Chapter 2_What... Hell??

142 8 1
                                    

"Anong g-gagawin niyo s-sakin? "

Nanginginig kong sabi.
Nakakatakot kasi yung mga mukha nila.

Yes! Tama ang iniisip niyo.
Nila.. So which means marami.. TATLO SILA!!

May dalawang faires kulay puti sila at sukat ng ruler yung tangkad nila and this guy na nasaharapan ko ay isang pusa.
I guess?
May ano kasi siya eh buntot, yung buhok niya may dalawang maliliit na bundok basta yung parang tenga ng mga pusa pero may tenga naman siya at yung mukha niya naman sa bawat pisnge may tig tatatlong linya basta ganun inshort mukha siyang pusa pero ang cute sobra niya.

" Masama ang tumitig Miss."
Walang ka emo emosyon niyang sabi, tiningnan niya naman ako ng masama.

Napatingin siya bigla sa kamay ko at yung dalawang faires.

"MASTER!" nabigla ako ng bigla akong yakapin ng dalawang maliliit na nilalang na ito.

Lumaki ang mga mata ko ng may malamig na humawak sa kamay ko
Pilit kung hinawi yung isang fairy na yumakap sa uluhan ko at natabig ko naman siya.

Sorry hihi.

Nakita kong tiningnan ng seryoso nung pusang lalaki ang kamay ko at binitawan niya.
Tumalikod naman siya at

" My business is done here, di ako papayag na isang ordinaryong tao ang maging master ko." Nakatalikod niyang sabi, kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Master?.. eh makikitulog nga lang ako at bukas pwede nakong umalis dito.
Anong pinagsasabi ng pusang ito.

" Hoy pusa! Anong pinagsasabi mo diyan. Makikitulog nga lang ako eh, nagpaalam nako sa matanda no! " Asik kung sabi sakanya.
Kung ano ano kasi ang pinagsasabi eh.
Lumingon siya sakin at binigyan ako ng malamig na tingin.
Napalunok naman ako dun.

" I have a name, wag mo akong tawaging pusa."
Naglakad naman siya papunta sakin ng di parin nawala yung malamig na tingin ng pusa nato sakin " Stupid may marka sa kamay mo at ang markang yan ang simbolo na ikaw na ang bagong god namin, get it? but sabi ko nga di ako papayag na ikaw ang bagong master ko." ngumiti siya sakin ng nang aasar at sinagi niya ang ilong ko gamit ang matutulis niyang kuko.

Pero ano ngang sabi niya, may marka sa kamay ko?
Tiningnan ko naman yung kamay ko at tama nga siya.
May marka nga, kulay itim at nagliliwanag pa ito.

Naalala ko nung hinalikan ng matanda ang kamay ko?

Sh-t yun na ba yun, yun ang dahilan kung ba't ako na daw ang bagong master dito.
Sh-t uli, eh di ko nga alam ito eh. Sabi ko lang pwede bang makitulog at ito na agad?

Nako! Problema ito, di ito pwedeng mangyari.
Gago ba siya, eh di rin naman ako papayag noh, kung ayaw niya mas ayaw ko.

Tiningnan ko naman kung nandun pa ba yung pusang iyon, wala na siya
Thank god.

" Master! " Nagulantang naman ako sa sigaw ng dalawang nilalang na ito.

" Di niyo ako master, makikitulog lang ako dito at bukas na bukas din aalis na ako."
Bigla namang nagbago yung ekspresyon nila, parang iiyak na.

" Master iiwan mo din kami?" Umiyak na sila ng lubusan.

" Uyy.. Wag kayong umiyak At ano bang master master ang sinasabi niyo, di ko kayo maintindihan." Tumingin naman sakin yung lalaking fairy

" Ikaw na po ang bagong master namin, ipinasa sayo ni master Micko ang Marka. Ang markang ito ay nakapagpapatunay na ikaw na ang bagong master namin o land god ng lugar na ito." Napanganga naman ako sa sabi ng isang maliit na ito.

Land god? What the?

" At Master kayo na po ang bahala na magpoprotikta sa bahay na ito tutulungan ka namin ni shinte at ni Taiku na----

Natigilan yung lalaking fairy ng di niya nakita yung pusang iyon.

" Shinte, nasan si Taiku?" bulong niya dun kay Shinte, rinig ko naman.

Taiku pala ang ngalan nung pusang iyon, naks!

" Baka bumalik na yun sa mundo niya."
Kumunot naman ang noo ko?

Mundo niya?

Anong ibig sabihin nila? May ibang mundo yung pusa na iyon?

" Ehem..." Tikhim ko

" sorry master, ano kasi.. "

Napakamot yung lalaking fairy.

" Si Lord Taiku kasi Master, di siya pwedeng mawala dito, kailangan natin siya para mabantayan tayo lalo na po ikaw master."
Kumunot lalo ang noo ko
Protektahan ako? Kaya ko ang sarili ko di ko siya kailangan.

" I can manage myself, di ko siya kailangan." matigas na sabi ko, totoo naman kasi.
Mokong na yun, paimportansya.

" Di po pwede iyon master, maraming nangangailangan ng familiar at ng mapapangasawa nila master at sa mundo natin marami sila, maraming nangangailangan ng isang tulad mo at isa pa maraming nangangailangan ng dugo mo para tuluyan silang lumakas at mamuno sa mortal na mundo, pati na rin sa atin."

Loading
Processing
Processing
. 5%
1%
54%
100%
Completed

What the? Mamamatay ako!
Tiningnan ko naman yung Shinte kung seryoso ba siya.

Seryoso naman ito. Anong mundo ang pinasukan ko?!

" Ano palang pangalan mo?" Yun lang ang lumabas sa bibig ko, di ko pa kasi alam ang ngalan ng lumilipad na lalaking ito.

" Shentu po ang ngalan ko master, sainyo po? "

Napaisip ako, ibang iba ang ugali ng mga to sa pusang yun.
Ang gagalang at mababait
Eh yun walang modo at basta ayaw ko sakanya.

" Cniara Nami." Maikli kung sabi

" Pwede na bang matulog? "
Inaantok kung tanong, baka bawal kasi. Who knows diba?

Inihatid naman nila ako sa pwede kung tulugan.

" Okay na po ba kayo dito Nami? " Himala di na ako tinawag na master, buti lang di kasi ako komportable pag tinatawag na ganun
Tumango lang ako, lumabas na naman sila.

May nakita akong banig, unan tsaka kumot, inilapag ko yung banig tsaka humiga.

Di ako makapaniwala sa gabing ito,
Ang bilis ng pangyayari.
Sa isang iglap Master na ako
At may dalawang lumilipad na si Shinte at si Shintu,
At isang pusa na si Taiku.

Gusto kung isipin na panaginip lang to pero kahit ilang kurot at sampal na ginawa ko sa sarili ko,
Alam ko totoo ito at hindi ito panaginip.

What the hell?

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon