06.

25.5K 737 155
                                    

I'm not really that satisfied with this chapter.

   
   

six.

   
   
"Si Sett," tumigil ako. "nalaman niyang may mall show si Nite sa may mall malapit sa'min." pagpapatuloy ko.

  
Kinwento ko kila hyung yung pag-aya sa'kin ni Sett na mag-grocery next week. Na hindi naman talaga pagg-grocery ang pakay niya kundi ikaw.

   
"Oh? Ano namang masama kung alam niya?" tanong ni Tao. Eto talaga hindi nagiisip eh.

  
Sinimangutan ko siya. "Edi malamang gusto niyang pumunta!"

   
"Syempre, idol niya yun si Nite eh." Singit ni Kris hyung.

    
Nandito kami sa bahay ni Kris hyung. Family meeting daw. Eh si Suho hyung lang naman yung nagsasalita palagi. Pinipilit kaming bumalik sa bahay nila ni Kyungsoo hyung. Ganito kasi. Nung baby pa si Sett, lahat kami nakatira sa iisang bahay. Tapos hanggang sa isa isa na kaming umaalis dahil yung mga kapitbahay namin, nagre-reklamo na. Lalo na sila Baekhyun hyung! Pero matigas mukha nun ni hyung kaya nandun pa rin siya. Ang natira na lang dun sa bahay ay yung exo-k maliban sa amin ni Kai, tsaka sila Minseok at Luhan hyung.

   
Kami naman ni Sett, ang totoong dahilan talaga kung bakit kami umalis (pero wag kang maingay dahil hindi alam nila hyung) ay dahil kapag nag-stay kami ni Sett dun, paniguradong pagtatawanan ako nila hyung sa pagiging asal tatay ko at sa pagbabangayan namin ni Sett.

   
Pero gusto ulit ni Suho hyung na bumalik kaming mga umalis doon. Siya na lang daw kasi palaging napagti-tripan nila Baek hyung! Hahaha. Wala din naman maitutulong kung babalik kami dahil makikisalo lang kami kila hyung na pag-tripan siya.

  
Kaya ito. Kinwento ko na lang sa kanila yung napag-usapan namin ni Sett. Hindi ko nga lang alam kung tama ba 'tong desisyon ko na sabihin sa kanila dahil paniguradong maguguluhan ako lalo. At hindi ko rin alam kung ikukwento ko ba sa kanila yung napag-usapan naman namin ng teacher ni Sett.

  
"Idol niya nga si Nite, pero nanay niya yun." Sagot ni Suho hyung. Ito na yung sinasabi ko eh. Magde-debate na 'yang mga 'yan, tamo. 'Di bale na, makikinig na lang ako.

  
"Hindi naman alam ni Sett na si Nite yung nanay niya." Si Chanyeol hyung naman yung nagsalita. Oo nga, hindi naman alam ni Sett. Hindi ko alam kung bakit hindi ko sinasabi sa kanya na nanay ka niya. Siguro kasi in love na ata sa'yo si Sett tapos bigla bigla niyang malalaman na ikaw yung mommy niya. Edi nagluksa siya. Kaso hindi rin siguro. Baka kasi pag lumaki si Sett, mas lumalim pa yung paghanga niya sa'yo. Ano? Sasabihin ko na ba? Kaso kasi wala rin namang magbabago kung malalaman niya na ikaw yung mommy niya eh. Hindi ka pa rin naman niya makakasama. Kaso teka, baka nga may magbago. Baka mag-iba yung tingin niya sa'yo. Pero ano'ng klaseng pagtingin naman yun?

  
Ahh! Ito na yung sinasabi ko eh. Gulong-gulo na naman yung utak ko. Bakit ba 'pag ikaw na yung pinag-uusapan pakiramdam ko mababaliw ako?

  
Ngumuso ako. Palipat lipat lang yung tingin ko sa kanila. Kung nagtataka ka pala kung nasaan si Sett, nandun pa siya sa school niya. Maya maya pa yung uwian niya kaya nandito muna ako kila hyung.

  
Pinagpatuloy ni Chanyeol hyung yung pasasalita niya, "Hindi niya alam na si Nite yung nabuntis ni Sehun." tinignan ako ni Chanyeol hyung na may halong malisya. Namula naman ako. Napaka ni hyung! "Ibig sabihin, okay lang na makita niya si Nite. Hindi naman magwawala si Sett papunta dun sa backstage ah? Isipin niyo nga, sige. . . kung ikaw, sobrang fan ka ng isang artista o banda. . . 'di ba kahit na makita mo lang sila ng malayo, sapat na? Malay natin ganun yung kay Sett."

Oh Sehun's ChildWhere stories live. Discover now