Chapter 29: Fall...in love, out of love or down?

3.1K 68 0
                                    

Charity Francisco.

Nagpatuloy ang mga lakad namin ni Calleigh. Mas naging maingat na ako. Nakarating kami sa second and third station ng sya ang unang lumalapit. Wala na rin namang “trap”, siguro, minalas lang talaga ako dun sa naunang station.

Sa second and third station, mostly si Calleigh ang gumawa, or should I say sya lang ang lahat ng gumawa. Physical work naman kasi at ayoko ng magpapawis pa. Nag lunch din kami nung tanghali, aba, puro pala pagkain ang laman ng bag namin. Not bad.

Papunta na kami ngayon sa fourth station, sabi dun sa note, make it more interesting with nature. Sa totoo lang, mas mahirap ang maghanap ng station kesa ang sa isolve ang sinabi ang puzzles o challenges na nandun sa note, madali kasi kasama ko naman si Calleigh, nadadalian sya sa sa mga puzzles, nababagalan lang talaga kami maghanap ng station.

“Ahh ayoko na, ang sakit na ng paa ko, umupo nga muna tayo.” Reklamo ko matapos ang pagkatagal tagal na lakad. Malapit na maghapon, mag aalastres na sa relo na suot ko pero pang apat ng istasyon palang wala pa rin kaming nakikita.

“Sige. Dito, umupo ka muna dito.” Inalalayan ako ni Calleigh umupo sa isang malaking bato katabi ang isang malalim lalim na bangin, hindi naman bangin pero paslide na lupa, di ko lang matanaw ang dulo dahil masyado itong malayo. Hindi naman ako malululain kaya okay lang.

“Two stations pa tayo..” nasabi ko lang ng malakas ng makaupo na ako. Two stations pa pero pagod na ako.

“Oo nga. Kaya mo pa?” tanong nya sabay upo din sa tabi ko.

“Kakayanin. Wala naman akong choice di ba.”

“Eto…uminom ka muna ng tubig.” Mula sa bag na dala dala nya ay inilabas nya ang tumblr nya. Tumblr na nakalagay sa mga bag namin.

“Salamat.” Sabay kuha ko ng tubig at inom dito.

“Kamusta kayo ng mga kaibigan mo?” tanong ni Calleigh matapos ang ilang minutong katahimikan.

“Sinong kaibigan?” nakakunot noo kong tanong.

“Yung grupo ni Beverly, si Camille, si Bryan? Si Sandra.” Sagot nya.

“Kadiri ah, hindi ko kaibigan si Bryan. Over my dead body, hindi ko close yung overconfident na panget na yun. Tutal kilala mo naman talaga ako, hindi ko naman kaibigan yung mga sinabi mo. Wala akong kaibigan sa kanila.” Saad ko. Totoo naman di ba.

“Talaga? Eh sinong kaibigan mo?” natawa pa nyang tanong.

“Wala. Kailangan ba may kaibigan?”

“Oh eh sino sila?”

“Kakilala. Simpleng kakilala.” Saad ko na parang obvious naman yun at hindi na nya kailangan pang tanungin.

Napangiti sya.

“So, kakilala din lang ba ako?”

Napatingin ako sa kanya.

“Ikaw na mismo ang nagsabi nyan.” Sagot ko sabay tingin ulit sa kawalan.

Mula sa peripheral view ko, nakita kong ngumiti lang sya. Hindi ko nalang pinansin, para talagang nababaliw tong lalaking to.

“Alam mo ba..” matapos ang ilang minute na namang katahimikan ay nagsalitang muli sa Calleigh. “Nung 8 years old ako, may nakilala ako, lagi nya kong binabatukan. Sabi daw kasi nya, bobo daw ako.” nagpigil pa sya ng tawa nya matapos nya yun sabihin.

“Anong nakakatawa dun?” nagtataka kong tanong.

“Nostalgic. Nagbabalik lang ng mga nakakatawang ala-ala. Akalain mo, 8 years old lang ako nun. Naalala ko lang.” nakangiti nyang sagot. Sa itsura nya, para talagang inaalala nya ang childhood nya.

“Maswerte ka dahil yan ang ala-ala mo nung 8 year old ka.” Naisagot ko.

“Bakit? Ano ba ang ala alang meron ka nung 8 years old ka?” tanong nya.

Napabuntong hininga ako.

Childhood. Ayoko sa salitang yon. Siguro, dahil wala ako nun.

“Charity?” tanong muli ni Calleigh ng ilang minute na ang lumilipas pero di ko parin sya sinasagot.

“Hindi ko na masyadong maalala.”Panimula ko. “8 years old? Grade 2? Naaalala ko lang, lagi akong mag isa sa kwarto ko, naglalaro ng noon ay kakampi kong Barbie pero ngayon ayoko na. Mag isa ako kasi yung mga kaklase ko, ayaw nila sakin. Masyado akong marunong para sa kanila. Yung mga kuya ko, walang pinagkaiba, sila lang lagi ang magkasama. Hindi ako pwede kasi babae ako. Lame.” Naikwento ko habang inaalala ang noon.

Hindi ko na sya maalala ng tuluyan pero, alam kong iyon ang mga meron ako nung bata ako. Nung bata ako. Buti na rin lang na ganito na ako, kahit papaano, kaya ko ng lumaban sa pangungutya ng buhay.

Naramdaman ko ang pagbuntong hininga ni Calleigh sa tabi ko.

“Ganun parin.” Rinig kong bulong nya.

“Hmm?” tanong ko ng hindi maintindihan ang pinupunto nya.

“Wala, wala.” Sagot nya ng umiiling pa.

Ilang minute pa ang lumipas. Walang umiimik o nagsasalita sa aming dalawa. Parehong lumipad sa kung saan ang mga isip naming dalawa.

Ako, sa masalimuot kong childhood. Ayoko man, hindi pa naman kasi handa ang katawan kong tumayo at magpatuloy sa paglalakad at magpaka Sherlock sa kung ano ano.

Naputol lang ang pag iisip ko ng tumayo na si Calleigh mula sa pagkakaupo.

“Tara na, mag iisang oras na tayo dito.” Saad nya sabay lahad ng kanyang mga kamay para tulungan akong tumayo.

Hahawakan ko na ang kamay nya ng mapakunot ang noo ko sa naramdaman kong paggalaw ng lupa. Agad akong napatingin sa lupang kinatatayuan ni Calleigh at kinauupuan ko naman.

“Chari—“ hindi na natapos pa ni Calleigh ang sasabihin nya dahil tuluyan ng bumigay ang lupa.

Naramdaman ko nalang ang katawan ko na unti-unting nahuhulog, unti-unti pero mabilis ang mga pangyayari.

Iba pala ang feeling ng nahuhulog, parang literal na hinihigit ang puso ko mula sa dibdib ko.

“Charity!!” rinig ko pang sigaw ni Calleigh. Gusto ko sanang sumagot ng makaramdam ako ng matigas na bagay na humampas sa kanang bahagi ng katawan ko. Sinundan pa yon ng marami pang maliliit at malalaki ring matitigas na bagay, humahampas sa kung saan saang bahagi ng katawan ko.

Pagulong gulong, nakakahilo. Parang walang katapusan ang patuloy na pagbaba ng katawan ko.

Pero, wala akong nararamdamang sakit. Sa totoo lang, hindi ko na nararamdaman pa ang katawan ko, wala na akong nararamdaman na gumagana sa katawan ko maliban nalang sa utak ko na patuloy paring hindi maintindihan kung ano bang nangyayari.

Hanggang sa, isang malakas na paghampas ang narinig ko. Matapos nun, nawalan na ako ng malay.

**

Update time!

Sorry kung natagalan.

New “kind a” twist sa story. Inexpect nyo ba yun?

Maraming salamat sa lahat ng nandyan para magbasa ng istoryang ito.

Please VOTE kung nagustuhan mo ang chapter na ito.

Please COMMENT for any thoughts.

Thank You!

//MsRedMonster//

A Hidden BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon