10.

19.5K 637 243
                                    

I own Taehee noona. She's fiction. thanks for giving me 50k+ reads!!!!


ten.



"Manager. . ." Bulong ko kay Manager hyung. Nilingon ako ni hyung at tinignan ng nagtataka.

   
"Oh, Sehun?"

  
Huminga ako ng malalim. Katatapos lang namin magperform sa stage ng M Countdown at kasalukuyan kong pinapanood yung mga iba pang magpeperform ngayong araw na 'to kasama si Manager hyung.

   
Hindi kagaya ng dati na kumpul-kumpulan kaming anim sa dressing room at nagkukwentuhan, ngayon ay iba. Hiwa-hiwalay kami ngayon. Sila Chanyeol at Baek hyung, kinakausap yung mga kaibigan nila galing sa ibang grupo. Si Kyungsoo hyung, tahimik na nanonood lang rin. Si Kai, natutulog. Si Suho hyung. . . nakatulala.

    
Pero ako, naisipan kong sundan si Manager hyung dito. Susubukan ko lang siyang pakiusapan.

   
"Hyung, patawag naman sa cellphone mo oh. Sige na, hyung. . ." pakiusap ko. Kailangan kitang makausap eh.

   
Bumuntong hininga si hyung, "Sehun. . . hindi sa pinagbabawalan kitang gamitin yung cellphone ko. Pero 'wag muna ngayon. Inoobserbahan tayo ng SM, maknae. Sumunod na muna tayo. Okay?"

  
Nag-igting ang bagang ko. Hindi dahil sa hindi ako pinahiram ni hyung, kundi dahil sa sakal na sakal na 'ko. Kami. Sakal na sakal na kami pero kakayanin namin 'to. Mas lalo naming makakaya kung magtutulong tulong kaming dose. . . kung kumpleto kami.

   
Tumingin ako sa lapag tsaka tumango. "Sige, hyung. Sorry." Sagot ko bago ako umalis.

    
Pumasok ako sa dressing room namin at tinabihan si Kai sa sofa. Para kaming mga batugan dito. Wala kaming magawa kundi tumunganga.

   
Matagal pa kaming nanahimik hanggang sa magsalita si Suho hyung, "'Wag na lang muna nating isipin. Isang linggo lang naman eh. Ibabalik din nila sa'tin yung mga gamit natin."

   
Bilib ako kay Suho hyung. Kasi alam kong hirap na hirap at inis na inis na rin siya pero pilit niya pa rin kaming hinaharap ng may kalmadong mukha. Kinakalma niya pa rin yung sarili niya. Ang dahilan niya. . ? Leader kasi siya.

   
"Hyung, 'di mo ba sila pwedeng pakiusapan?" Tanong ni Baekhyun hyung.

   
Napapansin kong hindi rin mapalagay si Baek hyung. Parang kating-kati rin siyang makuha yung cellphone niya.

   
Bago pa man makasagot si Suho hyung, ay biglang sumulpot sila Manager hyung at noona. Kunot ang noo. Na para bang may nangyaring hindi maganda. Na hindi namin magugustuhan. . .

   
Huminga ng malalim si noona. Para bang pinipigilan yung emosyon niya.

    
"Gusto nang putulin ni Kris yung kontrata niya sa SM."

   
  
 
  

  

  

  
"Napaka-sugapa mo naman sa Chicken, Kai! Mamigay ka!" Bulyaw ni Kris hyung kay Kai na kasalukuyang lumalamon ng manok.

   
Ito namang si Kris hyung, siraulo. Alam naman niyang paborito ni Kai ang pritong manok, aagawan niya pa. Eh nagprito kaya 'yan si Kai ng sarili niyang manok! Binukod niya yun manok niya sa'min. Maka-sarili yung loko eh.

Oh Sehun's ChildNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ