XX - Angela

245 12 3
                                    

"How can you tell if someone is keeping a secret, Amber?"

"Hmm.. alam mo Gela, di ko rin alam eh. Mararamdaman mo na lang kasi kung may tinatagong sikreto ang isang tao. Bakit mo naman natanong?"

"Feel ko kasi.. may nililigawan ang kambal ko!" Meron ba kaya? Ewan ko, pero feel ko lang naman. Yung twintuition ko kasi ganun kalakas.

"Weh? Di kaya blockmate niya? Sorry ha, pero di ko kasi makita si Andrew na may girlfriend. Di ko ma-picture out!" Sabi ni Amber na nakapikit at nakakunot ang noo.

"Well, i-picture out mo na, dahil mula bukas.. susundan ko siya para lang malaman."




"Angela, edit na lang natin bukas ha! Maghahanap pa ako ng iba pang related literatures. Inaantok na ako eh."

"Okay! See you bukas! Good night!" Ngumiti ako at nagpaalam kay Amber, tulog na kasi ang parents niya, nakakahiya namang gisingin pa.

"Bakit late ka na nakauwi? Anong oras na oh?" Naabutan ko si Andrew na nasa salas at nanunuod ng NBA.

Humalukipkip ako at tumingin sa kanya. "Thesis. Bakit? Ikaw? Saan ka galing?"

Akala ko si daddy ang maaabutan ko pero si Andrew pa! Well, mas okay na rin ito dahil mas maraming tanong si daddy kesa kay Drew.

"Kumain ka na ba? Wala pa sila mommy at daddy." Aha! Iniba niya usapan!

"Kumain na ako kanina pa yun, pero gutom na ako. May pagkain ba?"

"Meron. Gumawa lang ako ng mac n cheese. Microwave mo muna lumamig na ata." Kaswal na sabi ni Andrew at binalik ang tingin sa tv.

"Yon! Galing mo talaga Irving!" Malakas niyang sabi. Tuwang-tuwa ah?

Umakyat muna ako ng kwarto para magbihis. Ang dami kong dala bukod sa cheering uniform ko, extra clothes, college uniform at laptop at iba pang libro, napasalampak muna ako sa kama. "Pagooood!"

Nararamdaman kong inaantok na ako nang maramdaman kong may gumalaw sa kabilang side ng kama ko.

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at nakita ko si kuya. "Kuya Angelo?"

Ngumiti siya. "Angela.. pwede bang sabihin mo kay Andrew.. na wag niyang hayaan ang sarili niyang mahulog? Na protektahan niya ang sarili niya?"

Napabalikwas akong bumangon. "Mahulog? Saan siya mahuhulog? Oh my g--"

"Sa maling tao.. sa maling babae." Kaswal niyang sabi.

"Bakit kuya? May.. nagugustuhan na ba si Andrew?"

"Hmm.. basta ang alam ko, unang kita mo pa lang, malalaman mo na kung ano siya, Angela. Kaya gusto ko ring ihanda mo ang sarili mo. Sooner or later, makikita mo na siya, at makikilala. Sasabihan ka ni Andrew.. baka nga ngayon na eh." Ngumiti siya at sakto namang narinig ko si Andrew na tinatawag ako.

"Oy, ako na nag-microwave ng pagkain mo Angela bumaba ka na dito at kumain!" Tawag ni Andrew.

"Sige, bumaba ka na at kumain. Protektahan mo si Drew. Babantayan ko lang kayo palagi."

Napatango ako at bumaba na lang hagdan, pero dahan-dahan lang ako. Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin to kay Andrew.. o wag ko na lang sabihin? Time will come naman siguro na si Andrew na lang ang magsasabi.

Huminga ako ng malalim at pumikit.
Ako na ulit si Angela mataray.

"Hoy Drew, kelangan bang sumigaw?"

"Shh, shh! Oy takte, bakit di mo naman pinasa? Tapos foul pa yun!" Energetic sa panunuod naman tong si Andrew!

Nag-check ako sa Messenger ko at may chat si Phil. Phil Santillano? Teammate to ni Andrew ah?

Angela?

Nagreply ako ng Bakit?

Nag-send ng picture si Phil.
Nasaan si Andrew nito? Ramdam ko may chick yang kambal mo eh. Hahaha!

Nang mag-load na ang picture, I saw.. half of the woman's face. It was pretty dark but I can still see it. Oh.. my gosh, so.. what Kuya Angelo said was true?

Hoy gago, that was me! I'm figuring out nga kung may nililigawan ba ang kambal ko eh. I replied.

I think, meron nga. Hahaha! He replied then, hindi na ako nagreply ulit.

I just have to know who she is.

I have to protect my twin.

Kinain ko na ang mac n cheese. In fact, naubos ko na pala. It was good. "Ano ba naman Andrew ang alat masyado nung ginawa mong food!"

Lumingon siya at dali-daling pumunta sakin at tiningnan yung bowl ng pinagkainan ko. "Sinungaling to! Ubos naman! Sarap noh? Sarap kong gumawa ng mac n cheese?!" Ang laki ng ngiti ni Andrew, anong nangyari dito ngayon?

Umupo si Andrew sa tabi ko. "Oh ano na naman? Papagawa ka ng assignment?!" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Tsk. Hindi!" Napakamot siya sa batok. Aha, ano kayang sasabihin nito?
"Sayo ko lang muna sasabihin pero meron akong gustong ligawan." Mabilis niyang sabi.

"Ano? Hindi ko naintindihan! May humahabol bang kabayo sayo at ganyan ka magsalita?" Sa bilis niyang magsalita wala naman talaga akong naintindihan!

"Sabi ko.."

Tumaas ang kilay ko at niliitan siya ng mata. "Dali na kasi!"

"May gusto akong ligawan." Shit, totoo nga ang sabi ng Kuya Angelo!

"Oh? Sino? Anong pangalan? Nasa school ba natin?" Now, I'm really curious.

"Wala eh.. pero nung game kanina, nandun siya. Tsk, matutulog na nga ako." Dali-dali siyang umakyat ng hagdan at narinig ko pa ang pagsara ng pinto.

Ang weird ng kambal ko ngayon, anong nangyari dun?!


Niligpit ko na ang pinagkainan ko at pumunta sa salas para manuod ng tv. Nang ililipat ko na ay nakarinig naman ako ng mga yabag ng paa na pababa ng hagdan kaya napalingon ako.

"Her name is Eleanor." Nahihiya pang sabi ni Andrew at kumaripas na ng akyat ng hagdan ulit at narinig ko ang pagsara ng pinto niya.


Eleanor? Hmm..

Catch Me ✔Where stories live. Discover now