20.

10.8K 402 86
                                    

don't demand me to update, if you don't want me to demand you to leave a comment.

  

twenty.

 
   
   
Nakakunot ang noo ko habang tinitignan ko si Luhan hyung. Nawiwirdohan na kasi ko sa kanya. Simula nang pumasok kami sa elevator dito sa hotel kung saan kami nagcheck-in ay bigla bigla na lang siyang hindi mapakali. Namumutla pa si hyung at halata mong pinagpapawisan siya kahit na hindi naman mainit dito.

    
"Hyung," tawag ko sa kanya at mabilis na lumingon naman siya sa akin. "Ayos ka lang ba talaga? Pinag-aalala mo naman kami eh."

  
Kami kasing tatlo ni Lay hyung yung bumili ng midnight snack ng grupo at pabalik na kami ngayon sa unit namin. Kanina rin nung paalis kami, ganyan siya. Ilang beses na nga rin siya tinanong ni Lay hyung kung ayos lang ba siya. Paulit-ulit at iisa lang din yung sinasagot ni Luhan hyung kaya napaniwala na rin siguro niya si Lay hyung.

    
Sanay naman kaming lahat na sinasabi ni hyung na hindi siya komportable kapag nasa elevator kami, pero iba yung kilos niya kasi ngayon.

   
Ngumiti si Luhan hyung, "Ayos lang talaga. Ano. . . naiihi lang ako. Kanina pa," nauutal na sagot niya. Bumuntong hininga ako at hinayaan na lang. Baka kasi naiihi lang talaga siya at napa-paranoid lang kami.

    
Ilang sandali pa ay tumigil na rin yung elevator sa floor kung nasaan yung unit namin. Nauna kaming lumabas at nauna na rin akong naglakad sa kanilang dalawa. Tatawagan kasi kita. Iche-check ko lang kung kamusta ka na. Yung huling pag-uusap kasi natin, sabi mo, masama yung pakiramdam mo.

    
"Hello. . ?" bungad mo sa kabilang linya. Masama nga pakiramdam mo. Hindi naman ganyan yung una mong sinasabi kapag tumatawag ako eh. "Sino 'to?" Oh tignan mo. Hindi mo pa tinignan 'yung caller ID.

    
"Holdap 'to. Akin na puso mo," ang tanging sagot ko na lang. Narinig kong tumawa ka ng mahina at saka nagsalita. "Ahh. . . Sehun-ah."

   
"Sinong Sehun? Holdap nga 'to," walang ganang sabi ko naman pero naka-ngiti na ako. Lumingon ako sa likod ko para tignan kung malapit lang ba yung distanya ko kila hyung at buti naman ay medyo malayo.

   
Narinig kong bumuntong hininga ka at sinabing, "Sige na nga. Oh. ayan na. Iyong-iyo na," sabi mo na may tonong sumusuko na. Napalawak yung ngiti ko habang sinusuklay ko yung buhok ko gamit yung mga daliri ko.

   
"Tama na 'to, kinikilig na ako," seryosong sabi ko pero naka-ngiti pa rin. Eto na naman tayo. Napalakas naman yung sagot mo. "Kadiri 'to!!!" Tumawa ako ng mahina at ganun ka din.

   
"Kinikilig ka lang eh," pang-aasar ko. Nag-react ka pa pero hindi ko na pinansin yun at nagsalita ulit. "Kamusta ka na? Okay ka na ba? Ano ba kasing nangyari sa'yo?"

   
"Medyo okay na," naka-hinga naman ako ng maluwag dahil sa sinagot mo. Buti naman. Ayoko ng nagkaka-sakit ka kasi grabe ka kapag nilalagnat ka. "Pero ang init ng lalamunan ko. Feeling ko nasusuka ako. Pero hayaan mo na, feeling ko lang naman yun," dagdag mo pa tsaka tumawa ulit ng mahina.

    
"Pacheck-up ka na," sabi ko.

   
"Okay na nga ako! Baka naparami lang ako talaga ng kain. Kasi nga, 'di ba? Ang takaw namin nitong mga nakaraang araw," pagtanggi mo. Ang tigas-tigas naman ng ulo mo. Bumuntong hininga ako. "'Pag may nangyaring masama sa'yo, kokotongan kita ah."

Oh Sehun's ChildWhere stories live. Discover now