Chapter 3_ Master

96 10 1
                                    


" oh? ba't ka bumalik?" Tanong ko ngayon sa kaharap ko. Tiningnan ko siya ng nakataas ang kilay, sinamaan naman niya ako ng tingin.

" Bakit? bahay mo ba 'to?" naka crossed arm siya habang sinasabi ang mga kataga na iyon. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

" Ba't sinabi mong tapos na ang trabaho mo dito? may pa ' my business is done here' ka pa tas babalik lang din pala."

Nanghihinayang na sabi ko, pinapalabas ko na ayaw ko na andito siya , makapal na kung makapal. Sarap kasing asarin.

Bigla namang sumama ang timpla ng mukha niya.

" what the fuck?! Ako na nga ang nagpatulog saiyo dito kagabi tapos yan ang sasabihin mo?" galit niyang sigaw sakin. Napataas naman ang kilay ko.

" I like you parehas tayo makakapal ang mukha. HOY! F.Y.I ang kapal din naman ng gilagid mo, aba! Hindi ikaw ang nagpatulog sakin dito, sa pagkakaalam ko ako na ang master ngayon." Naka taas noo kung sabi sakanya, mas lalong naging iba ang aura niya.
May inilabas naman siyang apoy na kulay orange at may halong itim.
Napalunok naman ako at bigla bigla niyang hinagas papunta sa direksyon ko, lumaki naman ang mga mata ko at di ako maka alis sa kinatatayuan ko. Napapikit nalang ako.

Patawad sa lahat ng aking kasalanan panginoon
Good bye wor---

" NAAMMI okay ka lang? " Napadilat naman ako sa narinig ko galing sa dalawang lumilipad.

Sht bat di pa ako patay?

" Nami, muntikan na yun buti nalang at natapunan ng apoy ni Lord Taiku." sabi sakin ni Shintu.
Itinuro naman ni Shinte yung sa may likuran ko, tiningnan ko naman iyon.

Ano yan? Isang nakahiga na tao? Ewan ko. Tao ba yan.
May matutulis na tenga at panga at yung mata nakamulat pero patay na ito, kulay puti ang mga mata nito at matanda na ito, matutukoy kasi sa balat nito na kulubot.

Creepy

Napatingin naman ako dun kay Taiku, Nagsmirk lang siya at pumasok sa bahay na parang kubo na ito.

" Lord Taiku, Tatanggapin niyo na ba ang maging familiar kay Nami?" tanong ni Shinte.
Tumingin naman sakin yung Taiku at tinaasan ako ng kilay para bang inoobserbahan niya ang katawan ko.

" No choice at kailangan ko rin siya." napakunot ang noo ko sa sinabi niya
Kailangan? Anong ibig niyang sabihin, may gagawin ba siyang masama sa akin?

Tiningnan ko naman yung dalawang lumilipad, ngumiti sila sakin ng nahihiya.

" Nakalimutan natin sabihin Shinte." kinakabahang sabi ni shintu.
May iba pa ba akong task na maging master?
At nung sinabi ni Taiku kanina
Na kailangan niya ako?
Kinabahan ako bigla, parang masama kasi.

" You'll feed me, feed me your blood. " at unti unti namang lumapit si Taiku sa akin.
Ano nga? Paiinumin ko siya ng dugo ko? What the hell!
Nagbibiro ba siya?

" You're not a vampire,  you're a cat at wag mo nga akong pinagloloko, masasapak kita pusa ka." banta ko sakanya.
Ngumiti naman siya habang papalapit parin sakin.
Atras naman ako ng atras
Tiningnan ko yung si Shintu at Shinte tumango sila ng sabay.
Bumalik naman ang tingin ko sa pusang papalapit pa rin sakin.

" Alam mo bang matagal nakong di naka tikim ng dugo, its been 19 years at ngayon na uli ako makakatikim ng dugo."

Seryoso niyang sabi at kita sa mata niya ang pagka uhaw,
Napalunok naman ako.

" Master mo pa rin ako! At ako ang masusunod! " Matigas na sabi ko kahit sa loob looban ko para nakong mahimatay sa kaba.
Ngumiti uli siya.

" You look scared, akala ko ba matapang ka?" at binigyan niya ako ng mapaglarong ngiti.
Mas kinilabutan ako sa ngiti niyang mga yun.
Lumapit pa siya sakin at umatras naman ako.
Aatras na sana muli ako ng matigas na bagay nalang yung nasa likuran ko.

Tiningnan naman ko yung dalawa, wala silang imik.

Tumingin ako kay Taiku, di pa rin nawala yung mapaglaro niyang ngiti.

Gusto kung magsalita pero ayaw maglabasan ng boses ko, tuyo na ang lalamunan ko.

" Patayin nalang kaya kita?" Inosinte niyang sabi habang parang batang nag iisip .
Naiinis ako sa mukha niya litse,
Gwapo nga wala namang galang. Tiningnan ko siya ng masama " Ano, papatayin ba kita?" Nakangiti niyang sabi.
Tahimik pa rin ako,  ayokong magsalita kasi ayoko
Naawa ako sa sarili ko.
Aish! Bat ba kasi nangyari pa tong kababalaghan na ito, tsk.
" Tsk. " Umalis na siya sa pagkokorner sakin at pumasok dun sa may isang kwarto.
Lumapit naman sakin yung dalawa at kinaladkad ako papunta sa kwarto ko.

" Master sorry, kung di ka namin na tulungan sa pananakot ni Lord Taiku kanina." Naluluhang sabi ni shintu, niyakap naman niya ko sa tiyan at si Shinte niyakap ang paahan ko.

" Explain everything." nanginginig pa rin ako hanggang ngayon.
Umupo naman ako sa may sahig.

" Nami Si Lord taiku ay isang pusang tao. Kailangan niya ng dugo mula sa master/God niya para hindi siya mamatay pero okay lang naman yung mga dugo ng hayop ang iinumin niya pero di sapat ang dugo ng mga hayop para mapawi ang uhaw niya kaya dapat sa master/god siya kukuha ng dugo para inumin iyon.
Hindi lang bampira ang umiinom ng dugo pati na rin ang mga Lord sa bawat Suenko."

"Suenko? Ano yu? "

" Ang tawag sa kubong bahay na ito. Marami kayo, kami at ang katulad ni Taiku pero ikaw lang ang naiiba, Tao ka kasi." So ako lang ang naiiba?
Bakit ba kasi yung Micko na yun saakin pa ibinigay ang marka na ito, eh ako lang pala ang tao eh, bwisit!

Pagkatapos nilang ipaliwanag sa akin, lumabas ako para magpahangin.
Pumasok ako sa may gubat, naghahanap ng punong maaakyatan
May nakita naman akong magandang puno, tumakbo ako papunta dun at umakyat.
Umupo na ako at nagpahinga.

Iniisip ko pa rin yung nangyayari kanina at nung sinabi ng dalawa
Napaisip naman ako.
Diba kailangan niya ng dugo at ako lang ang magpapapawi ng uhaw niy so nasa akin pa rin ang desisyon kung paiinumin ko ba siya. Napatawa ako .
Nasa akin pa rin ang huling halakhak,
Maghanda ka Pusa ka papahirapan kita!

May narinig akong kaluskos
Inilibot ko naman ang pag
tingin ko at napalaki ang mata ko ng may nakita akong babae na nakatalikod sakin at sinipsip ang dugo ng hayop na nakuha niya
Sht mapanganib pala dito
Dali dali akong nagtago sa malaking sanga, halos di na ako huminga.

" hmmn.. Ang sarap ng amoy na ito." nabigla ako ng nagsalita siya, narinig ko ang ingay na dahon na natatapakan niya.
Papunta siya dito kasi papalakas kasi yung mga ingay
Napalunok na ako.

Sht ayaw ko pang mamatay.

" Hoy Nita alis na tayo, andito yung pusa baka patayin tayo." may narinig pa akong isang boses.
Yan! Umalis na kayo, ayaw ko pang mamatay.

" Saglit, may naamoy akong dugo ng god!" narinig ko ang boses niya sa ilalim ng puno.
Sht sana di ako makita.

" bahala ka, ayoko pang mamatay, una na ako." sabi ng babaeng boses yung nagsalita kanina.
Hoy ate! Kumbinsihin mo ang kasama mo ayoko pang mamatay
Umalis na kayo!

" Sige na nga, litseng pusa yan!" At dali dali siyang tumakbo.
Tiningnan ko kasi siya ng makalayo na siya.

Sht malapit na yun ah, nako
Pero ano ngang sabi nila, Pusa? Naisip ko bigla si taiku, siya ba ang pinag uusapan nila.

"HOOOY!"

" AAAAHHHHHH" tili ko sa gulat at dahil na rin nahuhulog ako.

"AAAAAHHHH SALUHIN MO AKOO"

*booogsshh*

"Aray! " Napapikit ako sa sakit ng likuran ko, masakit ang likod koooo!

" Anong ginagawa mo dito? " Boses palang alam ko na kyng sino, minulat ko naman ang mga mata ko at tiningnan siya ng masama, di tala gentlemen tong ungas nato di man lang ako tinulungang tumayo!

" WALA KANG PAKI! " Tumalikod na ako at naglakad ng mabilis.

" Tsk. Pasalamat ka nga tinulungan kita" rinig kung sabi niya, di ko nalang pinansin.
Duh! Anong pinagsasabi niya?
Tinulungan ako? Saang parte dun, kapal talaga nun, MAKAPAL! NAKAKAINIS!

Bat kasi ako pa ang napili, kainis!

Master my ass!

Forbidden Love (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt