32.

5.2K 306 162
                                    

#osehuncwp

thirty two.


Napa-kunot yung noo ko nang marinig ko yung tili ni Sett. Seryoso ba 'to? Anong kabadingan na naman ba tinuro ng mga Hyung ko dito sa anak ko?


Sunod-sunod naman na nagsitayuan sila Hyung sa mga pwesto nila kasabay nung pagtawag nila sa pangalan ni Donghae Hyung. Pagtingin ko kay Donghae Hyung, halatang na-surpresa siya. Parang proud pa nga siya. Gusto ko kong mapa-ismid. Sinong mapa-proud kung kasama mo puro malakas yung toyo sa katawan? Syempre hindi ako.


Narinig kong bumulong si Hyung, "Kumpleto pa rin kayo."


Oh.


Ayun pala. Oo nga pala. Masyado ng mga gago yung mga kasama ko dito na nakalimutan ko nang nakaka-proud din pala yung part na kumpleto pa rin kami.


Tumango lang ako ng isang beses habang hindi nakatingin sa kanya.


"Hindi naman kami nagka-hiwalay."


Napa-ngiti ako dahil sakto na pagsabi ko nun ay sinugod nila Hyung ng yakap si Donghae Hyung. Siniko pa 'ko ni Kai para masama sa group hug. Ah, ang ingay nila ngayon, wala akong maintindihan sa mga kabadingan na pinagsasabi nila. Ang baho pa ni Kris Hyung, galing pa ata ng gym at hindi pa naliligo. Kadiri talaga 'to.


"Yo, 'wag niyo akong kalimutan!" Narinig kong sigaw ni Sett bago siya tumakbo na parang di Naruto papunta sa group hug. Hindi nagtagal, nawala siya sa paningin ko hangga't napansin ko na lang na may sumusuksok at naka-yakap sa hita ni Donghae Hyung. Pagtingin ko ay nakita ko si Sett na sobrang bading kung maka-yakap kay Donghae Hyung. Naka-pikit pa at naka-ngiting pang manyak. Chanyeol Hyung! Ano ba 'to!


Napa-simangot na lang ako hanggang sa ako na mismo yung naunang kumalas sa yakap habang naka-simangot.


"Hoy tama na!! Gayshit na masyado!!"


Agad naman na nagsi-simangutan yung mga 'to nang sabihin ko 'yun. Kumunot pa yung noo ni Donghae Hyung. Nakalimutan kong hindi nga pala siya nakaka-intindi ng tagalog.


"KJ ka na Sehun, ah! Dati ikaw pa nauuna sa kabaklaan, ngayon may gayshit gayshit ka nang nalalaman?! Lul!" Buwelta ni Tao. At sa kanya pa talaga nanggaling 'yan ah.


Sinalampak ko na lang yung palad ko sa pagmumukha niya dahil sa totoo lang, masyado ng pasmado ang bibig nitong gago na 'to. Hindi naman ako bading! Kita niyang may nabuntis ako tapos bading?!

    
"Ayokong sa'yo manggagaling 'yan." Ang tanging sagot ko sa kanya. Nagsitawanan naman yung ilan sa kanila tapos nagsalita ako ng hangul. "Pwede ba? Hindi nakaka-intindi si Hyung ng tagalog!"

     
Matapos kong sabihin yun, lahat sila ay nagsimula ng magsalita ng hangul. Tawang-tawa din ako sa mukha ni Sett kasi may mga salita siya na hindi pa niya naiintindihan. Ayan tuloy, pumapangit yung pinta ng mukha.

Kung anu-ano na yung pinagku-kwento ng mga gunggong na Hyung ko at tawa lang ng tawa si Donghae hyung. Pero alam ko kung saan siya mas intersado - sa kung sino ang ina ng anak ko.




Naka-kunot ang noo na tinignan ako ni Chanyeol Hyung. Alam kong hindi siya natutuwa sa kinikilos ko ngayon lalo na't may issue sa pagitan naming mga Exo members, pero hindi ko kayang hindi maging ganito. Sobrang apektado na ako sa mga nangyayari.

Oh Sehun's ChildDove le storie prendono vita. Scoprilo ora