35.

4.9K 210 38
                                    

Raffy is from my other story, The Former Baekhyun stan, osc's side story. So I'm not surprised most of you do not recognize her. This is her first appearance in osc so no need to be bothered if she's ever appeared in the previous chapters or not. Also, i think i'm losing the osc sparks???? i think i'm starting to fail your expectations for this story. rip. thank you for still supporting anyway. it's really a pleasure because some of you are still waiting for the update and are still reading this. although it's become a bit crappy. love y'all. I'm going to create an outline now hng. For now, let's focus on the past because I'll stop giving you the glimpse of it soon because, yeah, they're going to see each other again. Please leave a comment. I'm highkey in need of inspiration. #osehuncwp

thirty five.

"Raffy." Hindi ko napigilan yung gulat sa pagbigkas ko sa pangalan niya. Hindi ko inaakala na magpapa-ikli siya ng buhok ng sobra. Para bang hindi ko na siya kilala.

"Surprise, motherfucker." Walang ekspresyon na bati niya at saka inikot ang mga mata. Sinamaan ko siya ng tingin dahil naintindihan ko yung sinabi niya kahit pa English ito. Ah, hindi naman pala nagbago 'to.

Habang papalapit siya sa akin ay tinanong ko siya habang naka-kunot ang mga noo ko. "Ano'ng ginawa mo sa buhok mo?"

Iniwasan niya yung tanong ko at sinabing, "Ano bang ginagawa mo rito?"

Tumayo ako sa pagkaka-upo ko at naglakad palalapit sa kanya para yakapin siya ng mahigpit... at para kotongan dahil tinawag niya akong motherfucker.

"Namiss kita." Mahinang sambit ko tsaka ko inalis yung pagkaka-yakap ko sa kanya. "Sasaeng ka 'di ba? Kailangan ko ng tulong mo."

Napa-simangot ka lalo at tinulak ako ng marahan at napatawa na lang ako ng mahina. "Hindi ako sasaeng. I was a fan. There's a difference."

Alam kong hindi ako magaling sa English pero alam ko naman yung past tense. Nagtaka ako sa sagot niya pero bago pa ako magtanong kung ano'ng ibig sabihin niya ay inunahan niya ulit ako.

"I think I know why you're here now."

Tinitigan ko lang siya habang may kinukuha siya sa bulsa ng loob ng blazer niya. Pagkatapos ay sinalampak niya yun sa dibdib ko.

"Cellphone ni Nite." Simpleng sabi niya pagkabigay niya sa'kin. At nang tinignan ko kung ano yung hawak ko ay napagtanto kong cellphone mo nga 'to. Ang pagkaka-iba lang ay mga gasgas ito.

Nag-igting ang mga bagang ko nang maisip ko na kung nagasgasan 'to, paniguradong nagasgasan ka din nila.

"...Salamat." Mahinang sabi ko.

 
Siya si Raffy Liu. Senior High School. Simula nang lumipat ako sa school na 'to, siya na yung naging kasama ko bukod sa mga kaibigan kong lalaki. Pero hindi kayo magkasundo. Siguro kasi magkasing-edad kayo. Raffy... is a lot more special than she think she was. Paniguradong alam ni Baekhyun Hyung kung gaano siya ka-espesyal.

She's a huge fan of Baekhyun Hyung. She wasn't just a fan, she's a special someone. Simula nang mag-debut kami, alam ko kung paano na niya pinahalagahan yung pagsuporta kay Baekhyun Hyung. Alam kong marami siyang koneksyon sa mga sasaeng at sa iba pa dahil minsan naikukwento mo siya sa akin. Kaya ko naisipan na puntahan siya. Alam ko kasi na may posibilidad na makuha niya yung cellphone mo.

Oh Sehun's ChildWhere stories live. Discover now