44.

3.4K 111 95
                                    

forty four.
 

 

  
There are two familiar silhouettes of men in front of their dorm when EXO have arrived from their midnight hangout at one of the restaurants they frequented in.

Nung una ay napa-mura pa ang iba nang mapansin nilang may naka-tambay sa harap ng dorm nila. Some had drunken a little too much than the others, so instead of thinking that they might be thieves, or one of their managers, the first thing they thought of was: ghosts.

"Hyung, kung multo nga 'yan edi sana tumagos na lang sila papasok ng dorm 'di ba?" pag-kontra ni Baekhyun kay Junmyeon dahil sa paulit-ulit nitong pagsabi ng 'Shit sabi ko sa inyo may multo sa dorm eh'.

Sina Baekhyun, Junmyeon, Yixing at Minseok ang kasama ni Sehun sa sasakyan, samantalang ang iba ay nasa kotse ni Chanyeol na naka-park mas malapit sa doorway ng dorm nila kaya't alam ni Sehun na kung sino man ang naghihintay sa kanila ay paniguradong nakita na agad ito ng iba ng maayos. And he's right, because before Sehun turns off he engine of his car, Chanyeol is calling him.

"Chanyeol hyung?" agad na tanong ni Sehun nang sagutin niya ito. "Sino yun?"

"Multo," sagot ni Chanyeol at kumunot ang noo ni Sehun dahil sa tono ng hyung niya ay mukha itong hindi nagbibiro. "Sige na, bumaba na kayo."

Naka-rinig pa si Sehun ng tunog ng sunod-sunod na pagbukas ng pinto ng sasakyan bago ibaba ni Chanyeol ang tawag. Nilingon ni Sehun ang mga hyung na kasama niya at nakitang naka-tingin ang mga ito sa kanya, halatang nagtataka kung bakit kinailangan pa silang tawagan ni Chanyeol bago sila lumabas ng kotse.

"Sino daw yun?" tanong ni Minseok.

Hindi alam ni Sehun kung ano ang isasagot at ayaw din naman niyang ulitin ang sinagot ni Chanyeol sa kanya kina Junmyeon dahil kapag ginawa niya iyon ay sa itsura pa lang ng apat na hyung na kasama niya ay paniguradong hindi sila magdadalawang-isip na paniwalaan siya kaya nagkibit-balikat ang maknae, pinatay ang makina at sinabing, "Tara na. Baka sila Yongmin hyung lang."

Habang pababa sila ng kotse ay nagbigay naman ng komento si Yixing, "Kung sila nga eh bakit hindi na lang nila tayo tinawagan muna bago pumunta dito? Brain mo naman, Sehun!"

Natatawang inikot na lang ni Sehun ang mga mata habang nagtawanan naman ang iba. Maliban kay Baekhyun.

"Kasama natin yun si Yongmin hyung kanina, ano mga naka-inom ba kayo ha?!" hiyaw ni Baekhyun at saka humagikgik na parang dalaga.

Binatukan naman ni Minseok ito, "Ikaw nalasing ka lang, kung anu-ano na nakikita mo. Wala tayong kasamang manager kanina, tanga."

"Baka multo nga kasi," marahan na komento naman ni Junmyeon at napa-iling na lang si Sehun sa ikinikilos ng mga hyung niya. When he shifts his head up front, he notices the rest of his members still outside despite leaving Chanyeol's car a few moments earlier than them.

"Yah, ano pang tinu-tunganga niyo dyan," pag-sita ni Baekhyun hyung gamit ang malakas na boses nito.

Then they get a clearer view of the two strangers blocking their doorway as they get closer. The others turn their heads to look at Sehun and their approaching hyungs; some are looking rather dazed and surprised, while the rest... don't seem so pleased seeing the familiar people standing in front of them again. And then he understands why Chanyeol said what he said.

Perhaps Chanyeol and Junmyeon were right. They are ghosts. Only that they're standing right there looking so real.

"Multo nga," mahina at mapait na sambit ni Baekhyun mula sa likod ni Sehun.

Oh Sehun's ChildWhere stories live. Discover now