30.

7.1K 365 117
                                    

remember #osehuncwp

     

thirty.

      

Huminga ako ng malalim bago ko lingunin si Donghae hyung. Unang araw ng shooting ko kasama si Donghae hyung at ngayon pa lang, gusto ko nang sumuko. Kanina pa kasi ako minaman-manan ni hyung. Na para bang sinisigurado niya kung ako ba talaga si Sehun o hindi. Wala naman akong magagawa kundi 'yung umamin eh. Hindi ko naman maitatago 'yung totoo sa taong kakilala ko noon pa. Shit. Hindi ko naman kasi inaakala na mangyayari 'to eh.

         

"Bakit, hyung?" Tanong ko.

     

Lumapit siya sa akin at naupo sa harapan ko habang nag-aayos ako ng gamit tsaka siya nagsalita, "... Bakit ka nandito?"

     

Kinagat ko 'yung dila ko dahil ayokong sagutin 'yung tanong niya. Pero naisip ko na rin na kung hindi ko sasagutin si hyung ngayon, paniguradong uulit-ulitin niya lang 'yang tanong na 'yan sa'kin.

    

Hindi ko siya sinagot dahilan para magtanong ulit siya, "Nasaan 'yung iba? Bakit bigla kayong nawala? Ano'ng nangyari? Sehun, bakit..."

    

Hindi ko na tinapos ang susunod na itatanong niya kaya umayos ako ng tayo at tinignan siya ng diretso sa mata.

     

"Hyung, may anak na 'ko."

      

      

      

   

        

  Binato ko 'yung cellphone ko sa kama ko nang mabasa ko 'yung text mo. No? So ganun talaga kita nasaktan ng sobra na 'no' lang 'yung sinagot mo sa'kin.

     

Hinilot ko 'yung ulo ko habang naka-pikit. Bakit ba kasi kailangang magsabay-sabay pa? Bakit kailangan pang umalis ni Luhan hyung? Bakit kailangan ko pang magselos kay Terrence? Bakit kailangan pang magsabay-sabay? Hindi naman ako malakas. Hindi ko kaya 'to ng mag-isa.

        

Huminga ako ng malalim ng ilang beses at kinalma 'yung sarili ko. Pinipilit na ipasok sa utak ko na magiging okay lang din ang lahat.

Oh Sehun's ChildNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ