Chapter 44: First Step.

2.6K 59 2
                                    

Charity Francisco.

Tumigil ang sasakyan namin sa isang puti at malaking building. Mula sa main entrance ng building, mga taong nakaputi rin na damit at pants ang pumapasok at lumalabas, sa itsura nila, mukhang mga doktor o nurse siguro sila.

Binuksan ni Calleigh ang pinto ng sasakyan saka sya lumabas kasunod ako. Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko ng maiapak ko ang mga paa ko sa labas, para bang may nagsasabi sa akin na kakaibang bagay ang makikita at malalaman ko dito.

“Kinakabahan ka?” napatingin ako kay Lei ng ipatong nya ang kamay nya sa balikat ko at kausapin ako.

“Ha?...hindi ah…” pinansingkitan nya ako ng mata. “Medyo.” Pabulong ko pang dagdag.

“Pwede naman tayong umatras nalang kung ayaw mo.” Saad nya ng may simpleng ngiti.

“Hindi na.” mabilis kong sagot. “Nandito na rin naman tayo. Puntahan na natin.” Sagot ko ng hindi makatingin sa kanya. Kinakabahan talaga kasi ako.

“Okay sige. Tara.” Inakbayan nya ako saka kami naglakad papunta sa main entrance ng building.

Saglit muna akong napalingon sa likod namin bago kami maglakad, nasan na si Manong? Nakaalis na pala yung sasakyan na nagdala sa amin, di ko man lang namalayan. Masyado pala talaga akong occupied.

Mapuputi, makikinang at makikinis na tiles ang sumalubong sa amin. Ang pader at ang flooring nila pareho lang tiles, para tuloy isang malawak na kwarto ang dating ng lugar. Nalalanghap ko rin ang kakaibang amoy ng ospital. Amoy betadine o bulak ata, hindi ko talaga maidentify, basta, ito ang amoy na malalaman mong nasa ospital ka. Napapatingin din ako sa mga taong parito’t paroon na dumadaan, ang iba naka wheel chair, ang iba may hawak na IV, ang iba siguro nurse lang.

Sa isang malaking na white desk ang diretsong pinuntahan namin. Sa likod nun ay may apat na babaeng nurse, naidentify ko na rin sila dahil sa kakaibang sumbrerong suot nila.

“Calleigh.” Isang matabang babae na nasa mga 50s na ang ngumiti at nag address kay Calleigh. Nakangiti sya in a motherly type na para bang kilalang kilala nya si Calleigh.

“Nurse Lily.” Nakangiti rin namang pagbati sakanya ni Lei. “Si Charity nga po pala.” Pag introduce nya sa akin.

Nginitian ako nung Nurse, medyo awkward pa pero medyo nginitian ko na rin sya.

“Masaya ako na nandito ka Charity.” Pakikipagusap nya sa akin na ikinakunot noo ko naman. Another person na kilala ako pero hindi ko kilala. Haayy…Napabuntong hininga lang ako. “Nasa 3rd floor si Doc. Ineexpect nya na kayo.” Dagdag pa nya pero kay Lei na nakatingin.

“Sige po. Salamat.” Sagot sa kanya ni Lei. “Tara.” Yaya naman na nya sa akin.

Nilingon ko pa si Nurse Lily. Nakangiti syang nakatingin sa amin, parang kilalang kilala nya ako. Creepy. Di ko kasi sya talaga kilala.

“Sino yon?” tanong ko kay Calleigh ng makasakay na kami sa elevator.

“Si Nurse Lily?” tumango ako. “Nurse mo sya dati. Matagal tagal ka rin nyang inalagaan.” Sagot nya na parang isa itong information na hindi naman bago para sa kanya, at para sa aming dalawa.

Gusto ko sanang magtanong ulit sa kanya. Ginamit nya kasi yung term na inalagaan. Napapikit at napailing ako sa sarili ko. Lalo akong kinakabahan sa salitang yon. Paano nalang kung nabaliw pala talaga ako? Nakapatay? Namental? Tapos may amnesia? Hindi ko alam. Patuloy kong hinahanda ang sarili ko sa mga pwede kong malaman. Patuloy kong pinapakalma ang sarili ko. Pero, ang matapang na ako, hindi ko alam kung san pumunta. Yung duwag na ako lang yung nandito, hindi ko tuloy alam kung kakayanin ko ba.

Ang malakas na ping ng elevator ang umagaw sakin sa pag iisip. Tiningnan ko muna si Lei bago pa man ako umapak at lumabas ng elevator. Tinanguan at nginitian lang nya ako. Mga ngiting para bang nagsasabing wala akong dapat na ipagalala. Sa mga ganitong pagkakataon, sobrang nagpapasalamat talaga ako na nandito sya. Hindi ko ineexpect na sa kanya ko pala makikita ang ganitong kakaibang suporta.

Aaminin ko, malaki ang paghanga ko kay Calleigh lalo na sa kakaibang suporta at effort na binibigay nya para sa akin.

Tumigil kami ng paglalakad sa harap ng isang puti ring pinto. Nakalagay ang isang nameplate signboard dun, Dr. Fernando Ramos ang nakalagay. Dalawang katok muna ang ginawa ni Calleigh bago nya tuluyang binuksan ang pinto.

Isang maputi at matipunong doktor ang agad na sumalubong sa amin. Nakangiti sya sa amin at para bang may tinitingnan pa syang mga dokumento bago kami kumatok at pumasok.

Maliit lang ang kwarto na ito, isang maliit na mesa at upuan kung saan sya nakaupo, isang maliit na kama sa gilid at maikling kurtina na pang takip sa kama ang nakahang sa pagitan ng mesa at kama. Meron ding maliit na cabinet sa gilid at isang simpleng cross ang naka hang sa pader. Bukod dun, wala na akong nakikita pang kahit na anong makina na pang ospital. Napabuntong hininga ako, buti nalang walang mga nakakatakot na equipments.

“Calleigh.” Nakangiting tumayo ang doktor at nilahad ang kamay nya kay Lei para makipag shake hands, tinanggap naman ito ni Lei. Tapos, tumingin sya sa akin. “Charity, kamusta ka na?” tanong nya sa akin habang nakangiti na para bang maliit na bata ang kinakausap nya.

“O-okay naman po.” Nag aalangan ko pang sagot sa kanya.

“Good. Have a seat.” Pag gesture nya sa mga upuan na katapat ng mesa nya saka sya umikot sa upuan nya at umupo din. “So,” panimula nya ng makaupo na kami. “Sinabi sa akin dito ni Calleigh na gusto mo daw makipag konsulta sa akin?” tanong nya sa akin. “I assume gusto mong malaman ang mga nangyari sayo noon?” kalamado nyang tanong sa akin.

“Opo.” Patango kong sagot habang medyo napapatingin kay Calleigh na tahimik at nakikinig lang sa amin.

“Okay. Kaya kitang tulungan jan.” sagot nya. “Pero bago ka magtanong sa akin at bago din naman kita sagutin, okay lang ba sayo kung palalabasin natin si Calleigh?” tanong nya. Agad akong napatingin kay Calleigh.

“Uhm, hindi po ba pwedeng nandito nalang sya?” nag aalangan kong tanong. Halata sa boses ko ang pagpapanic.

“It would be better kung wala sya dito. Kailangan mo tong harapin mag isa Charity.” Sagot nya ng nakangiti pero apologetic.

Napatingin ako kay Calleigh ng bigla syang tumayo. Lumapit sya sa akin at marahan na hinaplos ng likod ng kamay nya ang pisngi ko.

“Kaya mo to.” Saad nya in a reassuring smile.

Muli akong napabuntong hininga at saglit na napapikit.

“Basta sa labas ka lang ha.” Mahina at halos pabulong kong sabi habang hinahanap ko pa ang mukhang gustong magtago kong boses.

“Oo naman.” Sagot nya. Tumingin muna sya sa doktor saka nya muli akong hinaplos sa buhok saka umalis at isinara na ang pinto.

Ng maisara na nya ang pinto, mas lalo kong naramdaman ang kaba na meron ako. Dumoble pa yun ng umalis si Calleigh, hindi ko naman kasi kilala ang taong nasa harap ko.

“Relax Charity, kaya mo to.” Biglang nagsalita ang doktor. Mabagal nalang akong napatango. Wala naman akong choice.

“Okay, let’s begin?” tanong nya sa akin kasama ang isang ngiti.

**

Hey gals!

Update time!

Sorry kung medyo filler ang chapter na ito. I didn’t plan it like this pero necessary naman kasi sa story. Anyway, the bulk of the story is on the next chapter. Handa na ba kayong malaman ang tunay na nangyari? Ako excited na! *grins widely*

Please VOTE kung nagustuhan nyo ang chapter na to.

Please COMMENT for any thoughts.

Thank you!

MsRedMonster,

A Hidden BitchOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz