intro

47.7K 1.3K 665
                                    

Introduction — the Oh's

  
  
   
Tinignan ko kung paano maglaro ng Rubik's cube si Sett habang naka-sandal ako sa pader. Itong batang 'to... ang bata bata pa, ganyang laruan na ang hawak. Ang lakas maka-genius kaso wala namang nabubuo. Lakas ng impluwensya ni Luhan hyung dito.

   
"Sett," sambit ko pero hindi niya ako nilingon. Tinawag ko ulit ang pangalan niya at dun lang niya ako pinansin.

  
"Dad? Buthy (Busy) po ako!" natawa na lang ako sa sagot niya.

  
Pwede ba, Sett? Manahin mo na ang kagwapuhan ko pati na rin yung katawan ko 'wag lang yung lisp ko!

  
Inikot ko ang mga mata ko. Isa sa mannerisms ko na hindi ko kayang mawala.

  
"Tigil na, baby. Ready na caramelized bacon mo pati na rin strawberry milk," pag-aya ko habang naglalakad papalapit sa kanya. Nakita kong napatigil siya sandali at naga-alinlangan na tinignan ako.

  
Alam kong gusto na niyang makain yung breakfast niya pero dahil sa ako ang tatay niya ay syempre matigas din ang ulo ng anak ko.

  
Pinagpatuloy niya ang paglalaro ng Rubik's cube. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi ganyang laruan ang nilalaro niya dahil ang alam ko ay para sa matatalino din yan. O maiinis ba ako kasi wala siyang nabubuo. Napag-isip isip kong 'wag na lang pakielaman yung anak ko. Hindi rin naman ako marunong maglaro niyan, sino bang niloloko ko.

  
Napa-buntong hininga na lang ako.

  
Minsan pinagsisisihan ko din na ang daming namana sa akin ni Sett.

  
Naisip ko din... na kung makikipag-away ako sa tatlong-taong gulang na anak ko... para na rin akong nakipag away sa sarili ko.

   
Inakbayan ko si Sett na napaka-gwapo, "Ako kakain nun. Isa..."

  
Padabog na binaba niya yung Rubik's cube sa pagitan ng inuupuan namin tsaka tumayo. Naka-kunot na tinignan ko siya at nang nilingon niya ako ay naka-kunot din siya.

  
Ay wow.

  
"Dad naman eh! Kakain naman po ako katho (kaso) bubuuin ko nga po muna yung Rubik'th cube kathi thabi ni Luhan hyung pag nabuo ko yun reregaluhan niya ako eh!" naiinis na sabi niya sa akin habang sinusuntok-suntok ako.

  
Natatawang sumagot ako, "Hoy, Sett Oh, ayus-ayusin mo 'yang dila mo. Ano ba!"

  
Tama ng ako na lang ang may lisp. Pati ba naman anak ko? 'Wag na.

  
"Daddy!!! Bakit mo kathi (kasi) po ginawa agad yung breakfatht (breakfast) ko eh!" iyak niya habang sinusuntok pa rin ako. Medyo naka-yuko siya at nakatingin sa akin ng masama.

  
Bakit kitang kita ko ba kasi yung sarili ko sa batang 'to? Gaya-gaya!

  
Wala na lang akong nagawa kundi tumawa at saluhin yung mga suntok niya.

    
"Tapoth (tapos) tinawag mo akong baby! Hindi na po ako baby, daddy!!"

  
Binuhat ko na siya at tumayo na ako. Sinusuntok niya pa rin ako pero nakayakap na siya sa akin. "Sorry na. Ang aga-aga kasi laruan agad hawak mo. Eh kung i-confiscate ko kaya yung toys mo."

  
Sinuntok pa ako ng tatlong taong gulang na anak ko. "O tignan mo, balak mo pa ako alisan ng tayos, daddy, edi paano na ako nyan, hindi na ako magiging mathaya! Ayaw mo po ba ako ng mathaya?"

   
Walang tunog na tumawa naman ako. Ako pa ba 'to?

  
"Tinatawanan mo pa ako! Ayoko na dito, daddy! Lalayath na ako! Dun na lang ako kila Kyungthoo hyung tutal math mahal pa nila ako!"

Oh Sehun's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon