V - Andrew

594 16 1
                                    

Nagising na lang ako sa lugar na halos puti ang paligid. Hindi pa naman siguro ako patay?
Lumingon ako sa paligid. Ah, hindi pa nga.

Ano bang nangyari sa akin? Ah, nabugbog nga pala ako.
Pilit kong inaalala ang mga nangyari.. isa na sa naaalala ko ay nakita ko talaga ang kuya namin. Tangina, bigla ba akong nagkaroon ng third-eye? Wag naman! Pero kung ganun, mas gusto kong si kuya lang ang makita ko. Everyone in the family knows how... coward I am. Just a bit..

"Oh my god, finally you're awake!" Narinig kong sabi ng isang babae. Lumingon ako at si Angela pala iyon. 

"Wag mong piliting gumalaw muna! You've been badly injured but thank God, you were attended well with first aid!"

First aid??? Matapos kong makita si kuya ay nawalan na ako ng malay...
"You were found in a secluded place, you know! Paano ka naman napadpad doon? That was near Kuya Angelo's cemetery.. right? Pinuntahan mo ba siya?" Sunud-sunod ang tanong ng kambal ko kaya pinili kong ipikit na lang ang mga mata ko.

"Hoy?! Kakagaling mo lang sa tulog! Hindi pa alam ni mommy at daddy na nasa ospital ka ngayon! It's already 4 in the morning! Tutulugan mo lang ako matapos kong magbantay sayo? Hah, I'd better call--"
Bago pa niya pindutin ang unlocking key ng telepono niya, nahawakan ko na ang kamay niya.

"Don't. Please?" I somehow struggled to speak.

"Wow, so nagsalita ka na sa wakas? Now, tell me what happened, why you have bruises, putok ang labi at kilay mo? Nakipagsapakan ka ba?"

"Stop bombarding me with questions. We have to go home. I think, I'm better now. Saka ko na lang sasabihin ang nangyari.. but expect that this is related with the game yesterday."

Angela's mouth formed an O. "What? Yung lalaking nag-aangas sayo, yun nga ano? Okay. Fine, but you better speak up and tell me what happened or else isusumbong ko kila mommy ang nangyari sayo!"

"Angela! Ako na nga ang naagrabyado, isusumbong mo pa rin ako?" I know she didn't mean what she said. Even if she's gabby, I know she can keep secrets.

"Yeah, but I'm really.. worried. Lalo na noong nakatanggap ako ng tawag na mula sa dito na isinugod ka nga at wala kang malay nang makita ka. They described me the place, and I'm kind of familiar because I've been there once." Habang nagsasalita si Angela, unti-unti kong naaalala ang nangyari sa akin.

I was badly injured, yeah, let's skip that part. Tapos nakita ko si Kuya Angelo, at may itinuro siyang bahay.
Kumatok ako sa pinto ng malaking bahay na iyon at pakiramdam ko nga ay bubulagta na lang ako pero buti na lang ay may nagbukas ng pinto. Kung hindi niya binuksan ang pinto... teka, hindi ko alam ang pangalan niya! Pero unti-unti kong naaalala ang mukha niya. Para siyang.. para siyang anghel.

The girl looked cold and aloof but the eyes don't lie. They're the windows to one's soul. She looked a bit concerned.
Thanks to my Psychology professors, I know how to read a person's behavior.. as well as the feelings.
Although I barely remember how she had given me a first aid, her touch is so gentle but she's a bit cold. Literally.
I might have to go back to that place and thank her, at least.

"Kasi, may nakakita sayo na taga-doon na nakahiga ka sa labas ng pinto ng malaking bahay pero mukhang nalapatan ka na nga ng first-aid pero agad kang sinugod sa ospital. Fortunately, wala namang broken bones, wala ring internal bleeding.. just surface wounds. Dibale, tatakpan natin ng BB Cream at concealer ang mga sugat mo para hindi makita nila mommy. I'll put makeup on--"

I glared as soon as I heard 'makeup'. I remember Angela buying stuffs I don't even know about, at sinasama niya pa ako. Para saan ba yung BB Cream at concealer na sinasabi niya?

Catch Me ✔Where stories live. Discover now