While the others just looked at him with awe. Sino nga naman bang hindi mabibighani sa kakaibang utak ng gagong yan?

Bukod sa mukha niyang ubod ng sexy at gwapo, sobrang gwapo rin ng utak niya na parang gusto ko na tuloy idisect!

"Why? Alam mo namang may photographic memory ako kaya kinalkal ko lang sa utak ko ang imahe, then ibinigay ko sayo ang sagot? Bakit ba lagi nalang akong kulang para sayo, Cosine?" May ngisi siya sa makapal niyang labi nang sinabi niya iyon.

Lahat nang mga nakarinig ay sinipulan at kinchawan si Envinci sa binitawan niyang salita. May sumipol pa sa kanya at yayabang-yabang na naman ang ngisi niya.

"Galing ko ba? Nakuha ba kita?"

Natahimik ako at nang makabawi ay mabilis akong hinarangan ni Professor Carpio para awatin.

"Cosine! Mamaya na kayo magsuntukan, pagnakababa na tayo. Baka tumirki pa tong elevatar!" Sabi niya na dama ko ang kaba.

Ngisi lang ang ibinigay sa akin ni Envinci at huminahon na ako. Ayokong-ayoko na pinaparating niyang ganon.

Nang makalabas kami malapit sa atmosphere pod ay doon na kami pinasuot nang mga gears para makahinga kami sa walang oxygen sa outerstellar. Nang naisuot na namin ang helmet na bilog sa ulo na para kaming mga tanga dahil mukha kaming may fish bowl na suot-suot sa ulo ay mabilis kong hineadbat si Envinci.

Alog ulo niya eh. At tawa lang ako ng tawa. As usual, happy happy lang para di mahalatang naiihi na sa kaba.

"Ano ba! Kanina ka pa sa ulo ko ah? Baka matakot ka pag ibang ulo na ang binundol ko sayo!"Narinig kong sabi ni Envinci sa snoopy cap or communication cap.

Nagsitawanan sila Jedi at kahit poker face si Senior Gabe ay nakita kong ngumisi siya. Tawa naman ng tawa ang maharot na si Kesyla. At namumula na lang akong mabilis na naglakad kahit na medyo muntanga dahil kahit papaano ay ang helmet namin ay may kung anong elemento para bigyan kami ng gravity para makapaglakad kami patungo sa bridge.

"Napakabastos talaga ng hayop." Inis kong marcha papunta kila Professor Denira.

Narinig ko lang ang tawa ng apat na prodigies ng Intel.

Isa na namang mahabang paglalakbay papuntang Aquifex City. Meron pa kasing isang City na pagitan mula Cipher City, ang Heliore City. Pero mabilis lang. Sasakay lang kami sa isang tight space na hugis bilog na spacecraft at tig-dadalawa ang sakay non.

Mabilis akong kumapit kay Professor Santival pero nagulat ako nang sasakay na siya sa bubble spacecraft kasama ni Professor Binoh.

Nalugmok ako dahil alam ko na ang ending neto.

"Ayan ha, tatanda niyo na po humaharot pa rin pala kayo. Sumbong ko kayo sa Ciencio!" Munggago ko na namang sabi.

Inirapan lang ako ni Prof Santival. Sa kanilang dalawa siya talaga yung talagang masasabi kong medyo bading. Si Prof Binoh naman ay lalaking-lalaki.

Hindi sila, pero malapit kasi sila sa isa't-isa kaya lagi ko silang inaasar. Wala lang, wala akong magawa eh bakit ba?

Sus, wala naman akong magawa all the time eh.

"Doon ka na nga, Cosine. Sinisira mo momentum ko kay Binoh eh." Irap sa akin ni Prof Santival.

"Sige, magmahalan lang po kayo."

Tumawa lang si Prof Binoh na lagi namang nakakatawa lahat ng bagay sa kanya.

"Ayan o si Envinci, patulan mo na kasi." Sinaluduhan ni Envinci ang dalawa na nagulat ako ay nakaabot na pala sa akin at nasa tabi ko na. Pisti talaga. "Good Luck." Tawa-tawang sabi ni Prof Binoh kay Envinci at tawa lang ang ginawad sa kanya ng Quad-Genius.

Nang dumating na nga ang Bubble spacecraft ay parang gentleman kuno ang akto ni loko.

"Ladies first." I crossed my arms.

"Ayoko, kay Senior Gabe ako sasabay." At nang tinalikuran ko siya ay mabilis pa sa alas kwatrong hawak niya na ako braso.

Tiningnan ko siya sa inis at nang makita ko ang mukha niya ay nakatiim bagang ito at seryoso na. Envinci has this merciless aura when he's not smirking.

At alam kong badtrip na siya pag ganon.

Envinci is the definition of intense when he heard something he didn't like.

"Subukan mong pumili ng ibang lalaki bukod sa akin." Pagbabanta niya.

The intensity of his tone made me shiver along with his stare.

With that I couldn't say no at pinili nalang na sumakay sa bubble spacecraft kasama siya.

He's a son of a great duke after all and no one knows that except me. Kaya may takot ako sa kanya. At kaya rin kahit kaaway ko siya, we're still close like friends.

At siya rin kasi ang pinakamakapangyarihang connection na nagawa ko.

+++++

Zzup, anong insights niyo sa story na to?

Hit the star~

Installing 49%Where stories live. Discover now