34.

3.8K 188 39
                                    

#osehuncwp


thirty four.


Ilang araw na yung nakalipas simula nung gabi na sinabi mong buntis ka at ako ang ama. Hindi ko alam kung gaano ako katigas pero hindi ko pa rin maatim na matanggap na ako nga talaga.


Matapos nung araw na yun.. ewan ko. Hindi na natahimik yung utak ko sa kaka-isip. Naghahalo-halo na rin kasi.

   

Mukha na akong miserable. Pakiramdam ko ako na yung pinaka problemadong tao nitong mga nakaraang araw na 'to at hanggang ngayon. Palagi akong nagmumukmok sa kwarto. Ang mas mahirap pa. Kahit gaano ako ka-miserable sa kwarto ko, kailangan kong ipakita sa mga tao na wala akong pinagdadaanan at chill lang ako. Na ako pa rin yung evil maknae at wala akong ibang ginawa kundi ang magpa-spoil sa mga Hyung ko na hindi ko naman na nagagawa ngayon.


Kailangan kong papaniwalain yung mga fans namin na sobrang ayos lang ako. Kahit pa kalapit nun ay ang pag-isip mo na oo nga at masaya na ako dahil para sa'kin ay wala akong anak at wala na akong ibang poproblemahin bukod sa mga sasaeng na paligid-ligid sa akin.


Ilang beses na rin akong sinubukan tanungin ni Chanyeol Hyung sa kung ano'ng nangyari. Kung bakit nasa condo ka ni Kris Hyung nung gabi na yun at kung ano yung nangyari sa pagkikita natin sa China. Tungkol kay Kris hyung... hindi ko na nagawang tanungin siya kung paano kayo nagkakilala. Wala na rin namang saysay. Wala na tayo.


Iniisip ko pa lang na wala na tayo, para na naman akong tinutusok sa dibdib ko. Bwisit.. nawalan ako ng tatlong importanteng tao sa buhay ko sa loob ng isang taon. Apat pa kung sakali na ako nga talaga yung ama. Pero ayokong isipin na ako nga. Dahil ngayon pa lang na nagmumukmok ako dito sa kwarto ko mag-isa at sa mga maling desisyon na nagawa ko.. halata naman nang, ngayon pa lang, wala na akong kwentang ama.


Habang nakikipag-titigan ako sa kisame ay napagtanto ko na wala na akong ibang ginawa kundi ang magtrabaho, magpanggap na masaya, magmukmok, and repeat. Kailangan ko ng kausap.. pati alak.


Kaya tinawagan ko yung kung sino ang unang nakita ko sa contacts ko at hindi naman ako nagsisi dahil si Taeyong ang natawagan ko. Sinabi ko na magkita kami sa isang 'di kilalang resto at agad naman siyang sumang-ayon.


Agad-agad akong nag-ayos at nagpaalam kila Hyung na makikipag-kita lang ako kay Taeyong. Ilang minuto rin akong naglakad hanggang sa makarating ako kung saan kami magkikita at doon nakita ko si Taeyong na umo-order na.


Napansin naman niya ako na paparating kaya binilisan niya yung pag-order at nang maka-alis yung ahjumma na naglilista ng in-order ni Taeyong ay agad akong na-upo sa tabi niya.


"Ano problema natin, Hyung?" Sambit niya kasabay ng pagtango niya.


Umiling lang ako at saka ngumisi, "Madami."


"Pwede natin isa-isahin na pag-usapan."


Napa-ngiti ako sa sinabi niya. Si Taeyong yung palagi kong kasama sa tuwing wala kami parehong magawa. Naglalabas siya ng sama ng loob niya sa'kin, at ganun din ako sa kanya. At oo, alam niya yung tungkol sa'yo. Alam niya kasi.. hindi ako makakapag-labas ng sama ng loob ng tuluyan kung may nilalaktawan akong detalye.

Oh Sehun's ChildWhere stories live. Discover now