III - Angela

660 25 0
                                    

"Pero... nakita ko na siya." Natigil ako sa pagkain.

"What? Anong nakita mo na? He was dead even before we were born. That was two years apart!" Gulat na sabi ni Andrew. Kuya Angelo was older than us by two years.

"I really did! But his aura is so soothing. He actually looks cute and very nice! I saw him w-when.. when we were 10! Kung tutuusin, noong mga bata pa tayo, kamukha mo siya. At kung lumaki siya at umabot sa kung anong edad natin ngayon, kamukha mo rin siya. You'd look like identical twins instead of me!" I saw Kuya Angelo when Andrew and I were just ten years old.

Naalala ko na nagkasakit ako ng dengue noon, daddy even said that I had a convulsion... at yung mata ko ay halos tumirik na. Iyak ng iyak si mommy noon dahil sa takot. Noong umayos ang pakiramdam ko, nakita ko si Kuya Angelo sa tabi ni mommy.

It's not yet your time to go! Stay here with them. Sabi niya iyon at ngumiti sa akin. Yung presensya niya ay para bang nakakagaan sa pakiramdam at yun siguro ang dahilan kung bakit mabilis akong gumaling.

I don't know but Kuya just suddenly like.. popped up. Hindi niya nga gustong sabihin ko kahit kanino na nakikita ko siya. Tinatanong ko siya kung may gusto ba siyang sabihin kay mommy. He wanted to say sorry and he wants to let her know na hindi siya dapat iyakan ni mommy dahil nasa mabuting lagay naman na siya. Sabi niya, someone assigned him to be a guardian angel.

"I'm not in the mood to joke around with y--"

"Please? Believe me just this once? This might be one solution to heal her from--" I tapped the table like it's juat the two of us talking. I don't care kung sino man ang makakita, o kung ano man ang maging reaksyon ng mga tao sa amin. Let them be.

"What? From her depression? Look, Gela.. hindi mo ba nakikita na baka lumala lang ang depression ni mama? She'll be craving for our brother's presence! Hanggang sa ano? Hanggang sa irequest din niyang gusto niyang makita si Angelo? It might worsen her condition! She'll get hallucinations and stuff!"

"I just.. want to help mommy. I would hear her cry even until now.. once in a week. Daddy would wake up in the middle of the night and calm her down. Pag hindi kaya ni daddy, papainumin niya si mommy ng gamot. Ayaw ni daddy na umiinom si mommy ng mga yun dahil alam niyang magiging dependent siya sa gamot. Can't you see? If this is the only--"

"Only way? What, to help our mother? No. Nakikita mo pa ba si Kuya Angelo?" I can see that he's really mocking me!

"Y-yes... I still see him occasionally." Umiwas ako ng tingin at napainom ng tubig.. just because that's the truth! I still see Kuya Angelo!

"You want to help mom? Then, don't tell her you see our brother,"

"Mauna kang umuwi habang medyo maaga pa. I'll just get some fresh air. Sabihin mo kay mama at papa na may bibilhin lang ako at uuwi rin agad. Text me if you're home."

Nag-iwan lang ng perang pambayad at pati na ang susi sa akin para ako na nag mag-drive pauwi. Hah! At para ano, ako ang pagalitan nila mommy na mag-isa lang akong umuwi?!

Nakakainis naman eh!

Nakita ko mula dito sa loob ang pag-para niya ng taxi saka sumakay. Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya sa driver kung saan ba siya pupunta.

Ah, bahala na! Sabihin ko na lang pumunta siya sa girlfriend niya... kahit wala naman talaga. Torpe kasi yan!









At dahil may sobra pa sa binigay ng mabait kong kapatid, bumili pa ako ng dalawang slice ng black forest cake.

There's always room for dessert.. in my tummy.

Matapos kong busugin ako sarili ko, maghahanda naman ako ngayon sa pagpapaliwanag kung saan pumunta ang kambal ko.






Pagdating ko sa bahay, well, pasado alas nuwebe na, kaya madilim na sa loob. Tulog na kaya sila mommy at daddy?

Umupo ako sa sofa na magaan ang pakiramdam kasi saved by the bell yata akong hindi makakarinig ng boses ni mommy. Hehehe.

Sandali muna akong nanuod ng mga makeup tutorials

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nanunuod pero lumalalim na ang gabi at wala pa rin si Andrew.

Nakauwi na ako kani-kanina pa! Nasaan ka na ba?

I texted and sent. I waited minutes and minutes... until minutes turned to an hour.. until my phone rang.

"Ay!" Nagulat pa ako. Halos makatulog na ako, magaalas-dose na pala, wala pa rin ang kambal ko?!

Di ko na tiningnan pa kung sino ang tumatawag at sinagot agad.
"Hello? Who's this? Yes, speaking... WHAT? W-where's my brother right now? H-hospital? Saang hospital? Okay. Okay, I'll be there. Thank you."


And now, I'll be in deep shit. A very deep one.

Kasi, shit talaga! Kung sabay lang kaming umuwi, edi hindi nangyari sa kanya yun!

Pumunta ako sa kwarto ni Andrew para kumuha ng bagong damit.

"Angela. What's the rush? Where's Andrew?"

Daddy, sorry po talaga di ako makakasagot at the moment. Buti na lang rin, hindi si mommy ang nakaharap ko ngayon.

Kuya Angelo.. help, please.


Catch Me ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon