Chapter 52: Graduation

3.2K 67 2
                                    

Charity Francisco.

"Kuya, hindi mo naman kailangan ang imbitahan at papuntahin pa sila." Bulong k okay Kuya Abel habang inaayos nya yung putting bulaklak na nasa gilid ng puti kong toga. Ang tinutukoy ko ay ang mga kinikilala kong magulang. Na technically...tito at tita ko lang pala. Pero kahit na, awkward parin para sa akin na makita sila. Lalo na't iba ang pag iisip ko sa kanila.

"Hayaan mo na Cha. Kahit papano, importante parin na nandito sila." Ngumiti sya ng hindi abot sa mata ng sagutin nya ako. Parang sa tingin ko kasi, kahit papaano ay ayaw na rin ni Kuya sa kanila. Sa tingin ko, ang dalawa kong Kuya.

Bumuntong hininga ako saka napaiwas ng tingin ng makita kong papasok ng kwarto ko si "Mommy".

"Charity, napakasaya namin ng Daddy mo na gagraduate ka na ng highschool." Pambungad nyang bati kasabay ng mahigpit nyang pagyakap sa akin. Hindi ko naman maibalik sa kanya ang mga yakap na yon dahil...ewan, awkward kasi talaga.

"Charity anak, congratulations." Bati naman ni "Daddy" kasabay ng pagyakap nya rin sa akin. Hindi ko rin maibalik ang mga yakap nya.

Sa gilid naman, panay lang ang taas ni Kuya Abel ng kilay nya, para bang sinasabi na okay lang yan.

"Hindi na po sana kayo pumunta pa. Nag abala pa po kayo." Saad ko ng bitawan na ako ni Daddy.

"Charity, alam ko na...alam mo na ang lahat." Diretso sa mga mata kong sagot ni Daddy. "Alam kong nagkulang kami sa inyo ng mga kuya mo sa kahit na ano pa mang paraan. Pero gusto lang namin sabihin sayo na, kahit na anong mangyari, mahal namin kayo. Hindi man namin yon araw araw na naipapakita at hindi man...kami ang mga tunay nyong magulang."

"Sorry Cha kung marami kaming pagkukulang sayo, sa inyo." Singit naman ni Mommy.

Napabuntong hininga ako sa mga sinabi nina Mommy at Daddy. Ang problema sa nangyari sa akin? Hindi ko maapreciate ang mga sinasabi nilang magulang ako. At ang isa pa? Masyado akong apektado parin, ng mga kinikilala kong magulang. Kahit alam kong hindi naman talaga sila ang mga original, mula pa noon, matindi na ang pagkamiss ko sa kanila dahil wala sila dito.

"Bawal po ako umiyak. Masisira po yung make up ko." imbis na magsalita ng seryoso sa mga seryosong salita, pinili ko nalang na isegway ang mga banat ko. Kahit papaano, para yun sa akin, para bumalik ang mga luha ko sa loob at hindi lumabas at makita pa nila.

Natawa sina Mommy at Daddy pati si Kuya.

"Tama anak, wag kang umiyak. Bawal umiyak." Hinaplos ni Mommy ang magkabilang pisngi ko saka ako hinalikan sa noo. "Congratulations Charity." Nakangiti nya pang bati sa akin.

At sinabukan ko. Sinbukan ko talaga! Pero sa mga salita ni Mommy, lalo na't ganito sya, at ganito rin ang matagal ko ng inaasam asam na usapan sa pagitan namin, hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng mga luha sa mata ko.

"Cha-O, bakit ka umiiyak espasol? Panget ka na nga lalo ka pang papanget." Masama kong tiningnan si Kuya Cain. Bakit ba dumadating tong lalaking to sa mga ganitong sitwasyon? Hindi parin sya makaget over sa espasol na yan. One month na ha. Ganyan parin tawag nya sakin.

"Wag mo na tuksuhin ang kapatid mo. Araw nya to ngayon." Nakangiting saway ni Daddy.

"Umalis *hikbi* ka nga *hikbi* dito." Hindi ko mapigilan ang mga hikbi ko habang pinapaalis si Kuya.

"Wag ka na umiyak anak." Inilabas ni Mommy ang puti nyang panyo saka yon pinahid dahan dahan sa mukha ko. para mawala ang mga luha pero para hindi mawala ang make up ko.

A Hidden BitchWhere stories live. Discover now