XXV - Andrew

229 12 9
                                    

I know my twin sister is happy.

She may be confused, she still claimed her long-time crush any way.

"Keith, try mong kumalma bro." Sabi ko.

"18 pa lang ako, parents are pressuring me to get married. Bakit? Bakit big deal sa kanila yun?.." Nakatayo si Keith at palakad-lakad. Kami na lang ang naiwan dito sa court dahil kakatapos lang ng training.

"There's this Rachel who kept bugging you, right? Nakwento mo na sa akin isang beses. How is she? Ayaw mo ba?"

He looked at me with disbelief. "Hell, no, I won't! She's a friend, alright, but contrary to what she said that I promised her a wedding.. Tangina sakit sa ulo eh!" Ngayon ko lang nakitang hindi kalmado si Keith. It's taking a toll on him.

"If Rachel went crazy on your party, take my sister, then." Nagkibit-balikat ako.

Napatigil sa paglalakad si Keith at tumingin sa akin.

"Really? I mean.."

"Oo. I'm sure she'd be willing. Matapos mo siyang bigyan ng lava cake at ako hindi." Pabiro ko siyang inirapan.

Tumawa ng malakas si Keith. "Uy captain, sorry! Di kasi kita mahagilap time na yun kaya hindi na kita nabigyan! I'll make another."

"Nah, okay lang. Just make sure.. she'll be alright. Lalo na kapag kailangan mo siyang ipakilala.." I'm in no position to tell Angela's feelings for Keith so.. this is me, lowkey giving my twin to have a small moment with Keith.

Hinawakan ako ni Keith sa balikat. "I owe you my life."



"Andrew! Andrew! Something.. happened to Angela."

Kausap ko si Amber at pareho kaming nasa table. Agad akong napatayo. "Bakit? Nasaan siya?"

"I honestly don't know what happened to her pero nahimatay na lang siya bigla. Nakahiga siya ngayon sa sofa." Nagpa-panic na sabi ni Keith.

Nagmadali akong lumakad, di ko na inalala kung sinong nabangga ko bago makapasok sa bahay nila Keith.

Shit. She looks pale. "Anong nangyari sa kanya, Keith? Tangina, pinagkakatiwalaan kita--"

Tiningnan ako ni Keith ng diretso sa mata. "I promise, and swear with my life. She just collapsed. I also made sure, nothing's in the food or drinks. I fucking swear, Andrew."

Lumapit ako kay Angela. Marahan kong tinapik ang pisngi niya. "Gela? Gela, wake up. Nandito ako. Drew's here." Mahina kong sabi sa kanya.

"You may.. you may bring her to the guest room beside my room. Para maayos siyang makapahinga." Suhestyon ni Keith.

"Where?"

"Come on, I'll show you up."

Kinarga ko na si Angela. Paakyat na kami ng hagdan nang marinig kong bumulong si Angela. "Keith.. has nothing to do with this."

"What?" Nilapit ko ang tenga ko para marinig siya ng maigi.

Her voice seemed weak. "Keith.. has nothing to do.. wi--this.. But his great grandmother.. I saw her."

Hindi ko masyadong maintindihan ang boses niya dahil sa hina. "You'll tell me later. You rest first before we go home. Ang taas rin kasi ng heels mong suot eh."

Dahan-dahan ko siyang hiniga sa kama. She's asleep again.

"I'll just get water for her. Do you need anything?" Tanong ni Keith.

"Sure. Thank you, I'll stay here." Lumabas ng kwarto si Keith.

My sister's healthy, as far as I know. She never skipped her meals, or anything..

Pero naalala ko na pag time of the month ito ang sintomas niya, na minsan pa nga ako ang pinabibili niya ng.. pads.

Kinumutan ko si Angela na mahimbing nang natutulog.. parang gusto ko na ring matulog.

Nahiga ako sa couch na nasa bandang paanan ng kama. Hahaha shit, inaantok na rin nga ako.



"Andrew! May kailangan akong sabihin!"

Aray, shit.
Naramdaman ko ang matigas at nalamig na sahig.
Nahulog ako sa upuan dahil sa gulat?

Napabalikwas ako ng bangon at hinanap kung saan galing yung ingay.
Nakita kong nakaupo na sa kama si Angela at hinihingal. "Nag-jogging ka ba? Galing ka sa tulog ah bakit hinihingal ka?" Umupo ako sa tabi nya.

Nagbuntong-hininga siya. "Lola ni Keith si.. si Eleanor! Magkamag-anak sila!"

Ha? "Pfft.. HAHAHAHA!"

Nakatitig lang sa akin si Angela na parang naguguluhan. "Bakit ka tumatawa?"

"Kasi.. hahahaha! Kasi kakagising mo pa lang nag-joke ka na?!" Humahagikgik pa rin ako nang maramdaman kong mainit ang likod ko.. dahil sa malakas niyang palo!

"Mukha ba akong nagsisinungaling?" Natigil ako sa pagtawa. Sobrang seryoso ng mukha ni Angela. Ngayon ko lang nakitang ganito siya.

Humalukipkip si Angela at huminga ng malalim, saka siya tumayo at binuksan ang pinto para lumabas ng kwarto.

Dumbfounded. Gagu? Anong nanyari? Sobrang seryoso talaga ng mukha niya, parang di ko kambal yun.

Dali-dali akong sumunod sa kanya palabas ng kwarto pero wala na siya kahit saan. Ganon kabilis?!

Pababa ako ng hagdan at nakasalubong ko pa si Keith.. na nakasuot na ng pantulog at may hawak na isang baso ng tubig.

Kumunot ang noo ko. "Nasan ang kambal ko?"

"Ha? Di ko nakita. Bakit?"

"Teka, anong oras na ba? Bakit wala nang tao sa labas niyo?"

"Ah, mag-aalas dos na. Akala ko natutulog na sa kwarto si Angela? Dito muna kayo matulog, ayos lang naman. Medyo nakainom ka pa kanina."

"Tangina san nagpunta yun.. pag nakita ko si Angela, uuwi na kami. Salamat bro." Tinapik ko ang balikat ni Keith.

"Ah, o-okay.. Ingat kayo."

Dali-dali akong bumaba at lumabas ng pinto ng bahay nila.

Sa harap ng bahay nila muna ako nagtingin. Coast is clear, wala. Wala ni anino ni Angela.

Tumakbo ako papuntang likod.. pool area nila, wala rin. Kubo, wala rin.

Huli na to.. pumunta ako sa garden at doon ko na nga nakita ang likod ni Angela. Hindi ba to nilalamig?

Hinubad ko ang coat ko at nang isasabit ko na sa likod niya ay bigla siyang lumingon sa akin na sobrang sama ng tingin. "Iwan mo ako dito! Bwisit ka! Hindi mo naman ako pinapaniwalaan!"

"Sorry na kasi.. pero paano mo nalamang si Eleanor ang lola ni Keith? Saka.. ang bata pang tingnan ni Eleanor!"

Tumayo si Angela mula sa kinauupuan niya at hinawakan ang dalawang kamay ko, na ramdam kong nanginginig siya. "Andrew.. matagal na siyang wala.. Matagal na siyang patay."

Catch Me ✔Kde žijí příběhy. Začni objevovat