Chapter 29

34 4 0
                                    

Nami's Point Of View

Tumayo ako sa pagkakaiyak at pinagpag ang nadumihan na sout kong pajama.

Pinahidan ko ang luha at bumalik ng kubo. Umupo muna ako at inilihig ang ulo ko sa kahoy.

Pumikit ako at inaalala ang mga panahon na magkasama kami.

Ang pagsusungit niya, ang ngisi niya, ang ngiti, ang pag kunot-noo, ang seryoso niyang mukha, ang pagbabatok niya, ang naasar na mukha at ang mukha na kung tingnan ako ay may pagmamahal.

Mababalik paba iyon Taiku? Saan kaba kasi pupunta at matatagalan ka?

Babalik ka naman diba? Sabi mo maghihintay lang ako na bumalik ka, panghahawakan ko iyan dahil ikaw na mismo ang nagsabi at makikita ko sa ngiti mo na babalik ka.

Alam ko babalik ka sa akin.

Napamulat ako ng maalala ko si Shinte at Shintu. Pumasok ako sa kubo pero wala sila doon, tiningnan ko sa kwarto ko pero wala sila doon. Titingnan ko sana ang kwarto ng maalala ko ang pabilin sakin ni Taiku.

Aalis ako. Paalala ko, wag na wag kang pumasok sa kwarto ko.

Iyan ang huling bilin niya na hinding hindi ko babaliin dahil sa bilin na iyan, alam kong babalik pa siya.

" Shinte! Shintu!" tawag ko pero walang maiingay na faires ang lumabas o walang Nami na tumatawag habang umiiyak kaya naman tumulo na naman ang luha ko dahil sila, iniwan na din ako.

Bumalik ako sa labas mg kubo at umupo. Tiningnan ko ang ulap ngayon, kabaliktaran ng nararamdaman ko.

Masaya itong nakaposisyon sa langit at ang araw, masaya itong nakatingin sa boung mundo.

Napangiti nalang ako ng mapait.

Hindi naman kasi sa lahat ng oras, makikiramdam ang paligid mo.

Araw araw naghihintay ako at puro nalang prutas ang kinakain ko at iniimnan ng tubig. Minsan gutom na gutom na ako na gusto kong kumain ng masasarap na pagkain pero wapamg stock dito. Kumukuha lang ako mg prutas sa labas para naman sa paghihintay ko sakanya ay hindi ko siya mabigo dahil buhay pa ako.

Hanggang sa isang araw sa paglalakad ko sa gubat ay may nakasalubong ako na isang baboy ramo. Nakita ako nito kaya naman hinabol ako nito, buti nalang may puno at nakaakyat din ako agad.

Ilang oras din ako doon hanggang sa parang tinatamad na ito at gutom kaya naman umalis na ang baboy ramo. Dali dali naman akong bumalik ng kubo at isinara iyon.
Saktong pagsara ko ay nasira ang hawakanan kaya naman inayos ko muna.

Gabi gabi akong umiiyak at namimiss ka. Hinihintay kita dahil alam kong babalik ka Taiku.

Apat na buwan ang lumipas at iaang araw, iinom sana ako ng tubig dahil kakamulat ko lang pero may nakita akong pagkain doon. Mainit init pa iyon kaya naman dali dali akong lumabas at hinanap ka.

Sinigaw ko ang pangalan mo pero hindi ka nagpakita pero alam kong nandyan ka lang nakatingin sa akin.

Bakit ba ayaw mong magpakita? Ang palagi ka nalang nagtatago? Miss na miss na kita. Pakita ka naman oh.

Bumalik ako sa hapag kainan at kinain iyon, hindi man iyon kasing sarap ng luto mo pero alam kong ikaw ang may gawa nun.

Alam konnlg nandyan ka lang at pinagmamasdam ako pero bakit ayaw mong magpakita.

Hanggang sa araw araw nalang na may pagkain sa hapag kainan ko at alam kong malapit ka ng bumalik.

Ikaw naman ang may gawa ng lutong pagkain na iyon diba?

Araw araw mo naman akong nilulutuan diba para hindi ako magutom?

Kaya imbis na malungkot ay hindi ko iyon nagawa dahil alam kong nandyan ka lang, hindi ako pinabayaan.

Hanggang umabot ng isang taon. Ang kubo pasira na pero tuwing umaga, makikita ko na naayos na ang nasira na parte na inaayos ko nung nakaraan.

Importante sa iyo ang kubo dahil inaayos mo ito diba at ayaw mong mabulok ito nang nasa loob pa ako diba Taiku?

Iyan ang pag asa na pinanghahawakan ko na hanggang ilang taon man akong maghintay sa iyo ay hindi ako mapapagod mahal ko.

Dalawang taon na, hindi parin nawawala ang maiinit na pagkain at ako ay tatakbo palabas na umaasang makikita kita pero bigo. Wala ka parin nagtatago at tinitingnan ang bawat kilos ko. Tinatawag pa rin kita pero wala, wala ka at hindi mo man lang nakikita ang sakit na nararamdaman ko.

Tatlong taon, napapagod na akong umiyak kaya kahit siguro patak nalang ay hindi na lumalabas sa mga mata ko.

Tatlong taon na mahal ko pero wala ka pa rin. Kelan ka ba magtatago para naman mapaghandaan ko ang pagbabalik mo?

Apat na taon at sa taon na ito ay unti unti ng nasisira ang kubo. Hinahanap ko rin ang dalawang tagapag bantay pero kahit anong tawag ko ay katulad mo wala silang imik at walang kibo.

Nawala rin sila na parang bula.

Limang taon na akong naghihintay pero wala ka parin.

Anim hanggamg naging pito hanggang naging sampo at ikaw pa rin ang mahal ko.

Ikaw pa rin ang hinahanap ko Taiku. Miss na miss na kita. Pakiusap mahal, bumalik kana.

Labing isang taon at lumalaki na ang mga bata sa bayan. Usap usapan na may multo dito sa kubo kaya kahit isa sa mga tao ay wala na akong nakikita. Hindi ko na rin alam ang itsura ko dahil tinapon ko ang salamin.

Natatakot ako baka pag tingin ko doon ay maalala ko na hindi kana babalik sa piling ko.

Labing dalawang taon hanggang sa naging labing siyam.

Sa isip ko, hindi ko na maalala na may hinihintay ako. Ang akin lang para ko na itong tahanan na hindi ko na malilisan pa.

Dalawpo
Dalawpo't isa
Dalawpo't dalawa
Dalawpo't tatlo

At may kumatok.

Hindi na ako makatayo dahil dalawang buwan na rin akong hindi kumakain dahil wala akong gana. Tanging tubig at prutas lang ang laman ng aking tiyan.

Kinakabahan ako sa kumatok pero hindi ko alam na parang sumaya ako.

Pamilyar sa akin ang emosyon na ito pero hindi ko maalala kung kelan ko ito nararamdaman.

Siya sana.

Siya? Tanong ng isip ko sa akin.

" Hindi ko alam." sagot ko sa sarili ko pero parang may emosyon na nagbabadya sakin ngayon na hindi ko malaman kung ano iyon.

Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko ngayon pero hindi ko matukoy kung ano iyon dahil matagal ko na itomg hindi nararamdaman. Matagal na akong uhaw dito na ngayon ay gusto kong maramdaman uli.

Bumukas ang pintuan at nakita ko ang isang babae na pamilyar sa akin.

Walang emosyon ang aking mukha dahil kahit ito ay hindi na alam kung ano ang ilalabas na emosyon pero ang mata ko. Alam kong may lumalabas na emosyon doon pero hindi ko alam kung ano.

Iba't ibang emosyon na naman na hindi ko na matukoy kung ano.

Bigla nalang umiyak ang babae na udyok sa mata ko na ito ay napaluha rin.

" Its been 24 years pero hindi pa rin siya bumabalik. Sa tingin mo babalik pa siya

Sue? "

Biglang lumabas sa bibig ko kahit hindi ko na alam kung sino ang hinihintay ko.

Nakalimutan na ata kita, paalam.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon