Chapter 41: Always my Hero

2.6K 62 2
                                    

Charity Francisco.

“Charity buksan mo to! Kumain ka na muna! Isang araw ka na jan sa kwarto mo ah.” rinig kong sigaw ni Kuya Abel mula sa likod ng pinto ng kwarto ko.

“Okay lang ako! Hindi ako gutom!” sigaw ko pabalik.

Masakit na ang ulo ko sa kaiiyak. Nahihilo na rin ako dahil wala pa akong tulog. At di ko na maramdaman ang kalamnan ko dahil wala pa akong kain. Pero lahat ng yon, mga sakit na dapat ko lang nararamdaman dahil sa totoo lang, manhid naman na talaga ang katawan ko dahil sa naguguluhan parin ako sa mga nangyayari.

“Cha! Lumabas ka na!” narinig kong tumunog and door knob. May susi sila kaya baka bubuksan na nila.

“Kuya please…wag muna ngayon!” sigaw ko kasunod ang isang hikbi na kanina ko pa pinipigilang lumabas.

Ilang ikot pa ng doorknob ang narinig ko bago ito tuluyang nawala. Siguro, sumuko na rin sila sa pagbukas nito. Kailangan ko to. Kailangan ko munang hanapin ang sarili ko.

Patuloy parin na umaandar ang video ng dating ako. Kahit saan ko tingnan na anggulo, wala ako maalala kahit konti man lang sa mga pangyayari na paulit ulit kong napapanood.

Tumunog ang cellphone sa tabi ko.

Mommy calling…

Hindi ko mapigilang mapa sarcastic na tawa, kasabay nun ang muli na namang pagtulo ng mga luha ko. Sasagutin ko ba ang tawag na ito? Akala ko ba hindi sya ang tunay kong magulang? Ano ang gagawin ko?

Pinili ko nalang na patayin ang cellphone ko. Ano ba ang gagawin nya? Magpapaliwanag? For all these years, alam naman nila na galit na galit ako sa kanila dahil ganun nalang kung iwan nila kami dito sa Pilipinas. Pero ngayon…alam ko na kung bakit…dahil hindi nila kami tunay na mga anak.

At ang mga tunay kong magulang…sino ba sila?

At…ako ba talaga ang dahilan ng pagkamatay nila? Sabi nila Kuya hindi daw ako. Pero base sa reaksyon ng batang ako, bakit parang…ako nga?

Muli ko na namang naihilamos ang mga kamay ko sa mukha ko. Naguguluhan na talaga ako! Hindi ko alam kung…kung sino ba talaga ako at kanino ba ako magtatanong para malaman kung ano ang pagkatao ko.

Muli ko na namang narinig ang paggalaw ng doorknob ko.

“Kuya ano ba! Sabi ng—“ napatigil ako sa pagsasalita ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at makita ko si Calleigh.

“Anong ginagawa mo dito?” agad kong iniwas ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko. Hinagod ko rin ang buhok ko dahil mukha na talaga akong dinaanan ng bagyo sa dungis.

“Anong ginagawa mo sa dilim?” kalmado ang boses nya. Para bang hindi nya ako naabutan na nakasalampak sa sahig at sobrang devastated.

“Wag. Wag mong buksan ang ilaw.” Agad kong pigil sa kanya ng makita kong pipindutin na dapat nya ang switch. “Umalis ka na please.” Dagdag ko pa ng iiwas ko ulit ang tingin ko sa kanya.

Sa halip na umalis, sinara lang nya ang pinto ng kwarto ko saka naglakad papunta sa direksyon ko. Nag indian seat din sya sa tabi ko.

“Anong ginagawa mo?” tanong ko ng makaupo na sya.

Humarap at ngumiti sya sa akin.

“Sinasamahan ka. Kailangan mo ba ng kausap? Pwede mo akong—“

“May alam ka din ba?” nagtataka ako kung bakit sya nandito. Bakit kalmado lang sya at hindi nagtatanong kung ano nga bang talaga ang problema ko. Hindi man lang sya nagtatanong na halatang alam na nya kung ano ang nangyari. “May alam ka? Sino…ka ba? Kilala na ba kita..dati pa?” nag aalangang tanong ko sa kanya.

“Ako ang hero mo Charity.” Itinaas nya ang mga kamay nya sa mukha ko at mula doon, hawak nya ang isang panyo. Pinunasan nya ang mga luhang nasa pisngi ko at hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha ko. “Ikaw ang nagsabi nun kaya ginagawa ko lang ang tungkulin ko.” binigyan pa nya ako ng mga ngiting sobrang genuine at para bang nagsasabing wala akong dapat ipagalala.

“Wala akong naaalalang may sinabi akong ganun sayo Calleigh.” Sagot ko sa kanya.

Hinawi nya ang mga buhok ko. Inayos nya yun at nilagay sa likod ng tenga ko. Tapos binigyan nya ako ng isang reassuring na ngiti.

“Noon mo pa yon sinabi Charity. Nung hindi pa nawawala ang memorya mo.” Agad akong napainhale sa sinabi nya.

Tinanggal ko ang mga kamay nya sa akin at tuluyan na namang tumulo ang mga luha ko. Paanong kilala nila ako pero hindi ko kilala ang sarili ko.

“Kilala mo ko?” hindi ko mapigil ang pagnginig ng mga labi ko habang nagsasalita. “Sino ako Calleigh? Sino ako?” nagmamakaawa ang tono ko pero wala na akong pakialam. Gusto kong malaman kung ano ba talaga tong nangyayari sakin.

“Ikaw si Charity Francisco.” Pinahid na naman nya gamit ang panyo ang mga luha ko. “At maniwala ka sakin, walang nagbago sayo. Kung sino ka ngayon, yan ka parin noon.”

“Pero ano to? Anong aksidente? Calleigh…nakapatay ba ako ng tao? Napatay ko bang talaga ang mga tunay kong magulang?” naguguluhan at nagpapanic kong tanong.

“Hindi Charity.” Nakangiti at umiiling nyang sagot. “Wala kang ginawang ganun. Maniwala ka sakin.”

“Pero…pero bakit parang nararamdaman ko na nagsisinungaling ka sakin?” bago ko pa man mapagisipan ang sasabihin ko, agad ko na tong nasabi sa kanya.

“Ako? Magsisinungaling sayo.” Natawa pa sya. At bakit ba natatawa pa sya sa mga ganitong sitwasyon? “Hindi ako nagsisinungaling Charity. Gusto mong malaman ang nakaraan mo di ba, sasamahan kitang malaman mo yun.”

Nabigla ako sa sinabi nya. Kung ikukumpara kila Kuya na gustong gustong itago sa akin ang mga nangyari noon, iba naman ang offer ni Calleigh.

“Bakit Calleigh? Bakit gusto mong malaman ko ang nangyari dati?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Yun naman ang gusto mo di ba? Ang matanggal ang pagdududa jan sa puso mo. Tutulungan kitang magawa yun…dahil yun ang pinangako ko sayo…noon pa.”

Nabigla ako sa mga sinabi nya. Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi tumibok ng mabilis ang puso ko.

Ngayon tuloy, lalo akong nacurious. Ano ba ang meron kami noon ni Calleigh na ganito nalang ang tiwala at pag aalaga nya sa akin?

Mas lalo ko tuloy gustong malaman ang mga nangyari noon.

A Hidden BitchWhere stories live. Discover now