Chapter 40: Secrets unfold

2.7K 60 2
                                    

Charity Francisco.

“Charity, alam mo ba kung nasan ka?”

Hindi sumagot ang batang nakaupo sa kama. Suot nya ang puting damit at pajama. Halatang nasa isang ospital sya. Nagsulat ang lalaki sa isang papel na hawak nya, suspetya ko ay doktor sya dahil na rin sa suot nyang puting blazer at sky blue blouse at pants.

“May naaalala ka ba sa mga nangyari?” tanong nyang muli. Pero hindi na naman sumagot ang bata sa video.

“Nasan ang mommy at daddy mo Charity?” sa tanong na yon, biglang nalipat ang tingin ng bata mula sa kawalan papunta sa doktor na nasa harap nya.

“Ako ang may kasalanan! Kasalanan ko! Kasalanan ko!”sunod sunod nyang sigaw.

Pinigil sya ng doktor pero patuloy parin sa pagpapanic ang bata.

Agad kong pinatay ang video.

Charity. Ako si Charity. Ako ang batang nasa video. Ako yun nung mga 10 years old lang ako.

Pero…bakit…wala naman akong naaalala sa mga yon?

Biglang kumirot ang ulo ko. Shit! Ano ba to? Naguguluhan ako!

May Amnesia ka! Nag eecho na naman ang boses ni Sandra sa ulo ko. Lalo akong naguguluhan sa mga salitang yon. Imposible.

Agad kong kinuha ang folder at ang cassette tape. Lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso sa lugar at mga taong alam ko ay makakasagot sa tanong ko.

“Kuya ano to?” tanong ko sabay hagis ng folder at cassette tape sa kanila. Naglalaro sila ng X-box ng dumating ako.

“Anong nangyari sayo Cha? Bakit ganyan ang mukha mo?” tanong ni Kuya Cain ng makita ako.

“Oo nga. Nakipag away ka ba? Anong bang—“ hindi ko na pinatapos pa si Kuya Abel sa sasabihin nya.

“Sagutin nyo nalang ang tanong ko!! Ano ang ibig sabihin ng mga yan?!” pasigaw ko na tanong sa kanila. Sobrang hindi na ko nakakapagpigil!

“Kalma nga Cha, ano bang problema mo?” tumayo na si Kuya Cain sa kinauupuan nya. “Ano ba tong mga to?” pinulot nya ang mga binato ko saka tiningnan ito.

Binigyan ko ng atensyon ang expression ng mukha nya. Nagbago yun mula sa kalmado papunta sa nagpipigil na panic.

“Sa-san mo to nakuha Cha?” lalo akong napakunot noo sa tanong na yon ni Kuya Cain.

“Bakit? Ano ba yan?” nagtatakang tanong naman ni Kuya Abel sabay kuha din sa folder. Agad syang napatingin sa akin ng makita nya ang laman nito. May panic na nakapinta sa mga mata nya. “Charity, san mo nakuha to?” agad syang tumayo at pumunta sa side ko.

“Bakit Kuya? Ano ba ang ibig sabihin ng mga yan?” bumilis ang tibok ng puso ko. Para bang kinakabahan ako sa maaaring sabihin nila. Natatakot akong malaman ang kwento sa likod ng mga bagay na laman ng folder na yon.

“Cha wala to…wag mo tong pansinin…hindi mo lang kasi maiintindihan—“

“Anong wala? Anong wag pansinin? Ano ang hindi ko maiintindihan? Ano ba ang ibig sabihin ng mga yan Kuya?! Nakita ko na yan! At hindi magiging maganda kung itatago nyo pa to sakin dahil mas lalo lang akong nahihirapan!” hindi ko na napigilang umiyak pa.

“Charity…kumalma ka lang.” hinagod pa nya ang likod ko pero agad akong umiwas.

“Kuya, anong ibig sabihin nun? Nakulong ako…sa mental? Anong aksidente? Hindi ko maintindihan.” Nagmamakaawa ang tono ng boses ko. Naguguluhan ako. May mga impormasyon pero walang mga ala alang nangyari yon. Pwedeng hindi yon totoo pero iba ang sinasabi ng expression ng mga kuya ko.

“Kuya?” tanong ko pa kay Kuya Cain ng tumungo lang si Kuya Abel sa mga tanong ko. Iniwasan nya rin ang mga tingin ko. Napabuntong hininga ako sa mga reaksyon nila. “Ano ba? Hindi nyo ba sasabihin sakin?” pilit na tanong ko parin.

“Cha…maniwala ka sakin…hindi to makakabuti sayo.” Udyok pa sa akin ni Kuya Abel.

“Maniwala ka sakin Kuya, hindi rin makakabuti sakin kung alam ko na may tinatago kayo sa akin at napakalaki nito na hindi nyo kayang pag usapan ang tungkol dun. Mababaliw ako kakaisip kung ano ba to?” sigaw kong muli sa kanya.

“Kuya..” tawag ni Kuya Cain kay Kuya Abel. Napatingin tuloy kami sa kanya. “Baka oras na para sabihin natin sa kanya ang lahat.” Saad nya ng may malalamang tingin kay Kuya Abel.

Bumuntong hininga si Kuya Abel. Tumingin sya sa akin saka ibinalik ang mga tingin nya kay Kuya Cain saka muling ibinalik sa akin.

“Makakapangako ka ba na…kahit na anong mangyari, iintindihin mo ang sitwasyon Cha? Na mag iisip ka muna bago ka mag rereact sa sitwasyon?” tanong sa akin ni Kuya Abel at para bang hopeful sya sa magiging sagot ko.

“Hindi ko yan maipapangako Kuya…pero susubukan ko.” sagot ko sa kanya.

.

“It’s been 7 years. 9 years old ka lang ng magkaron ng isang aksidente. Isa yong car accident…kasama mo…sina Mommy at Daddy.” Halatang nag aalangan pa si Kuya Abel ng simulant nya ang kwento nya. “Yung aksidente na yon…yun yung aksidente na…” tumingin muna si Kuya Abel kay Kuya Cain. Tumango lang ito sa kanya. “na pumatay sa mga magulang natin.”

Nabigla ako sa sinabi nya. Tumigil ang pagtibok ng puso ko at lalong naguluhan ang isipan ko.

“Panong manyayari yon eh buhay ang mga magulang natin sa ibang bansa.” Hindi ko makapaniwalang sabi. “Nakikita ko sila. Kahit once a year lang nila tayo dinadalaw, nakita ko sila. Sigurado ako dun.” Depensa ko.

Umiling si Kuya Abel. Diretso syang nakatingin sa mga mata ko.

“Hindi yon ang mga tunay nating mga magulang Cha. Tito at Tita lang natin sila…kailangan lang nilang magpanggap na mga magulang natin para…para sayo.”

Nailagay ko ang mga kamay ko sa mukha. Kalokohan to!

“This doesn’t make sense.” Bulong ko sa sarili ko.

“Kaya hindi namin to masabi sayo Cha. Dahil ganito ang—“

“Bakit? Bakit para sakin?” agad kong tanong.

“Dahil…”

“Dahil ano?” sigaw ko ng hindi mapakali.

“Dahil may sakit ka Cha. Meron kang…severe depression. Isang taon kang napunta sa psychiatric hospital dati para magpagaling. Nung una walang progreso, lalo na kapag tinatanong nila at pinapaintindi sayo na hindi mo kasalanan ang mga nangyari. Gumaling ka lang nung…”

Nag umpisa na namang tumulo ang mga luha ko. Hindi to totoo. Wala akong ganung naranasan. Wala!

“nung…mag umpisa kang gumawa ng sarili mong mga ala ala. Ng sarili mong sitwasyon, identidad, ugali, at pakikisama sa mga tao base sa paano sya kailangan ng utak mo. Binura ng utak mo ang mga dati mong ala ala at gumawa ng bago. Yun lang yung naging way mo sa sarili mo para maka cope up ka sa mga nangyari.” Paliwanag pa nya.

Tiningnan ko muna sya diretso sa mata para humanap ng mga bahid ng pagsisinungaling. Pero wala akong nakita.

“Imposible. Wala akong maalalang ganyan.” Tanggi ko parin.

Tumango si Kuya Abel.

“Defense mechanism yun ng sarili mo Cha. Para sayo…” sagot nya.

Ipipilit ko pa sana ang punto ko. Na mali sya at alam kong kilala ko ang sarili ko. Pero ng mga oras na yon, wala lang akong nagawa kundi ang umiling at patuloy na lumuha.

Lalo na’t alam ko na kahit sarili ko pala…hindi ko dapat pagkatiwalaan.

A Hidden BitchWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu