3: ONSE ELEMENTOS

Start from the beginning
                                    

7:00 AM

Great! Ang aga namin ngayon. Unang pumasok si Belle sa pick-up, syempre siya ang magmamaneho. Tanga lang?

"Naku Alexyz, sa susunod pag-aralan mo na rin ang pagmamaneho nito para minsan ikaw naman ang magmamaneho para sa ating dalawa." Sabi ni Belle habang nilabas ang kotse sa garage.

"Sure, why not? Ikaw ba magiging teacher ko?" Excited kong sabi.

"Excuse me! Hindi ko yan trabaho. Kay Babs mo nalang!" Medyo kilig pa siya.

"Ulol!" Sabi ko sabay rolled eyes.

Napangiti ako sa kanya. Kahit kailan talaga napaka supportive ni Belle sa amin ni Justin. 'Wag lang sana nagloloko si Justin, naku ewan ko nalang sa magagawa ko. Wala na talaga akong hahanapin pang ibang kaibigan. I am so lucky to have Belle. Haytsss!

Papalapit na kami sa school nang napansin ko ang sasakyan ni Justin. Ang aga naman niya, mas nauna pa sa'kin.

"Kung maaga tayo, may mas maaga pa sa atin," sabi ni Belle.

"Oo nga ehh," sabi ko at bumaba na.

Pagkababa ko ay siyang paglapit niya. Kaya ang hirap iwanan 'to eh! Napaka loyal.

"Good Morning my sunshine!" Sabi niya sabay halik sa noo.

"Ang aga-aga ang lalandi, maiwan nga kayo diyan" Sabi ni Belle. Natawa ako sa sinabi niya.

"Ang bitter mo!" Sigaw ni Justin kay Belle. "Maghanap ka na kasi."

Napangiti ako. Close sina Belle at Justin at gusto ko yun. Kaya naman Mahal na mahal ko tong lalaking 'to.

"Babs, ba't ang tahimik mo ata?" -Justin

"Wala lang. Naisip ko lang na swerte ako sayo," sabi ko tsaka niyakap patagilid habang naglalakad.

Whatever kung ang landi namin. Wala kayong pakialam. Buhay namin 'to HAHAHAHAHA.

"Babs, mas swerte ako sayo." Pag-uulit niya ng sinabi ko.

Silent mode.

Yang mga banat niya ang isa sa dahilan kung bakit nakukuha niya ang loob ko eh. Nakakainis! Alam na alam niya kung paano ako makukuha.

"Namumula ka Babs!" Sabi niya sabay ngiti.

Ang cute!

"Tumigil ka nga, halika na baka malate ka pa. Ang aga mo pa naman." Sabi ko sabay hila sa kanya.

Hinatid niya muna ako sa classroom ko tsaka siya umalis. Actually, mas matanda siya ng isang taon sa akin. He's now in Grade 12 and same strand kami, STEM. Future Doctor daw siya at ako daw ang gagawa ng design sa Hospital niya, future Engineer ako eh!

So pagpasok ko sa classroom, ang ingay na. May mga nag chechesmes, nag se-selfie at naghaharutan. Lahat naman siguro ng classroom ganito, parang normal lang na ganyan ang maging umaga natin. Normal para sa mga estudyante pero abnormal para sa mga teachers! Funny?

Bago magsimula ang klase namin, may kasamang tatlong estudyante ang professor namin. Dalawang babae at isang lalaki. May itsura naman ang lalaki tsaka familiar siya, ang mga babae naman ay maganda, matangkad at mahaba-haba ang buhok nila.

Wait?!

"Class, These are your new classmates. They are from... From B-bramandah University, hmmm saan kaya 'to?" Napatanong si prof sa sarili niyang sinabi.

"Ladies and and gentlemen introduce yourself." -Professor June

"Hi everyone, I'm Oddyssa!"

"Hello, I'm Ammelia!"

ONSE ELEMENTOSWhere stories live. Discover now