Chapter 8_ He's with me

62 9 1
                                    

' Nami I love you and you know that. I'm lucky to have you.'

' Ako ang naunang nagmahal sayo kaya Mas mahal kita Taiku'

' Remember this. I can't afford to lose you, Nami'

Nagising ako bigla sa panaginip na iyon.
What was that?
Bakit hanggang sa panaginip si Taiku pa rin.
at ang malala nag Eexchange Ilabyuhan pa kami.

Umiling nalang ako at inayos ang higaan ko.

Pagkatapos kung Ayusin iyon.
Lumabas na ako ng Kwarto.
Nakita ko naman siya, seryosong nagluluto at kasama niya ang dalawa.

Naalala ko na naman yung kahapon.
Di ako makapaniwala na mag sorry siya bigla at nakita koang soft side niya.
Nahihiya akong harapin siya sa totoo.

Tumalikod naman ako para pumuntang labas upang maligo na.

" NAAAMMMII!" napahinto ako sa sigaw ng dalawa.
Kakasabi ko nga diba na ayaw ko siyang makaharap pero wala na akong choice dahil sa dalawang ito.
Unti unti naman akong humarap sakanila at binigyan sila ng pekeng ngiti.

Tiningnan ko naman si Taiku.
Tumingin lang siya saglit sa akin at itinoun ulit ang mata niya sa niluto niya.

Napasimangot naman ako dahil doon.

" Sige Maliligo na muna ako." tumalikod ako at bilis bilis na naglakad palabas ng kubo.

Sht. Ano bang nangyayari sa akin? Ba't kinakabahan ako bigla ng nagtama kahit sandali yung mata namin.

" Whooooaaaaaaahhhh" hinga kung malalim. Pumikit ako at dinamdam ang hangin sa paligid ko.
" Whoooooaah kaya ko to!" at pagmulat ko ng mata ko. Bigla nalang lumaki ang mga mata ko.

" Tss. Nag totoothbrush ka ba?" kinagat ko naman ang labi ko sa sabi niya.

Bat ba kasi ang lapit ng mukha niya sakin at di ko man lang na feel yung presence niya.

Pero ano ngang sabi niya?
Kung nagtotoothbrush ba ako?
Oo naman noh, anong akala niya sakin Walang Proper Hygiene.

Sinimangutan ko naman siya at binangga ang braso niya.

Nilagay ko naman ang kamay ko sa bunganga ko at inamoy amoy ang hininga ko.
Di naman mabaho ah.

Pusang yun talaga baka may naamoy lang siya. Sisihin ba naman ang hininga ko.

" I'm just joking. Nami, Hindi jan ang paliguanan, sa likod." tiningnan ko naman yung pinaliguan ko kahapon. Wala na dun ang gripo at may bulaklak na nakatubo na doon.

Ano ba yan! Nilagay pa dun ih!

Kaya naman pumunta nakong likuran. Nakita ko naman ang bodega. Na curious tuloy ako, gusto kung pasukin ang bodigang ito pero pinagbabawalan naman akong nung tatlo.
Inilihis ko nalang yung paningin ko dun at nagmamadaling hinanap ang paliguan.

May nakita naman akong mga dingding na gawa sa kahoy.
Nilapitan ko iyon at
Ito nga.

Wow. Buti at naisip niyang lagyan ng dingding ang paliguan ko.

3rd PERSON P.O.V

Habang nag eenjoy ang dalaga sa tubig hindi niya alam na may nakamasid pala sakanyang Apat na pares ng kulay bughaw na mata.

" Shinee kailangan na natin siyang makuha. Magagalit ang ating Panginoon."

" Alam ko alam ko Temo pero hindi na muna sa ngayon, palaging naka bantay ang pusang iyon sa kanya. Mapapahamak tayo."

Aniya ng dalawa habang tinitiningnan parin ang dalaga na hubo't hubad.

Sa kabilang banda naman.
Andun si Taiku, pinapanoud ang dalawa. Rinig na rinig niya ang mga sinasabi ng dalawang maliliit na nilalang imbes na sugurin niya ito, ngumisi lang siya at sinabi ang mga katagang ito

" I wont let that happen. Kill me first bago niyo makuha si Nami'

NAMI's Point Of View

Nakabihis na ako at reading ready na para pumuntang school kaya nga lang hindi pa ako makaalis ng dahil kay Pusa,
Sabi kasi niya hintayin ko daw siya.
Ewan ko ba dun kung ba't nagpapahintay. Nagmamadali pa naman ako, kainis.

Bumukas naman ang pinto niya at lumabas siya.
O.o bat naka sout siya ng uniporme? Napatingin ako sa logo niya.
Mas lalong lumaki ang mata ko.
Saan niya nakuha ang uniporming iyan at bakit logo ng paaralan namin?

Wag mong sabihing...Papasok siya?
Tiningnan ko naman siya pa ulo hanggang paa.
Nawala na din yung puting buntot niya yung sa buhok niya at yung tatlong linya ng mukha niya.

Like the last time. Nawala din yung mala pusa niyang structure.

Paano niya nagawa ito?
At bakit papasok siya?
Dahil ba kay Sue, iyon? At ito labg ang paraan para magkita sila araw ar----

Aisst. Paki mo ba Nami.  Pabayaan mo na di mo naman hawak ang buhay niya. Like duhh, di mo naman siya ka ano ano.

Sabi ko sa sarili ko.

" Alam kong gwapo ako. There's no need to stare, Araw araw mo naman akong nakikita." at inunahan niya na ako sa paglalakad.
Namula naman ako sa sinabi niya, Namula sa Inis! Ang kapal niya huh! Porket mukhang tao siya ngayon Mayabang na siya!

" Tse muka mo! Di ka naman ka akit akit!" Inunahan ko na siya sa paglalakad.
Tss.

Naiinis talaga ako kanya, Lalong lalo na sa sarili ko, Grrrr!
Ang ganda ganda ng gisibg ko kanina, Sinira niya pa.

Ano ba kasing relasyon ang mayroon sa kanila.
Ay oo nga pala, Siguro nabighani silang dalawa sa isa't isa.
Bagay naman talaga sila eh.
Magaganda at Gwapo. Perfect na Per--

" Ang lalim ng Iniisip mo, what' s up ?" Napalundag ako ng bigla bigla nalang nagsalita itong katabi ko ngayon.

" Papatayin mo ba ako huh? Kita mong may iniisip ta's bigla ka nalang magsasalita jan.
Pag ako namatay sa gulat, nakoo!"
Talak ko sakanya.

" Hindi ka mamamatay. I won't let that happen." pinaharap niya ako sakanya at yumuko siua kaunti upang matignan ako " Understand?"

Napatango nalang ako dahil nagulat talaga ako sa sinabi niya.
Kahapon ganitong ganito rin siya.
Ano bang nakain ng lalaking ito? Nilalagnat ba siya o ano.

Bumalik ako sa realidad ng tawagin niya ang ngalan ko. "Hey! lets go, alam kong ayaw mong malate."

Napatakbo naman ako para maabutan siya.

Hindi ka mamamatay. I wont let that happen.

habang naglalakad kami bigla nalang pumasok sa isip ko ang kaninang sinabi niya.
Sht move on na Nami.
Alisin mo na sa Isip mo iyan. Nako naman.

Hindi ka mamamatay. I wont let that happen.

Utak na ito. Di maka move on.
Utak ka. Alisin mo na, Panira ka.

Bat ba kasi sinabi pa iyon eh, humugot pa! Sinabi ko lang naman na Baka mamatay ako at yun na agad ang sabi niya.

" NAAAMMIII" Napatingin naman ako sa harapan kung saan nanggagaling ang boses.

Si Sue. Tumingin siya sa akin at Sa katabi ko, Bigla naman siyang napangiti doon.
Lumapit siya sa pwesto namin.

Tumingin ako kay Taiku.
Tiningnan niya saglit ang nasa harapan ko which is Sue.
Kahit sandali lang iyon.

I can see na nagchange ang mood niya at ngumiti siya ng nakayuko.

Right now.
Andito nga ako pero parang wala.
He' s with me but I can sense that He's far.
My heart aches and I think I know the reason.

Forbidden Love (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora