Ang Earth naman ngayon ay Aquifex City na ay unti-unting narerestore. Pero sunog talaga ang kalahati ng earth at kaya pang tirhan ang kabilang kalahati kaya doon kami pupunta ngayon.
Pagbaba namin sa atmosphere ng Aquifex City ay gawa na sa kung anong metal na glass ang bagong ozone layer nila. Hindi narin nagrorotate ang oras dito, they're stuck where in time is always at night. But it still revolves around the sun.
Ewan basta magulo di naman ako geography student.
Pagkababa namin ay pumikit lang ako dahil nasusuka ako. This time totoo ito dahil sobrang dilim at ang bilis pa ng byahe pababa.
Naramdaman ko si Envinci na kinapitan ako. "Hey, okay ka lang ba?" Smooth lang ang boses niya sa may tenga ko pero sobrang dilim pa rin talaga sa mundong to.
Binigyan ko siya ng isang thumbs up habang nakatakip pa rin sa bibig.
Pero naramdaman kong medyo kumalma ako nang naramdaman kong inalalayan niya lang ako hanggang sa makaabot kami sa susunod na escalatar pababa. Na wala na atang itatarik pa.
Napalunok ako. Ang tarik mama!
Hindi ako takot sa heights pero nasusuka talaga ako sa matataas na heights hindi ko kaya. Iba kasi yung takot sa ayaw talaga ng katawan mo.
Ayaw kasi ng katawan ko na nasa mataas ako.
Nakatingin lang sa akin si Envinci kasi nanahimik na ako.
"Halika dito."
Nangingiyak lang akong tumingin sa kanya. Bakit kasi ang lakas ng epekto sa akin ng heights?
Nanginginig na nga ako kaya marahan niya akong niyakap nang sumakay na kami sa escalatar. Tinago niya ako sa dibdib niya para hindi ko na makita ang pagbaba namin.
Naging komportable ako sa ginawa ni Envinci dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sobrang haba kasi ng escalatar pababa parang nasa ere palang kami kung saan doon lumilipad ang mga jet planes.
Naramdaman kong marahan niyang tinatapik ang likod ko.
"I wish one day you could see how beautiful the sky was without fearing how you'd fall." Marahan niyang bulong habang mainit paring nakayakap sa akin.
Hindi nga ako takot mahulog sa mataas na lugar! Ayaw lang talaga ng katawan ko! Kulet!
Nanatili akong tahimik at tood sa kinatatayuan. Hindi ako makagalaw kasi feeling ko mahuhulog talaga ako sa dagat-dagatan ng mga ulap.
"I wish one day you'll risk it all just to see how beautiful it is." Sobrang marahan at nakakarelax ang boses niya.
Naramdaman ko na ang kamay ni Envinci sa buhok ko habang marahang nanatili ang kamay niya doon. Sa ginagawa niya, sobrang napapanatag ang loob ko at medyo napapakalma ako.
"Pero handa naman akong maghintay hanggang sa hindi ka na takot." Narinig kong ngumisi pa siya after niyang sabihin iyon.
Hindi nga ako takot sa heights eh! Isa pa, tatamaan na talaga!
Bumulong ako habang nakapikit ako sa dibdib niya, "Malapit na ba tayo?" Sobrang hirap ayusin ng dila ko para hindi ako mautal.
"Sana nga malapit ng maging tayo."
Malakas kong kinurot sa utong si Envinci.
Tanging inang yan.
"Aray!"
Nang muntikan niya na akong mabitawan ay doon niya lang din ako mabilis na niyakap ulit at tinakpan niya pa ang mata ko. Kilalang kilala niya talaga ako. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa maharot na to.
"Hayop ka may balak ka pang ihulog ako!" Nanginginig kong sabi.
"Wag mo kasi akong kurutin sa utong! Masakit kaya! Kung sayo ko kaya gawin yon matutuwa ka ba?" Naging marahan na ulit siyang magsalita. Habang naramdaman kong niyakap niya na naman ako ng mahigpit na parang ayaw bumitiw.
Natawa nalang ako sa kanya.
"Sorry." Mahina kong bulong at nagtago lang sa dibdib ni Envinci hanggang sa makababa kami.
Nang bumitaw ako sa kanya ay malaki ang pasasalamat ko dahil malapad ang kanyang dibdib kaya hindi ko nasulyapan kung gaano katirik ang bababaan namin.
His hair blew sexily along with the wind. And his daunting smile and sharp jaws were permanently eye-catching.
But his eyes were always as mischievous and hauntingly beautiful every time na magagawi doon ang mga mata ko.
Lumayo na nga ako sa kanya pagkatapos kong magpasalamat.
At tiningnan na nga ang kalahati ng Aquifex City na tinitirhan na ulit ngayon ng mga tao.
+++++
Hit the star~
YOU ARE READING
Installing 49%
Science FictionAn idiot, a quad-genius prince, the silent senior, the boy, and the girl who knows a hundred codes with a whole funny venture crossing the universe for one mission. An immortal god named Medieval kept the secrets of how to be immortal through a cryp...
Installing 7%
Start from the beginning
