Chapter 31: Back at home

2.9K 72 2
                                    

Charity Francisco

Broken Ribs.

Broken Right Calf.

Broken Left Knee.

Dislocated left arm.

Fractured head.

Bruised. Lots of Bruises.

Ganyan inisa isa ng amerikanong doktor ko ang mga nakuha kong damage sa pagkakahulog namin na yon.

Dalawang araw na ang nakakalipas ng mangyari ang aksidenteng yon. 8 na ng umaga ng makita at makuha kami ng rescue team ng farm. 16 hours kaming na stranded sa madilim at malupa na lugar  na yon. Buti nalang kahit papaano, kinaya namin.

Ng makita kami at madala na sa kapatagan, nagulat kami ng makita namin ang mga kuya ko at ang ate ni Calleigh na nandun na rin sa farm. Sinabihan sila ng school sa nangyari sa amin. Agad din namang sumugod papunta doon. Agad din nila kaming inuwi at dinala sa ospital ng makarating kami sa siyudad.

“Ipapademanda ko talaga sila.” Inis na saad na naman ni Kuya Abel. Na naman. Masyado syang over reacting sa mga nangyari.

Ang lugar na pinagbagsakan namn ni Calleigh ay off limits pala. Malalim at delikado pala talaga ang lugar na iyon dahil malambot pa ang lupa. Yun nga lang, nakalimutan nila lagyan ng kahit man lang signboard na “off limits, dahilan para hindi namin malaman at maaksidente kami.

Bumuntong hininga ako at napairap sa kuya ko kahit hindi sya directly na nakatingin sa akin.

“Tumigil ka na nga jan kuya. Anong ipapademanda? Over reacting ka masyado.” Saad ko.

Lumingon at tumingin sya sa akin.

“Tingnan mo nga yang itsura mo Charity. Ni hindi ka nga makatayo.” Sagot nya.

Totoo naman yun. Naka wheel chair ako habang nakabenda ang halos buong katawan ko. Meron ding semento ang mga binti ko at kaliwang braso. Halos hindi na talaga tao ang itsura ko matapos akong gamutin. Para na akong living mummy.

“Ngayon? Aksidente yung nangyari kaya hayaan mo na.” sagot ko.

“Hayaan? Eh pano kung—“

“Wala namang nangyari di ba. Bukod naman sa mga sugat ko, okay na ko. Ayokon gumawa ka pa ng eksena sa school at pag usapan pa ako. Mabuti ng ganito, ako yung biktima.” Mabilis kong sabi. May benda na yung ribs ko tsaka may pain killer ako kaya hindi na sya masakit. Nakakapagsalita na ako ng mabilis.

“Bahala ka na nga.” Maikli nyang sagot matapos ang isang buntong hininga.

“San ka pupunta?” tanong ko ng maglakad sya papunta sa pinto.

“Mag ba-basketball lang. Dyan ka muna ah.”

Bago pa man ako makasagot, nakalabas na sya.

Tingnan mo yon. Akala ko ba concern sya? Ah ewan!

Inikot ko ang gulong ng wheel chair ko papuntang kusina. Medyo mahirap kasi isang kamay lang ang gumagana sakin pero ok na rin lang kesa naman nandito at tutulong man ang mga kapatid ko kasi nang bibwiset naman.

Magandang bagay na rin na malaki ang bahay at kusina namin. Hindi ako nahihirapan sa space.

Lasagna.Cake.Orange Juice at Peanut Butter. Ang maganda lang kapag merong may sakit sa bahay, laging puno ang ref at maraming pagkain! Haha!

A Hidden BitchWhere stories live. Discover now