Epilogue

45 5 0
                                    

December 31 1976    11:01pm

Sa kabilog bilogan ng buwan at sa silaw nito papasok sa bintana ng babaeng nagngangalan na Nami ay doon nakatutok sakanya ang ilaw habang ang babae naman dahil sa katandaan ay hindi na nito maimulat ang mata at hinang hina na ito upang isara ang bintana dahil malamig ang simoy na hangin na alam rin niyang hindi na ito makakaya pa ng kanyang katawan.

Sa isang sulok ay may pares na abong mata ang nakatutok dito habang tinitingnan ang bawat kilos ng babae.

Unti-unti itong lumabas sa pinagtataguan at sakto namang may dalawang tao na hinaharangan ang parte kung saan nandoon si Nami.

" Wag kang lumapit!" singhal ng babae at inatake ang lalaking may pares abo na mata.

11:29

" Umalis ka Homato." may diin na sabi nito nang matalo nito ang babae.

" Gago ka." Yan lang ang sinabi ni Homato at umalis na sa lugar na iyon upang kuhain ang babae.

Alam ni Homato na walang kalaban laban siya kaya naman umalis na ito at alan niya rin ang plano ng lalaki kaya naman pinagbigyan niya lang ito sa huling pagkakataon.

11: 39

Dali daling lumapit ang lalaki sa kinaroroonan ng babae at hinaplos nito ang mukha nito.

Gustong imulat ng babae ang kanyang mata dahil pamilyar ang haplos na kanyang nararamdaman pero nagtipon muna siya ng lakas upang buksan nito ang kanyang mga mata dahil atat atat na itong makita ang mukha ng lalaki dahil sa kaloob looban niya ay isang emosyon na kailanman ay ngayon niya lang ulit nararamdaman at alam niya iyon.

11: 45

Nang maimulat ng babae ang kanyang mata, ay agad tumulo ang luha na kanina niya pa kinikimkim at dahan dahang itinaas ang kamay upang hawakan ang mukha ng lalaki

Sa mahigit na limampo't taon na paghihintay nya dito ay sa wakas dumating na rin ang pyesa na ilang taon nya rin hinihintay.

11:46

Hindi pa rin tumitigil ang agos na luha na naggagaling sa mata ng babae at dahil doon ay napaluha na rin ang lalaki dahil sa wakas nahawakan na niya ang babae sa ilang taon rin niyang hinihintay.

11:48

" Mahal na Mahal kita Nami." sabi nito sabay kuha ng punyal na may ekis sa hawakan na ito. Hindi naman napansin iyon ni Nami dahil tutok na tutok siya sa mukha ng lalaki

11:49

" M-mahal na m-mahal din kita T-ta.. iku"

12:00 am

Huling halik na binigay ni Taiku bago itinaas ang punyal sabay saksak nito sa dibdib

Niya.

" P-paalam." sabi ni Nami sa huling hininga nito.

Paalam.

Ang tugon naman ng utak ni Taiku bago ito bumuga ng dugo at kinuhaan ng buhay.

12:01

Sigaw ng iba't ibang hayop.

Tahol ng mga aso at lobo

Meow ng pusa

Tss ng mga ahas

Tweet ng mga ibon

At iba't ibang nilalang ang umiiyak sa pighati at kasiyahan.

Mga matang nakatingin lang at nagmamasid sa susunod na mangyayari. Mga matang natatakot at naaawa.

Sa isang dako naman ay isang nilalang na nagpupumiglas at nanlilisik ang mga mata

" Bitawan niyo ako! Kukunin ko ang asawa ko!" sigaw ng isang nilalang na galit na galit.

" Gigisingin kita Taiku!" sigaw nito bago pabagsakin ni Francia.

Ang babaeng sumigaw ay si Corinthia na kasal na kay Taiku apat na dekada na ang nakalipas.

Sa isang dako naman ay pag pupulong pulong ng mga bampira.

" Ito ang panahon kung saan mamatay ang mortal na katawan ng ating mahal na prinsesa. Kailangan nating mahanap ang marka bago sumapit na naman ang ika apat na dekada." sabi ng hari sa mga opisyal.

Tumango naman sila at sa ngayon sinimulan na nilang hanapin ang markang para lamang sa prinsesa.

Sa kabilang dako naman ay si Homato  at Francia na ngayon ay ginapos si Corinthia bago sila umalis sa lugar na iyon at pinuntahan ang walang buhay na katawan ng dalawa na nakahandusay sa loob ng kubo.

Kumunot ang noo ni Francia ng makita niya ang punyal na nakaturok sa dibdib ni Taiku at napatingin kay Homato.

" Kaya ginawa ni Taiku ito dahil sa ikaapat na dekada simula ngayon ay mabubuhay ulit sila bilang normal at ordinaryong tao na lamang." paliwanag niya habang nakatingin sa katawan ng dalawang tao habang magka hawak kamay.

" Kinuha ni Taiku ang marka ni Nami dahil itinakda sa taon na ito na pag ang isang immortal na nilalang ay maging mortal at mamatay sa taong ito ay sa ika apat na dekada mabubuhay muli."

Unti-unting lumapit si Homato sa nakahandusay na katawan ni Taiku at hinaplos ang punyal na nakaturok sa dibdib nito.

" Ang punyal na ito ay simbolo nang pagkawalang immortal ng nilalang sa ika apat na dekada na ito ay muling mabubuhay."

Tumingin si Homato kay Francia na ngayon ay naluluha.

" I misunderstood him." nakokonsensyang sabi nito at napayuko.

" Bago pa sila makapunta dito ay hanapin natin ang marka dahil pag may nakauna nito ay siguradong bubuhayin si Taiku gamit ang marka ni Nami at ang marka ng god at kung mahanap man ito ng Gyue clan ay ibabalik nila ang marka ni Nami bilang prinsesa at mabubuhay ito. "

Tango tango naman ang tugon ni Francia at sabay silang umalis ni Homato para maghanap sa marka.

Sa loob ng isang buwan, isang taon at isang dekada ay patuloy ang paghahanap ng marka.

Ang Gyue Clan
Ang buong banay ni Corinthia
At si Francia at Homato kasama ang pumupigil sa pagkakagising ng dalawang tao bago paman dumating ang ika apat na dekada.

December 30 1986

" Nahanap ko na ang marka. " sabay bow nito at inilahad ang kahon ang kataas taasan.

" Sa wakas, magigising na rin siya."

December 30 1996

" Maligayang pagbabalik mahal na prinsesa." ngiti ngiti ang lahat habang nakatingin sa Prinsesa nila nakatingin sa lahat habang ang mga mata ay pulang pula.

December 31 2006 12:00 am

Isang iri ng magulang ang siyang paglabas ng lalaking anak.

Nakangiti ang ina nito habang maiyak iyak na nakatingin sa bata na ngayon ay iniluwal at ang ama nito na nakahawak sa kamay ng kanyang asawa habang naiiyak sa galak na nabuhay ang unang anak nito.

" Anong ipapangalan niyo sir?" tanong ng nurse na ngayon ay hawak hawak ang bata.

" Taiku. Taiku ang pangalan ng anak ko." sa pagbanggit ng pangalan ng ama ay siya namang pag iyak ng bata.

Sa pag banggit ng pangalan ng ama ay siya naman ang pagkagising muli ng natutulog na Nami sa loob ng isang dekada.

Sa pag banggit ng pangalan na siya naman ang pag iyak na nabibigong kasamahan ni Fracia.

" We Failed." sabi ni Homato habang tiningnan ang batang si Taiku.

" We Failed." Mahinang tugon ni Francia habang nakatingin kay Nami na ngayon ay inaayusan upang sa paghahari nito sa Gyue Clan.

Wakas.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forbidden Love (Completed)Where stories live. Discover now