Prologue:

332 14 2
                                    

Islang malayo sa bayan. Kailangan pang sumakay ng yate o bangka bago makarating dito. Ang islang pinagmamay-ari ng pamilyang O'brien, isang private Island na may makikitang malaking mansion. Kung ang iba ay ninanais magbakasyon sa ganitong isla dahil sa tahimik, preskong hangin, magandang tanawin at maputi ang mga buhangin. Pwes, siya hindi. Sa tagal niya nang ninanais na umalis sa isla ngayon ay marahil matutupad na.

Dali-dali niyang ine-empake ang mga gamit niya. At nag-iwan ng note sa kama and then rushed herself off.
Tinulungan siya ng isang lalake na pinadala ni Mang Nicolas para dalhin ang mga gamit niya sa bangka at hinihintayin sila doon ni Mang Nicolas sa bangka.

Dali-dali silang umalis sa mansyon dala ang mga gamit niya at binukas ang gate. Nang maka-abot sila sa dalampasigan isang malakas na hangin ang sumalubong sa kanila. Napahawak siya sa kanyang mahabang buhok na sumasabay sa ihip ng hangin at sumilip sa mansion sa huling pagkakataon at tuluyan ng sumakay sa bangka at inalalayan naman siya ni Mang Nicolas sa pagsakay at pagkuha ng mga gamit nito at umalis na sila.


Habang nasa biyahe ay napayuko siya at napansin ito ni Mang Nicolas.
"iha? Ayos ka lang?"

Napatingala siya kay Mang Nicolas na ngayo'y nasa harapan niya . She nodded as a sign saying that she's okay.
she decided to run away from them

Now she's running away from home with the help of her former butler. He knows everything. She wants freedom!  Yes, they give things what she needs and what she wants but they don't want her to do what she always wants, they'll just put it aside as her selfishness. She wants to live as if no one controls her but herself only and enjoy her youth. So she decided to run away from them.


Nag-iwan naman siya ng sulat para hindi sila mag-alala.

She'd been locked up for 10 years in that mansion ever since she was 9 yrs old for some reason. Kaya hindi na siya nakapagpunta sa eskwela o makita manlang ang lugar na ito. May private tutor siya na halos araw araw nagtuturo sa kanya at advance lesson ang binibigay sa kanya at minsan pumapasok ito sa online school.

In ten years wala siyang ibang naging kasama kundi ang mga hayop na nakikita niya sa gubat at sa mansion nila, mga puno, bulaklak, halaman at mga libro sa library nila at ang mga kasapi sa mansion. Iniisip niya rin kung anong itsura sa labas, hindi niya na kase naalala ang itsura ng siyudad dahil bata pa siya noong panahong iyon. Dahil sa trabaho palaging wala ang ama niya at bihira lang umuuwi ang kanyang nakakatandang kapatid na lalake na nasa abroad kaya she took the chance to run away.

Nilanghap niya ang simoy ng hangin. Matagal tagal narin siyang hindi naka amoy ng ganitong hangin. 10 years na pagkulong niya ay 4 na beses lang siyang naka labas sa mansyong 'yon pero sa abroad, sakay ang private plane nila.

Pinapakita naman sa kanya ni Alex ang guro niya tungkol sa bagay na makikita niya sa labas para hindi na ito magmukhang ignorante at sinasabi rin kung anong mga gagawin kung nakasakay o naka punta sa ganito..ganito pero hindi niya pa napuntahan.

Sinadyang niyang umalis bago ang pasukan para makaregister sa PJ High  Academy. Sa tulong ng dati niyang butler si Mang Nicolas. Paaralan na kung saan pwede niyang itago ang totoo niyang pangalan at sa tulad niyang hindi pa nag highschool basta't mataas ang IQ at sense of humor at syempre na tulad niyang matalino pwede kang kunin bilang scholar student. Sa isang taon isa o dalawa lang ang makakapasok o makakapasa sa exam sa eskwelahan na ito ng libre pero daan-daan naman ang nagre-registered. Dahil nasa liblib ito na lugar at tanging sikat lang ang eskwelahang ito sa mga ibang private o public school ngunit para sa mga public para sa mga public school ang sabi-sabi na naririnig nila tungkol sa PJ High ay kathang isip lang ng mga taong hindi pa nakarating sa paaralang iyon dahil naniniwala sila na walang ganon klaseng eskwelahan sa mundo.

The Academy Of Paragonsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن