Chapter 2: What makes her hidden?

9.3K 199 13
                                    

“Ms. San Diego! Ms. Sentimento! Ms. Maniapas! What are you doing?” shoot. Biglang dumating yung school’s guidance teacher. Patay na naman yung tatlo.

“Uh Ma’am..” sabay sabay na binitawan nung tatlo yung hawak nilang pulbo. Alam nyo ba ginawa nila? Di ba nabasagan nan g itlog si Venus? Ayun, pinaliguan naman nila ng polbo. Mukha tuloy espasol ang lola nyo.

“DE.TEN.TION NOW.” She said through gritted teeth. Detention? Psh! Ang feelingera ng school na to. Gaya gaya sa detention ng ibang bansa pero yeah, meron kami nun.

Wala naman ng sinabi pa yung tatlo at binangga muna si Venus bago lumabas ng kwarto. Matapos naman ang ilang segundo, nag iiiyak na nagtatakbo naman si Venus palabas.

Napaka dramatic. Oh puhllleeeeeeeeasseeeeee!!!!!!!!!!!

Maya maya, dumating na rin ang room adviser namin at naglecture ng kung ano anong mga bagay bagay na sya lang ang nakakaintindi. Mabilis din lumipas ang oras at luckily, nakatakas na rin ako sa mga stalkers at fans ko at ngayon, nag iisa sa isang abandonadong building ng school. Nasa parting likod ito na natatabunan ng bagong building. Haunted daw ang building na ito kaya walang pumupunta. I think, blessing in disguise ito dahil dito ako nakakatambay. Di ako makatambay sa rooftop namin kasi madaming tambay na mga lalaki dun, which is ibang storya na. Haha!

Matapos ang pagkain ko. Nilabas ko na ang aking tantanana~ magic….notebook.

Ito ang notebook na naglalaman ng lahat ng sikreto ko. Ang notebook na nagsisilbing buhay ko at ang notebook na nagsisilbing kausap ko. Ito ang tanging bagay sa mundong ibabaw na nakakakilala sa buong pagkatao ng isang Charity Francisco.

Entry 109

Venus, the school’s fairy is a whore. Inagaw nya ang boyfriend ng bestfriend nya kaya dapat lang sa kanya ang tubuan ng pakpak at balahibo para maging manok sa dami ng itlog na itinapon sa kanya ng madlang mamamayan at gawing espasol ng tatlong bruha.

-          Charity Francisco

Diary? Nah. I don’t consider it as a diary. It’s more of a comment notebook for me or a journal notebook pwede rin. May mga bagay lang akong gustong isulat at gustong labasan, hence, bakit hindi ilabas sa walang kamalay malay na notebook. Isa pa, hindi naman ito nakakapagsalita.

Mabilis na natapos ang lunch break. Di ko namalayan, nakatulog na pala ako. Kaya ayan, nagmamadali tuloy akong inayos ang gamit ko at nagtatatakbo sa hallway para makarating sa susunod na subject.

At last, buti nalang hindi pa ko late. Mahigpit pa naman tong menopausal na teacher namin sa history. Ang feelingera, boring naman magturo.

“Cha..” napatingin ako kay Sandra. Teka, sa unahan sya nakaupo ah, anong ginagawa nya dito sa likuran?

“Bakit?”  bulong ko nalang din.

“Nabalitaan mo na ba?” at ano na naman bang idadaldal sakin ng dakdakerang to? =________=+++

“Ano?” medyo nababagot kong tanong…

“Nag drop na si Venus dito sa skul natin..”

“ha?” gulat na tanong ko pero luckily, pabulong parin.

“Oo, at alam mo ba. Babalakin nilang hanapin yung IP address nung nag post na si DevilishAngel, masyado na daw kasing marami ang nabibiktima nya..”

“ANOOO?” oh shoot.

“Ms. Francisco, is there any problem?” napatingin sakin yung prof ko at lahat ng kaklase ko. Shoot!

A Hidden BitchWhere stories live. Discover now