Chapter 50: Female Wars

2.9K 75 14
                                    

Charity Francisco.

“That’s all for today. See you all on Monday.”

Isang pasigaw na Yes! sa isipan ko ang agad kong nasabi ng marinig ko ng magpaalam ang trigonometry teacher namin. B.O.R.I.N.G. Literal syang boring magturo na halos makatulog na ako buong period.

“Tara na.” napalingon ako kay Calleigh. Ayan, daydreaming na naman ako.

“Oo na.” sagot ko sabay tayo at ayos ng mga gamit ko.

Lagi kaming sabay ni Calleigh sa lahat ng bagay na ginagawa namin sa skul. Sabay pumasok, sabay umuwi, sabay kumain, at sabay din mag CR, pero syempre, nasa labas lang sya o di naman kaya ay ako ang nasa labas. Yung mga estudyante naman kasi dito sa school, akala mo mga napasali sa Halloween. Lagi ba namang mga nakasiring. Aba! Deadma lang noh. Mapapagod din yang mga yan.

“Lei.” Pareho kaming nabigla ni Calleigh ng biglang sumulpot si Robles, kasamahan nya sa chess club.

“Oh bakit?” tanong naman nito.

“Eh pinapatawag ka kasi ni Sir. May kailangan lang daw saglit sayo. Daan ka daw muna dun.”

“Ah ganun ba. Sige, sunod kami.” Tumango si Robles bago tumakbo ulit paalis. Parang runner ang peg netong maliit na negritong to. “Tara.” Napatingin ako ng yayain pa nya ako.

“Sasama pa ko?” tanong ko sabay turo ko sa sarili ko.

“Oo. Saglit lang naman tayo.” Yaya pa nya.

“Ehhh, wag na. Paglalakarin mo pa ko sa office nyo eh ang layo layo nun.” Sagot ko. Nakakapagod kaya ang pilitang idilat ang mata sa boring na klase. Mas nakakapagod pa yun kesa sa pagtakbo. Seryoso.

“Hindi pwede. Sabay tayo uuwi di ba.” Eto na naman kami. Pinapaalala na naman nya. =____=

“Edi hihintayin nalang kita dito. Kesa naman paglakarin mo pa ko. Pagod na nga kasi ako.” paliwanag ko.

“Sigurado ka? Hihintayin mo nalang ako dito?” tanong nya na parang may pinagdududahan.

“Oo. Sus, eto naman. Hintay lang. Sige na.”

“Sigurado ka ha. Hintayin mo ko dito ah. Dito ka lang at wag kang aalis.”

“Oo na. Para namang aalis ako.” nakakunot noo ko pang taboy sa kanya.

“Dito ka lang ha. Siguraduhin mong wag kang aalis Charity.”

“Oo na nga. Ang kulit!”

“O sige. Saglit lang ako. Dyan ka lang…” bilin pa rin nya kahit naglalakad na palayo. Patakbo pa syang umalis. Grabe, nagmamadali talaga?

Dalawang minuto ng tuluyang makaalis si Calleigh, isang annoying na boses ang bigla kong narinig.

“Finally…” agad akong napalingon sa kanan ko. “Napag isa na rin ang ating Queen B. Or should I say, Queen Bitch…hahahah!!!” nagtatatawang saad ni Isabelle kasama ng pagtawa rin ni Beverly, Maria at…Sandra. Himala, wala yung dalawang extrang asungot.

“Ano yan, bagong cheap gang?” sarcastic kong tanong sa kanila sabay siring.

“Alam mo Charity, sawang sawa nako jan sa puro dada mo eh.” Nanduduro at palapit na sabi ni Beverly.

A Hidden BitchUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum