13.

15.5K 563 213
                                    

twelve.

"Wait," sabi mo tsaka ka tumigil sa paglalakad. Kinuha mo ang kamay mo na hawak hawak ko. Tinignan kita ng nagtataka. "Bitiwan mo na lang yung kamay ko tapos alisin mo na 'yang face mask mo."

  
"Bakit mo gustong tanggalin ko? Kasi hindi mo nakikita yung poging mukha ko?" tanong ko sa'yo at ngumisi ako kahit na hindi mo nakikita.

   
"Tigilan mo 'ko. Pogi ka nga, pabo naman. Tss," sagot mo tsaka mo 'ko inirapan. Tumawa ako ng mahina tsaka tinanggal yung face mask. Inabot ko sa kanya yung face mask at nag-bow. "Ayan na po mahal na mahal kong Nite, ikaw na po ang maghawak para sigurado ka po."

  
Tumawa ka at kinuha yung face mask. "Sus, kunwari ka pa. Binibigay mo lang sa'kin kasi ayaw mong maghawak eh," sagot mo at natawa ako. Tama ka kasi.

   
Tumalikod ako at nagsimulang maglakad. Alam kong sinusundan mo 'ko. "Dito ka lang sa likod ko. 'Wag kang aalis ha? 'Wag ka ring titingin sa iba. Maraming poging trainees dito."

   
Narinig kong tumawa ka ulit. "Natatakot ka?"

  
Tumigil ako sa paglalakad sandali at nilingon ka ng naka-kunot ang noo. "Hindi," huminto ako. "Mas pogi ako."

   
Tinakpan mo ang bibig mo at pinigilan ang sarili sa pagtawa. Tumango tango ka at tinulak na lang ako na para bang pinapatuloy mo na yung lakad ko. Kinindatan muna kita bago nagpatuloy.

   
Tsk. Kilig ka na naman?

    
Habang naglalakad tayo ay binabati ako ng ibang trainees. Nakakatuwa kasi sunbae na rin ang tawag nila sa'kin. Naalala ko tuloy yung mga panahon na isa pa ako sa kanila at binabati ko rin ang mga sunbae ko. Yung mga panahon na nagagawa ko pa ng malaya yung gusto ko. Yung nakikita pa kita hanggang kelan ko gusto.

    
Minsan gusto kong bumalik na lang sa mga panahon na yun. Pero kasi, naisip ko na... kahit gaano pa kasaya o kalungkot yung nakaraan, mas gugustuhin ko pa ring manatili sa kung nasaan ako ngayon at ipagpapatuloy ang nasimulan ko kasama sila hyung.

    
Hindi ko alam kung ano'ng ginagawa mo sa likod ko. Siguro nao-awkward-an ka. Sorry kung dito pa kita kailangang dalhin. Tama ka naman kasi. Pwede namang sa dorm na lang pero pinagpilitan ko pa rin.

   
Nang makarating tayo sa hallway ng floor ng practice room namin, bigla akong kinabahan. Ito na naman yung feeling. Kinakabahan na naman ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa ipapakilala na kita, o dahil sa walang tao na dumadaan ngayon dito sa hallway, o baka may iba pa.

   
"Oh, san na tayo? Bakit ka tumigil sa paglalakad? Naligaw ka na—" naputol ang sasabihin mo ng hawakan ko ang kanang kamay mo habang diretsong nakatingin sa harap. Dahan-dahan kong tinaas yung kamay mo na hawak hawak ko at hinalikan yung likod ng palad mo.

    
Matipid na nginitian kita. "Tara?" pag-aya ko sa'yo at saka natin pinagpatuloy ang paglalakad. Wala ka na sa likod ko. Nagpatuloy tayo sa paglalakad ng sabay at magkahawak ang kamay.

   
Habang papalapit na tayo ng palapit sa practice room ay mas lalong bumibilis yung tibok ng puso ko. Hala, Nite. Kinakabahan ako.

    
"Hindi ako kinakabahan," sambit mo pero parang pagkukumbinsi sa sarili mo ang ginagawa mo. Natawa ako. "Okay, sige. Sabi mo eh."

   
Nang nasa tapat na tayo ng practice room namin at nang bubuksan ko na yung pinto ay nakarinig ako ng sigaw galing kay Manager hyung na nagpatigil sa akin. Sa atin.

Oh Sehun's ChildWhere stories live. Discover now