. She just keeps it lowkey.Her mom died while giving birth to her kaya sa poder ng ama niya lang siya. She's being trained to also be in politics pero ayaw niya. Yan lang ang basic details na alam ko eh." Mahabang paliwanag ni Keith.
Tumango lang ako.


I just have this uncontrollable urge to get to know her more, because I want to prove myself that they're not the same.

Pero paano ba?

Catch Me ✔Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz