14.

16K 489 149
                                    

fourteen.


Hindi ko alam kung ilang beses na akong napalunok ng sarili kong laway. Ang tagal naming nanahimik at yung pag-iyak at paghinigi ng tawad lang ni Baekhyun hyung lang ang naririnig namin.


Tama ba 'to? Nakokonsensya ako. Pakiramdam ko kasi, ako yung dapat na nasa pwesto ni hyung pero eto ako. Nagpapaka-duwag. Hindi man lang ma-amin yung relasyon natin.


Yumuko ako at pasimpleng tumingin sa'yo. Sorry ulit, Nite. . . pinahirapan na naman kita. Napaka maka-sarili ko talaga. Alam kong ang awkward para sa'yo ng presensya mo rito pero dahil sa hindi ko kayang mag-isa, sinama pa rin kita. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko.


"Pinigilan ko naman, hyung, e. Pinigilan ko yung nararamdaman ko," usal ni Baekhyun hyung sa pagitan ng paghikbi niya. Nag-igting ang mga bagang ko.


Pinigilan ni hyung. . . Pinigilan niya, pero ako, hinayaan ko.


Sinubukan ni hyung na pigilan ang paghikbi at pag-iyak bago magsalita ulit. "Pero kasi habang pinipigilan ko, lalong lumalala. . ." medyo kumalma si hyung dahil hindi ko na siya naririnig na humihikbi. "Hindi naman loko-loko 'to, hyung."


Nakita kong tumayo si Baekhyun hyung. Tumingala ako at nakita siyang naka-tingin sa sahig. "Seryoso ako, hyung. Mahal ko si Taeyeon, at tatanggapin ko kung ano'ng matatanggap kong parusa sa pagsuway. Tatanggapin ko kung pagagalitan ako ng Sajangnim*. Ayos lang kung matutuloy yung pagkalat ng article na 'yan. Ayos lang lahat, hyung. . .tatanggapin ko lahat."


Umiling si Baekhyun hyung at pinagdikit ang dalawang labi niya, "Tatanggapin ko na lahat, hyung, pero please, 'wag nating hayaan na bumagsak tayo. 'Wag dahil dito, hyung. Hindi ko alam yung gagawin ko kung yung nararamdaman ko yung magiging dahilan kung bakit mababasawan na naman tayo ng mga taga-suporta." Pinunasan ni hyung yung mukha niya dahil naiyak na naman siya.


Dahan dahan at palihim na tinitigan ko sila hyung isa-isa. May ibang naka-tingin sa kanya pero karamihan ay nakayuko. Ano kayang iniisip nila? Galit kaya sila?


Suminghot-singhot si Baekhyun hyung at tinuro yung pinto. "Ano- lalabas muna ako." aniya habang garalgal na yung boses. Walang sumagot at tumango-tango lang si Baekhyun hyung at lumabas na.


Naramdaman kong may humila sa dulo ng damit ko at nang lingunin ko kung sino yung gumawa nun ay nakita kita. Nakita ko yung ekspresyon ng mukha mo. Halatang nalulungkot ka dahil nakikita mo yung mga iniidolo mo na nagkakagulo. Nahihiya ako sa'yo, Nite. Napaka-gago ko.


Matipid at malungkot na nginitian na lang kita bilang sagot. "Sandali na lang," I mouthed. Huminga ka ng malalim at tumango na lang. Unti-unti mong tinanggal yung headphones. Hindi na rin ako pumrotesta dahil sa tingin ko ay tapos na rin naman yung paguusap namin.


Ang awkward pa pero hindi kasi kami pwedeng manatiling ganito. Dahil una, hindi naman sa'min umiikot yung mundo at pangalawa, may mga trabaho kaming dapat gawin.


Ilang minuto rin siguro tayong lahat na natahimik. Hanggang sa pinutol ni Manager hyung yung katahimikan.


"Ano? May gusto bang umamin sa inyo? May mga pinasok ba na relasyon yung iba sa inyo bukod kay Baekhyun? Sabihin niyo na para isahang bagsak na lang."


Nanigas ako sa pwesto ko. Hindi ako nakagalaw ng ilang segundo hanggang sa naalala ko na tinanggal mo na yung headphones ni Luhan hyung sa tenga mo.


Palihim na lumingon ako sa'yo at nakita kitang diretso na nakatingin kay Manager hyung, walang ekspresyon ang mga mata.


"Nite. . ." bulong ko pero hindi mo ako nilingon. Diretso pa rin ang tingin mo. Alam ko 'yang ganyang itsura mo, e. Kapag gumaganyan ka, alam kong pinipilit mong h'wag magsalita. Itigil mo na 'yan, please. Pinapahirapan mo yung sarili mo.

Oh Sehun's ChildWhere stories live. Discover now