02.

32.1K 913 314
                                    

Hindi ko tinatago sa inyo yung nanay ni Sett. At wala portrayer si Nite. Kasi kayo yung nanay ni Sett. Hindi ko ginawang misteryo ang nanay ni Sett okay?

   
   

two.

 
  
"Para san 'to, maknae?" Tanong ni Chanyeol hyung sa'kin. Nagpasama kasi ako sa kanya dito sa Toy Store. Tutal mahilig naman sa laruan si Chanyeol hyung kaya sa kanya ako nagpasama.

 
"Para sa'yo, hyung. Pili ka lang ng gusto mo," blangkong sagot ko. At ito namang si hyung, uto-uto. Naniwala naman.

  
"Weh? Talaga?"

  
"Joke lang, hyung. Syempre para kay Sett 'to. Siya lang naman anak ko. Anak ba kita?" Pilosopong sagot ko tsaka ako tumawa.

 
"Aba, siraulo ka ah," 'yan na lang yung nasabi ni hyung. Pffft, asar talo na naman 'to. Kaya minsan nage-enjoy ako sa Pinas e. Pakiramdam ko kasi palaging Yaja time. Dito kasi sa Pinas, kahit bata ka, pwede mong sagutin yung matatanda. Pero syempre, ilulugar mo yung pagsagot mo. Kung biruan, biruan. Pero dapat hindi pa rin nakakalimutan yung pag-respeto sa mga naka-tatanda. Nung una, naninibago kaming lahat. Hindi kasi kami sanay. Pero habang tumatagal, naa-adapt na namin yung tradisyon dito. Kaya ang saya, e. May laban na yung maknae. Heh.

  
"Alam mo, Sehun? Dapat hindi laruan binibili mo kay Sett e." Bulalas ni hyung.

  
"E ano?"

  
"Movies ni Nite," mabilis na sagot ni hyung at mabilis ko rin siyang nilingon. "Hyung naman!"

  
Napa-buga si hyung ng hangin. "Ano?" Tinapik ni hyung yung balikat ko tsaka niya pinagpatuloy yung pasasalita, "Sa palabas naman niya makikita si Nite. Hindi sa personal."

  
Kahit na. . .

  
Umiling ako, "ayoko na nga na lalo pang ma-attach si Sett kay Nite, hyung. Ngayon nga na hindi pa nakikita ni Sett si Nite, baliw na baliw na siya. Paano pa kaya pag nagkita na sila?"

   
Huminga ako ng malalim. Nawala na din 'yung mood ko, naging seryoso ako. "Hindi ko alam yung gagawin ko kapag nagkita sila, hyung."

Ewan ko. Pero pagdating sa'yo, Nite. . . namomroblema ako. Hindi ko kasi talaga kaya na makita kita. Hindi ko pa kaya. Ni hindi ko nga alam kung ano yung unang magiging reaksyon ko 'pag nagkita tayo eh. Pero sana. . . Sana talaga. . . 'Wag na lang tayong magkita. Mas mabuti pa kasi yun.

  
Nasa kasagsagan ako ng pagiging seryoso nang batukan ako ni hyung. "Siraulo. Sa tingin mo gusto din namin na magkita sila?"

   
Napataas ang kilay ko.

  
Ano'ng ibig sabihin nito ni hyung?

  
"Ah?"

  
"Tanga nito," natatawang sabi ni Chanyeol hyung ta's naging seryoso ulit siya. Wow, maka-tanga. "ang ibig kong sabihin. . . hindi din namin gusto na magkita silang dalawa. Paano na lang kung kunin niya sa atin si maknae junior? Pre, di pwede."

  
Napatigil ako.

  
Iniisip ko pa lang na malalayo sa akin si Sett, nanghihina na 'ko. Sana naman 'wag mo siyang kunin, 'no? Binigay niyo na siya sa'kin e. . .Simula nang ibigay niyo si Sett sa'kin, idineklara ko na rin sa sarili ko na ako lang ang pamilya ni Sett. Ako lang at ang Exo.

  
"Hindi naman ako papayag na kuhanin nila sa'kin si Sett," mahinang sabi ko. Kahit naman papa'no, natatakot pa rin ako.

  
Ginulo ni Chanyeol hyung yung buhok ko tsaka niya ako hinila palabas. "Hindi natin hahayaan na umalis si Boy Yehet. Atin lang yun si kulit."

Oh Sehun's ChildWhere stories live. Discover now