"Wow! Sweet mo ah," sarkastikong sagot mo. Bumalik ulit yung ngiti ko sa tono ng pananalita mo. Siguro nga okay ka na. Namimilosopo ka na eh. "Ay, Sehun-ah!" Bigla mong sabi.

   
"Ano po?" Tanong ko.

   
"Err," mukhang nagdadalawang-isip ka pa kung sasabihin mo ba o hindi. "Nandito sila tita Ara. Natatandaan mo pa sila?" Sambit mo at napakunot naman 'yung noo ko. Um-oo ako at nagpatuloy ka na sa pagsasalita. Sabi mo, biglaan silang dumalaw at hindi niyo alam nila mama.

   
Oo naman, Nite. Natatandaan ko pa sila. Sila 'yung unang nakahalata na may gusto ako sa'yo nun eh. Sila Tita Ara at Tito Jin. Kapatid at best friend ni mama mo si tita Ara. Nung unang dumating sila dito sa Korea ay nakilala ko na rin sila. And then the rest is history.

   
"Silang dalawa lang?" Tanong ko. Sandali kang napatigil hanggang sa masalita ka ulit. "Hindi eh. . . Kasama nila si kuya *Rifle," sagot mo.

   
Si Rifle hyung? Ibig sabihin kasama rin si Terrence?

   
"Pati si Terrence?" Tanong ko ulit at um-oo ka.

    
Napa-ngiti ako ng mapait. Best friend ni Rifle hyung si Terrence. Pangalawang kapatid mo si Rifle hyung. Hindi magaan yung loob ko kay Terrence. Ayaw nun sa'kin eh. Edi ayoko rin sa kanya. Hindi niya man ipahalata. Ramdam ko naman. Alam ko kung ayaw sa akin ng isang lalaki ulit, lalaki din ako eh. Napatunayan ko naman na sa'yo, 'di ba? Haha

   
Matagal tayong nanahimik hanggang sa tinanong ulit kita, "Paano ako pupunta dyan?"

   
Hindi kasi ako makakapunta sa inyo nang may ibang tao. Alam naman nila yung tungkol sa atin bago ako mag-debut, pero delikado pa rin. Balak ko pa naman sanang pumunta sa inyo bukas pagkabalik namin galing dito sa Singapore at pagkatapos ng meeting namin sa SM building. Pero mukhang hindi ata ako makakapunta.

   
Hindi ka pa man nakakasagot ay narinig ko 'yung sigaw ni Lay hyung, "Yah!!! Sehun—" Napa-kunot ang noo ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko nang maka-lingon ako sa kanila.

   
Si Luhan hyung. . . nakayuko siya habang nakaluhod na sa sahig at mahigpit na naka-kapit yung kanang kamay niya sa dibdib niya at yung kaliwang kamay naman niya ay madiin na naka-kapit sa binti ni Lay hyung.

   
Mabilis na tumakbo ako papunta sa kanila. Nagtanong ka pa kung ano'ng nangyari pero nagpaalam ako agad sa'yo at pinutol ang tawag. Nang makalapit ako ay tarantang-taranta na 'ko. Sobrang namumutla si Luhan hyung at nakita kong nangigitim yung ilalim ng mga mata niya nang tignan niya ako. Si Lay hyung, nanlalaki yung mga mata niya at hindi alam ang gagawin.

    
"H-hyung, ano'ng nangyari?!" Tanong ko habang inaalalayan si Luhan hyung para umayos ng tayo. Luminga-linga ako para tignan kung may nakakita ba sa'min, pero buti na lang at wala akong nakita. Nilagay ko yung kaliwang braso ni Luhan hyung sa balikat ko at ganun din yun ginawa ni Lay hyung sa kanang braso niya.

    
"Hindi—hindi ko alam! May binu-bulong siya kanina tapos hindi ko marinig. Ta's eto na, bigla na lang siyang tumigil sa paglalakad tsaka nanlambot," nauutal na sabi ni Lay hyung.

   
Inayos ko yung pagkaka-alalay ko kay Luhan hyung at bumulong sa kanya, "Sandali na lang, hyung. Malapit na tayo."

   
Ang lakas ng tibok ng dibdib ko. Ngayon lang 'to nangyari kay Luhan hyung at nakakainis dahil kanina pa namin siya kasama pero hindi namin alam yung nararamdaman niya. Sabi ko na kasi eh! Sabi ko na nga ba, may mali sa kanya! Bakit ba kasi naniwala ako agad sa kanya na naiihi lang siya?!

Oh Sehun's ChildHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin