Chapter 25 It is to late?

79 5 0
                                    

Nagulat ako sa sinabi ng matandang ito.
Magkapatid sila? Imposible.
Sa itsura palang at katandaan ibang iba na eh, paano nangyari yon?

" Wala akong kapatid na gaya mo" controladong sabi ni Taiku pero may tigas ang pagkakasabi niya doon.

" Nga naman Hahaha" tumawa lang yung matanda at hinawakan ako sa braso.

" Let me take this Girl, Ciao!"

3RD PERSON P.O.V

" Let me take this girl, Ciao!"
at bigla nalang nawala si Nami kasama ang matanda na nagngangalan na Antonio.

" Shit!" mura ni Taiku at biglang nawala sa lugar na pinanggalingan nila.

Sa kabilang bahagi naman. Nakapikit ang mata ng dalaga na si Nami habang dinadala siya patungong mansyon ng Quetios ni Antonio.

" Mahal na Hari andito na ang matagal niyong hinahanap na anak."

QUETIOS MANSION

" Mahal na Hari andito na ang matagal niyong hinahanap na anak." nakatingin ang hari sa isang natutulog na dalagang babae habang pasan pasan ito.
Ngumiti naman ang hari at nabuhayan.

" Dalhin niyo siya sa kwarto niya, siguraduhin niyong di makakatakas yan."
Matapos sabihin iyon ng Hari, dinala naman ng kanyang mga kawal ang dalaga sa kwarto at saktong dumating ang matanda na nag ngangalan na Antonio dala dala ang nakapasa na si Nami.

" Ama dala dala ko na ang matagal na nating hinahanap." habang sinasabi iyon ni Antonio ngumisi siya at binalingan ng tingin ang Hari na nakangisi din.

" Magaling Antonio! May pakinabang ka pala sa pamilyang ito!" Napayuko si Antonio habang sinasabi iyon ng ama niya.
" Tutal dumating na ang dalawa uumpisahan na ang orasyon mamayang gabi." ngisi ng Hari at sininyasan si Antonio na dalhin papunta si Nami palapit sakanya.

Ng mailapit na ni Antonio si Nami sa hari agad ng hinaplos ng hari ang mukha ni Nami.

Kailangan ka na namin ngayon Cnaira. Ibalik mo na sa dati ang kaharian natin.

Pakiusap ng utak niya.

NAMI'S POV

" Ugh..Aray." sambit ko ng nakapikit habang hinihilot ang sentido ng ulo ko.

Unti unti kong dinilat ang mata ko at nagtaka ako ng hindi pamilyar ang lugar kung nasan ako ngayon.
Nasan ako?

" hmmmnn.." nabigla ako ng may umungol kaya tiningnan ko iyon at isang babae??
Bakit may babae dito at di ko pa kilala? Nasan ba kasi ako at bakit nasa magarbong higaan ako kasama ang di ko kilalang babae?

Pilit kong inaalala yung nangyari before this but hindi ko talaga matandaan ang nangyari at where the hell is Taiku?

" Sino ka?!" napatingin ako doon sa babae na nakaupo habang nakatutok ang isang kamay niya sakin.

" N-nami." nautal ako nung sinabi ko yun dahil parang papatayin niya na ako sa tingin eh.

" Nami?! Sino kaba? at anong ginagawa natin dito?!" matigas niyang sabi at dahan dahang lumakad papunta sakin.

" D-di ko alam. N-nagising nalang ako na nandito at k-kasama ka." paliwanag ko at umabante.

Lunok.

Nakakatakot yung itsura niya, anytime pwede na niya akong patayin sa tingin lang niya.

" Di ako naniniwala! Anong ginagawa ko dito?" at kinuha niya yung vase na nasa gilid ng kama at unti unting lumapit na naman sakin.

Forbidden Love (Completed)Where stories live. Discover now