Chapter 9: Embarassment overload!

5.1K 116 5
                                    

This.is.just.so.great

Nakatayo ako ngayon sa harap ng isang lalaking may weirdong mukha habang tawa ng tawa ng malakas. Nasisira na ang hati ng buhok at nahuhulog at napapaupo na sya sa sahig sa SOBRANG lakas ng tawa nya. Habang ako….hindi malaman kung ano ba ang tinatawa tawa nya. =_____=

Matapos ang ilang minutong pagtawa, muntik na syang maka 30 mins sa pagtawa ah, natapos na rin sya habang hinahawi ang luha na tumulo sa mga mata nya sa kakatawa.

“oh tapos ka na?” tanong ko as soon as matapos na syang humagalakpak.

“Anong---bfft---“ sasapukin ko na to pag hindi pa talaga sya tumigil ng kakatawa.

“Sasagapakin na kita isa pa ha…” kakainis, ano bang nakakatawa… =___=

“Ano ba naman kasi yang suot mo?” he manage to say that straight. Congratulations. =___=

“Ano namang problema sa suot ko?” tinginan ko ang suot kung white imple dress. Nakabraid patagilid ang buhok ko ng pakaliwa at suot ko ang simple kong flat sandals. Ano namang problema sa suot ko? Nag ayos lang ako ng onti…kasi di ba sabi nya….intimate?  Eh hello? Hindi naman ako pwedeng magsuot ng lingerie just for example, buti nga nag dress pa ako. Hindi dahil sa may ineexpect ako ha…konti lang…

“Wag mo sabihing…” he failed continuing again dahil nagtatatawa na naman sya. =______=

“Tara na nga...” tumayo na sya,finally. “Let’s do something intimate..” umakbay sya sa akin at nilead ako sa kwarto nya.

“T-teka…” pigil ko sa kanya.

“Oh bakit?” natatawa nyang tanong.

“Kukutusan kita pag dinala mo ko jan sa kwarto mo!”

“Tara na! Ito naman ang gusto mong gawin di ba?” at hinigit na nya ako papuntang kwarto nya.

*

In.ti.mate.

Ano bang pumasok sa isip ko at nagsuot ako ng dress at mag-isip na gagawa kami ni Lei ng something intimate na hindi erotic? Minsan talaga, bobo ako. I admit. Dahil jan, eto ako ngayon habang hawak ang isang brush sa kaliwang kamay habang muriatic acid naman sa kanan habang suot ang dalawang pink gloves. At anong ginagawa ko?

“Linisin mo yang mabuti ha..” bumuntong hininga ako at iniangat ang ulo ko. Naglalaro ang malolokong ngiti sa labi ni Lei habang tuwang tuwang nakatingin sa akin.

“Gusto mo bang buhusan kita netong muriatic?” mabilis kong sabi sabay pinagpatuloy ang paglinis sa….sa….inidoro. Eew….Yuck….Kadiri….ayoko na!!!!

Bwiset tong Calleigh na to, for all I thought, akala ko pa naman bumabait na sya. Alam mo yun, akala ko pa naman nagiging magkaibigan na kami at nakalimutan nya na yung about sa pesteng kontrata na yun na unfortunately, nageexist pa pala para sa kanya. Tuloy, dahil daw nawiwili akong maging manager sya (which is sya naman ang nagprisinta..di ba? Weirdo talaga..) sa campus stupid representative thing, pinaglinis nya ako ng CR nya para naman daw hindi ko makalimutan yung responsibility kong maging katulong nya. Thursday palang pero ginagawa na nyang sabado. How abusive is that?

“Calleigh ubos na yung---“ naglakad ako papunta ng kwarto nya pero wala naman na sya. Ubos na yung sabon, alangang gamitin ko yung laway ko para sabunin yung tiles nya di ba, which is hindi naman madumi sa paningin ko pero malay ko sa mata nya.

A Hidden BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon