Chapter 3: Calleigh, the annoying one.

6.6K 163 4
                                    

“Akin na yan!” wala akong pakialam, sinigawan ko na si Lei, ang kulit ayaw pa ibigay yung notebook ko.

“Ayoko nga..” nagpout pa sya at ngumiti ng nakakaloko. Akala mo naman cute. Psh.

“Napakapakialamero mo! Akin na yan!” wala akong pakialam at dinambahan ko na sya at pilit inaagaw yung notebook ko.

“Ayoko nga…” iniiwas nya at itinataas yung notebook ko at tawa ng tawa. Kala mo naman may nakakatawa sa ginagawa namin. Ano kami bata? Agawan lang ang gusto?

“Akin na sabi eh..” tumalon ako para abutin sa kanya ang notebook ko pero masyado talaga syang matangkad para maabot ng kamay ko ang kamay nyang may hawak ng notebook ko. Dahil sa pilit ko, lahat ng weight ko ay naisandal ko sa katawan nya kaya dumiretso kaming bumagsak sa semento.

“Aray ko…”  inda nya. Nakapaibabaw ako sa kanya kaya parang sinalo nya ako. Naku, siguradong ang bigat ko, tatlong cup ng rice pa naman ako kung kumain, minimum pa yun ah. Pero teka, hindi yun ang concern ko, inabot ko ang notebook ko na nasa kamay parin nya at take note, nakataas parin ang kamay nya para di ko maabot.

“Akin na sabi yan eh..” inaabot ko parin yung notebook ko.

“Ayoko nga, akin na to…” iwas parin naman sya.

“Anong sayo? Akin na yan! Magnanakaw!”

“Magnanakaw ka jan. Ano tawag mo sayo…”

“Heh! W-wala kang pakialam..” siguradong nabasa na nya ang laman ng notebook ko, psh, ano naman. Ipapapatay ko nalang sya sa mga shoot to kill jan sa kanto, rerenta lang ako mamaya pag labas ko para di na maipagkalat ng pacute  na to ang mga sikreto ko.

“Akin na kasi---“

“Hoy, sinong nandyan?” napatigil ako sa pag agaw sa notebook ko ng may biglang magsalita. Nakaflashlight ito at may masususpetsang mga tingin. Naabutan nya kaming, ahck! Ang panget ng pwesto namin.

“Ah, Manong..” yung guard ng school, naku, patay na.

“Anong ginagawa nyo dito? Gabi na ah, dito nyo pa  sa malamig ng semento ng hallway napiling gawin yan? Ang bata nyo pa ah…”

Ano daw sabi ni Manong?

Dali dali na akong umalis sa ibabaw ni Lei at umupo, umupo na rin naman sya ng may mga nakakalokong mga ngiti parin. Ang creepy nya noh? Alam ko =___________=

“Ah Manong, mali ho kayo ng iniisip..” nagpainosente look pa ako. Syempre, may ibang tao. Guard pa ng school, baka kung anong panget na balita ang kumalat, mahirap na.

“Naku, mga bata talaga ngayon, kung saan saan nalang ginagawa yan..magsiuwi na nga kayo..” taboy ni Manong. Sabin g hindi namin yun ginagawa eh..maulit lang si manong? Psh.

A Hidden BitchWhere stories live. Discover now