Chapter 4_First

77 11 0
                                    

Andito ako ngayon sa kwarto ko nagmumukmok kasama ang dalawa at si pusa, di ko alam, wala akong paki sakanya. Naiinis pa rin ako sa nangyari kanina grr..

*tok*
*tok*

Bumukas naman yung pintuan at iniluwa dun si pusa.
Wow mahilig pala siyang kumatok *insert sarcasm tone here*
Tinaasan ko siya ng kilay, naalala ko na naman yung kanina, di ko pa siya pinapatawad.

" kain na." maikling sabi niya at tumalikod na.
Wow uli anong nasimhot ni pusa ngayon at parang mabait siya ah. Nakakapanibago ang mokong.

" Kain na Master, simula kanina ka pang umaga hindi kumakain." Nag-aalalang sabi sakin ni Shintu.
Bigla namang tumunog yung tiyan ko, parang ngayon lang ako dinalaw ng pagka gutom.
Tumayo naman ako at lalabas na sana ng kwarto nang may naaalala ako.

" kayo di ba kayo kakain?" Takang tanong ko.
Ngumiti lang naman sila sakin at nag umpisang mag salita.

" Nami, ang isang katulad namin ay hindi nagugutom, kaya wala lang dapat ipag alala. Okay lang kami." sabi ni Shinte.
Tumango lang ako at lumabas na ng tuluyan sa kwarto ko.
How I wish sana katulad nalang ako nila dahil walang gastos, di pa sila nagugutom.

Nakita ko si Taiku na nakaharap sa akin habang nakaupo naman siya sa may lapag at sa harapan niya meroong mga pagkain.
Parang masasarap yun ah.
Dali dali akong naglakad at umupo agad.
Tiningnan ko naman siya, walang ekspresyon ang makikita sa mukha niya pero take note nalatingin siya sakin.
Tinaasan ko naman siya ng kilay.

" Staring is rude." sabi ko at kinuha ang kutsara at tinidor.
Nagsimula nakong kumain,
Isa lang ang masasabi ko, MASARAP.
May itinatagong kakayahan sa pagluto pala si Pusa.

" Ilang araw ka na bang di nakakain?" naka kunoot noo niyang tanong.
Tiningnan ko naman siya ng masama. Alam ba niyang bawal akong magsalita kasi puno ang bibig ko, parang nagets niya naman yung ibig kung sabihin kaya balik uli siya sa pagtitig sakin.
Tumitig din ako sakanya ng nawewerduhan.

Di kaya...
Oh em ji! Sht ang ganda ko talaga!

Nnginitian ko siya at tiningnan ko siya na para bang nang aakit.
Uminom muna ako ng tubig bago magsalita.

"Hoy pusa! umamin ka nga. Nabihag ka na ba sa isang magandang katulad ko huh? Nako sorry ka nalang wala kang pag asa sa isang Naming katulad ko, tandaan mo iyan."

Nag taas baa ang kilay ko at tiningnan siya sa mata ng diretso.

Napaubo naman siya sa sinabi ko.

" Kapal mo din eh noh? Hinding hindi iyon mangyayari, bawal ang ordinaryong tao sa tulad namin at hindi iyon mangyayari."
Umiling nalang ako at nagsimula uling kumain,
Okay. Tingnan natin Taiku, Ipapakain ko sayo ang sinabi mo ngayon balang araw. Haha

*Dhtoogssshhh*
Rinig kung ingay sa labas
Dali dali naman kaming pumunta doon ni Taiku.
Pagkarating namin dun
Naabutan namin ang isang nakakatakot na nilalang.
Napalaki naman ang mata ko.

Anong klaseng halimaw to? Ang laki at maitim kay red naman yung mata niya!

Bigla nalang sumugod si Kairu dun sa halimaw na iyon at binutasan ang puso ng halimaw na iyon.
Mas lalo akong nagulat ng may biglang yumakap sa may paahan ko.

Pag tingin ko ang dalawa pang pala, takot na takot.
Tiningnan ko uli si Taiku.
Nanghihina siya, pinuntahan ko naman siya at yinugyog.

" Hoy pusa, okay ka lag? " imbis na sagutin niya ako, tiningnan niya lang ang pulso ko, napatingin dim ako sa pulso ko, anong problema sa pulso ko?

" I need your blood Nami." nagulat naman ako sa sinabi niya
Ano nga? Kailangan niya ang dugo ko? No way.
Tiningnan ko naman yung dalawang nasa likod ko.
Bakas ang pag-alala nila kay Taiku
Nag dadalawang isip pa ko kung dapat ko bang ipainom sa kanya pero ayaw ko talaga.

May bumulong naman sa tenga ko I guess si Shintu ito.

" 19 years nang nakalipas ng hindi siya nakakakita ng dugo at nakakainom kaya ngayon naninibago siya at kailangan niya ang dugo mo para maging okay na siya."
Nagulat ako sa sinabi niya.
19 years ang tagal na nun.
Pero bat ba kasi kailangan pa ng dugo ko hays.
Tiningnan ko naman si pusa na nanghihina dahil sa dugo.
Naalala ko bigla nung kaninang umaga nung pinatay niya yung nasa likuran ko at ngayon na nagluluto siya para sakin.

Ibinigay ko sakanya ang pulso ko, sa pulso daw dapat eh hindi sa leeg.

Nag half smile naman siya
Lumapit siya sakin at mas ikinagulat ko ang sunod niyang ginawa.
What the heck?! Wala sa usapan ang halikan niya ako sa labi, kingina.

Bigla kung naramdaman yung matulis na pangil sa balat ko at kinagat ko naman ang lips ko nang naramdaman ko ang sakit at ang pagsipsip niya sa dugo ko.

Ako na naman ang nanghihina,
Hanggang ngayon kasi di pa rin siya tumitigil.
Napapikit ako ng nararamdaman kung umiikot ang paligid.

Please Taiku Stop. Di ko na kaya.

Napahiga ako ng tuluyan pero hindi ako nawalan ng malay at dun naman humiwalay ang labi ni Taiku sa may pulsuhan ko.
Gusto kung tingnan ang pulsuhan ko pero natatakot ako nako baka di ko pa kayanin ang itsura noh.

" Nami sorry naparami ata ako ng dugo mo."
At binuhat niya ako, malakas na ata siya kita kasi sa mukha niya.
Tiningnan ko naman ang mga mata niya, makikita mong nag aalala siya.

Narinig ko namang inutusan niya ang dalawa na ilapag ang banig at sinunod naman nila.
Dahan dahan niya akong pinahiga dun at umupo naman siya may tabi ko.

" Gawin mo na Lord Taiku, naaawa ako kay Master nanghihina siya, di ko siya kayang tingnan na ganyan"
Narinig ko ang boses ni shintu, so nag alala siya sakin.
Gusto ko sanang tingnan siya pero di ko kayang iliko ang ulo ko sa sobrang panghihina.

" Paano pag ayaw niya? Baka pag lumakas na yan sasapakin niya ako, mabuti nang ganyan siya, manunumbalik naman ang lakas niya eh, kaya niya yan!"
Napintig ang tenga ko sa narinig, aba putcha siya, siya na nga ang tinulungan ko, siya na nga ang pina inom ko sa dugo ko siya pa ang pa relax relax at parang walang paki alam.
Nakakainit ng dugo putcha!!!

Ang sarap niyang sakalin, sipain, sapakin.

" Lord Taiku di ka ba naaawa kay Nami, siya ang tumulong sa iyo kanina." sabi naman si Shinte sakanya ngayon nakita ko sa gilid ng mata ko na humarap siya sakin.

"Masakit ito pero mabilis lang at para rin di ka na manghina sa susunod."
Anong susunod? Aba ang kapal niya. Di ko na siya painumin ng dugo ko!

Tinagilid niya ang katawan ko at naramdaman ko nalang ang hininga niya sa batok ko at isang masakit na naman ang nararamdaman ko
At di ko na alam ang susunod na nagyari.

Forbidden Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon