Chapter 15: He's just so complicated

3.5K 68 1
                                    

“Ano pong nangyari?” curious kong tanong.

“Nagka—“

“Claire!!” sabay kaming napatingin ni Ate Claire sa direksyon ng fitting room.

Tumayo si Ate Claire at pumunta kay Lei.

“Bakit?” agad na tanong nito.

“Nakakainis, tanggalin mo nga tong neck tie na to. Hindi ko matanggal.” Reklamo nya.

Hindi ko napigilang matawa.

“Anong tinatawa tawa mo jan?” parang siga na tanong ni Calleigh.

“Wala.” Pigil tawa kong tanggi.

“Tsk, wala pa ha.” Bulong nya. “Bilisan mo nga, tanggalin mo na to.” Inis na inis nyang sabi kay Ate Claire.

“Ito na po. Buryong buryo?” natatawang komento ni Ate Claire.

Napapailing ko nilang na ibinalik ang paningin ko sa pagbabasa ng magasin na nandito. Walang magawa eh, eto lang. Pero ano nga kayang nangyari dun sa girlfriend ni Lei?

Baka naaksidente? Yun yung mga napapanood ko sa pelikula eh.

O baka naman nanlalaki? Imposible. Girlfriend nga daw diba. Hindi ex girlfriend.  So dapat sila pa hanggang ngayon. Hmm, ano nga kayang nangyari.

Ang curiosity hormones ko namamayani!! Pero, care ko ba sa kanila. Hmph! Malalaman ko din yun! Hahahaha!!

Matapos ang halos isang buong araw na pamimili ng damit. Na feeling ko masasayang lang talaga. Haay. Kumain muna kami sa resto. Kung anong resto, wag nyo ng alamin. Basta mamahalin at masarap ang pagkain. Libre kaya okay na rin.

Maya maya pa, may tumawag kay Ate Claire habang kumakain kami.

“Oh. Oo. Oh? Sige sige.” May naintindihan kayo? Ako rin wala. Basta yan ang sabi nya sa kausap nya.

Tumayo sya matapos patayin nya ang telepono nya.

“Oh, san ka pupunta?” tanong ni Lei.

“Naku, need ko ng umalis. Napaaga kasi yung dating nung producer namin. Kailangan ko na agad imeet.”

“O edi sasabay na kami sayo. Tapos naman na kami dito. Di ba Charity?”

“Ha? Ah oo. Mag gagabi na po, sabay na po kami sa inyo pauwi.” Tumayo na rin kaming sabay ni Lei.

“Wag na no. Nagmamadali ako. Uhm, maglibot libot muna kayo dito.” Ngiting asong sabi ni Ate Claire. Parang may laman ang mga ngiting iyon ah. Hmm...

“Wag na. Pagod na si Charity oh. Di ba Charity?” at bakit parang na sesense ko na ayaw ako kasama ng weirdong smirking face na to? Ha? Sya pa ha! Kapal!

“Oo nga ate Claire. Uuwi nalang kami.”Roll eyes ko kay Lei sabay ngiti naman kay Ate Claire.

“Mga batang to talaga. Basta, maglibot muna kayo. Calleigh.” Tiningnan nya ng isang meaningful na tingin si Lei. Yung parang may pagwawarning.

Bumuntong hininga si Lei.

“Oo na sige na. ”  pag surrender ni Lei.

“Yay! Sige sige, una na ko ha. Bye!” bineso nya muna kami bago umalis na sing bilis ng hangin. Grabe.

A Hidden BitchWo Geschichten leben. Entdecke jetzt