Chapter 28

27 3 0
                                    

Kung gaano kabilis ang panahon na ipinapakita ni Taiku na importante ako sakanya ay ganun din kabilis ang panahon na palagi na siyang umaalis at minsan dalawang araw na bago bumalik ng kubo at magkulong sa kwarto niya na para bang hindi ako mag eexist.

Aalis siya minsan ng walang paalam at babalik naman na magkukulong sa kwarto at  pag gusto kong makausap, sinasabing pagod daw sya at matutulog muna.

Minsan naman, andito nga siya sa kubo pero hindi naman nagsasalita o kung kakausapin mo, hindi masyadong tumutugon.

Naalala ko pa nung bumalik kami sa galimg sa falls okay pa naman sya hanggang sa dumating ang bukas at umalis siya ng walang paalam at nung bumalik naman siya, sinabing matutulog nalang muna daw siya dahil may importanteng pagpupulong magaganap pagka sunod araw kaya hinayaan ko na hanggang ngayon ganyan siya, hindi masyadong nagsasalita at ang cold pa.

Iniintindi ko nalang baka may problema at hihintayin ko lang kung kaya niya ng sabihin sakin, ayaw ko namang makialam kahit kating-kati na ang dila ko na malaman kung napano ba siya these past few weeks.

" Nami." tawag niya sabay katok sa kwarto ko. Dali dali naman akong nag ayos at binuksan ang pintuan ng kwarto ko.

Nginitian ko siya pero poker face lang ang natanggap ko pero hindi ko pa rin binubura yung ngiti sa labi ko kahit nasaktan ako ng slight.

Joke, hindi talaga slight. Nasaktan talaga ako ng todo. Ganyan kasi siya, hindi na ngumiti at palagi nalang poker face.

" Bakit?" sabi ko ng nakangiti pa rin.

" Aalis ako. Paalala ko, wag na wag kang pumasok sa kwarto ko." sabi niya na seryoso akong tinitingnan at pagkatapos ay tumalikod na.

Bago pa siya makaalis ay niyakap ko siya sa likuran at ito na namang traydor na luhang nagbabadya sa mata ko, pahulog na ng pahulog hanggang sa pumatak na nga.

" Isang buwan ka ng ganyan. Ayos ka lang ba? Ayos lang naman tayo diba?"

Napansin ko namang nanigas siya ng ilang segundo pero ng nakabawi siya ay humarap ito sakin at hinalikan ang noo ko.

" Hintayin mo uli ako." at doon ngumiti siya sa loob ng isang buwan at unti unti na namang naglaho.

Nalungkot ako syempre pero sa sinabi niya, wala naman pala akong dapat ikabahala kasi sabi nga niya babalik siya, babalik uli siya. Hindi niya ako iiwan dito.

" Shinte..Shintu..?" tawag ko sa dalawang espiritung taga bantay ng kubo na ito.

Lumabas naman ang dalawa at makikita mo sa mata nila na malungkot sila, ang lungkot ng mga mata nila at sa mga oras na ito ay babagsak na ang luha dahil nagbabadya na ito sa kanilang mga mata.

" Master naniniwala ka ba?" nagtaka naman ako sa sinabi ni shinte pero kinabahan ako pagkaraan ng ilang minuto ng marealize ko ang tanong niya.

Dali-dali naman akong lumabas at tumakbo.

Lakad
Takbo
Lakad
Takbo

Pa linga linga ako at hindi ko namalayang tumutulo na pala ang liha saking mga mata.

" Taiku nasan ka?!" sigaw kong paulit ulit na kahit mapaos man ang aking tinig ay di ako magsasawang isigaw ang pangalan niya at ang paghahanap sakanya.

" Taiku!" sigaw ko pa rin. Kahit na ang hirap na sa dibdib dahil sa lakad takbo na ginawa ko at isinisigaw pa ang pangalan niya.

" Taiku! Alam kong nandito ka lang! Please magpakita ka!" iyak kong sigaw at lumuhod na dahil sa sakit ng paa at sa sakit na nararamdaman mg puso ko ngayon.

" Please naman Taiku! Wag kang magbiro mg ganyan!" tumayo ako sa pagkakaluhod at tumakbo papunta sa paboritong tambayan niya pero maski doon wala siya.

Forbidden Love (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang