08.

22.5K 775 196
                                    

Saw this selu fanart and it reminded me of Sehun and Sett. :)

   

eight.


 
  
Hindi pa ako nakaka-pasok, naririnig ko na agad yung mga usapan tungkol sa mall show mo. Pati ng mga kapwa artista mo. Sobrang sikat niyo talaga. Biruin mong ang daming tao dito ngayon. Karamihan sa mga naririnig ko, pangalan mo ang binabanggit. Ang layo na ng narating mo, Nite. Masaya ako para sa'yo.

  
Tinext ko si Kris hyung. Tinanong ko kung nasaan sila. Siya kasi tsaka si Suho hyung yung kasama ni Sett sa pagpunta. Kaya paniguradong uuwi na naman kami ng maraming bitbit na bagong gamit. Spoiled 'yan kila hyung eh. Spoiled siya sa kanilang lahat pero mas spoiled siya kila Suho at Kris hyung. Isang aegyo at isang palo lang ni Sett sa kanila, bibilhan na kaagad nila yung anak ko. Ang daya, samantalang ako ilang aegyo at bawal pa ang palo para mapagbigyan ako.

  
Hinihintay ko yung reply ni hyung pero ang tagal kasi. Kaya umakyat na lang ako sa second floor. Sa tingin ko kasi mas mahahanap ko sila hyung sa baba. Masyadong maraming tao sa first floor.

   
Habang papalapit ako ng papalapit sa may balcony ng second floor, palakas din ng palakas yung tibok ng puso ko. Hindi naman kasi ako handa na makita ka ngayon eh. Biglaan lang talaga. Tsaka 'di ba, hindi naman din dapat ako pupunta dito. Sobrang nami-miss ko lang talaga yung anak mo. Hindi ko din naman alam na hindi ko pala kayang mawala si Sett sa akin. Oo na, Nite. Ako na yung walang alam.

  
Nang tuluyan akong makarating, sumilip agad ako sa baba at nakita kang lumalabas galing backstage. Seryoso, Nite? Kailangan sakto sa pagsilip ko?

  
Nasa taas ako, pero kitang kita kita mula dito. Tama nga. Ikaw nga yung babaeng nagtanggol kay Sett nung isang linggo. Iba lang yung ayos ng buhok mo ngayon, pero halata kasing ikaw talaga yun. Bakit nga ba kasi napakatanga ko para hindi agad marealize na ikaw yun? Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin yung sarili ko dahil sa katangahan na yun.

  
Nakita kong sinamahan mo sa entablado yung isang babae at lalaki ng naka-ngiti. Nakikita naman kita sa TV pero kakaiba yung mukha mo sa personal ngayon. Hindi. Hindi kakaiba na nakakatakot. Kundi kakaiba na ganda. Ibang iba na kasi yung Nite dati kesa ngayon. Pero ano pa nga bang aasahan ko? Limang taon na yung nakalipas, malamang maraming magbabago.

  
"Did I just hear my name?" Mataray pero may halong biro na sabi mo habang naglalakad ka. Hindi mo pa natatapos yang mga salitang yan pero sigawan na agad yung pumuno sa paligid. Ang daming taga hanga ah.

  
Lumingon sa'yo ang dalawang co-cast mo. Hindi ko sila kilala dahil simula ng mawala kami sa industriya, hindi na ako naging interesado pang muli sa mga bagong artista ngayon. "Well, technically, yes. We were just talking about your little fan here. He's so handsome!" Sagot nila habang tumuturo pa sa audience.

    
Sinundan ko ng tingin yung mga kamay nila at halos manlambot ako nang makita ko si Sett naka-pasan sa balikat ni Kris hyung. Lahat na ata ng sistema sa katawan ko, bumilis. Ano'ng gagawin ko? Magkikita na naman kayo ng anak mo. Sa pangalawang beses.

   
"Where— oh! Was that. . ? I know him. I've seen him here few days ago!" Namamanghang sabi mo habang tinuturo turo din yung anak mo na kasalukuyang malawak ang ngiti.

   
"Really? You've been here?" Tanong lalaking kasama mo sa stage. Pero hindi mo siya pinansin at mas lumapit pa sa audience. "You're name's Sett, right?" Masiglang tanong mo. Tumango-tango si Sett.

  
Napa-pikit na lang ako. Hindi ko alam yung mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako dahil makikita kong magkasama yung mag-ina ko gaya ng pinapangarap ko. . . o matatakot dahil baka mapansin mong ako ang tatay niya at isipin mong manggugulo kami sa buhay mo.

Oh Sehun's ChildWhere stories live. Discover now