Chapter 28: The Silent Card

2.8K 75 6
                                    

Charity Francisco.

"Ano namang makukuha ko kapag binaba kita jan?"

“Sapak ko! Ibaba mo na ko para masapak na kita.” Naiinis kong sabi sa kanya. Napaka dami pang pasakalye!

“Ganun? Sige, jan ka nalang.” Umupo sya sa ilalim ng puno, parang magpapahinga pa. At parang hindi ako ibababa!

“Calleigh! Isa! Yung dugo ko umaakyat na sa ulo ko. Sige ka, mamamatay ako dito!” napanood ko lang yun sa pelikula, ewan ko kung totoo.

Tumingala sya sa akin.

“Ano naman? Parang mas magandang posisyon nga yan para sayo. Kulay light pink?”

“Calleigh!!!!!!!” agad kong hinawakan ang blouse ko. Pink yung bra ko. Baliw na lalaki to!

Tawa lang sya ng tawa.

“Isa Calleigh! Papatayin talaga kita kapag nakababa ako dito!” sigaw ko sa kanya. Walanghiyang lalaki to!

Nagkibit balikat lang sya sabay labas ng libro. Lokong to, may dala pang libro sa bag. Hanggang gubat ba naman.

“Edi hihintayin ko nalang kapag nakababa ka na jan.” sagot pa nya na parang wala talagang pakialam.

Bwiset na lalaki to. Ingungudngod ko talaga yang mukha nya sa puno kapag ako nakababa dito!

Pero…paaano naman ako makakababa dito?

“Call—Oo na! Ano bang gusto mo?” mukhang wala talaga syang balak ibaba ako. Bahala na!

Ngumiti sya ng nakakaloko at tumingala sa akin. Swear, sisiguraduhin kong kokonyatan ko yang maboso nyang mga mata.

“Hoy, hindi ako papayag kung katawan ko ang gusto mo ha. Bata pa ko para sa mga ganun.”

“Ang dumi ng utak mo Charity ah. Pero…pwede rin, gusto mo ba yun nalang?”

“Calleigh! Isa!”

“O hindi na hindi na..” natatawa pa nyang sabi. “Binibiro ka lang naman.”

“At napili mo pa talagang magbiro samantalang ganito na ang sitwasyon ko. nagbiro ka pa talaga ha! Ano bang gusto mo?”

Nagligten up ang expression ng mukha nya, tapos, para bang nag isip muna ng konti tapos ngumiti saka nagsalita.

“Bigyan mo ko ng The Silent Card.

“Ha?” nagtataka kong nasabi. “Ano yun? Mga imbento mo.”

“Hindi noh.”

“Oh eh ano?”

“An opportunity. Dahil The Silent Card, kahit anong mangyari, kapag dumating yung pagkakataong gustuhin kong makinig ka sa akin, kahit ayaw mo, makikinig ka dapat. Dahil may special silent card ako. Balang araw gagamitin ko yun.”

“Nakahithit ka ba? Ano tinira mo? Rexona o Zonrox?”

“Ayaw mo? O sige, jan ka nalang.”

“Oh hindi na, hindi na, oo na. ibaba mo lang ako dito.” Nag aatempt na naman kasing humiga ang mokong na to. Loko loko talaga.

Ngumiti sya saka ako dahan dahang ibinaba. Mga kalokohan nga naman ng eskwelahan namin. Pano kung may maaksidente dito sa mga trip nila? Mga baliw talaga.

A Hidden BitchWhere stories live. Discover now