Volume 1: chapter 10

54 4 0
                                    


KASALUKUYAN  silang naka-upo sa kama habang kaharap ang isa't-isa. Sinabi niya kay Maryann ang tungkol sa pagsuot niya sa pekeng bangs at salamin ngunit hindi niya sinabi ang tungkol sa kung sino talaga siya.

"so kailangan mo talagang mag disguise? Dahil sa gusto mong maging maganda ang highschool life mo?". Tanong niya dito. Tumango naman si Serah na napasinghap kay Maryann ng malakas. "eh mas lalong gugulo eh dahil sa itsura mo". Inangat ni Serah ang kanyang kilay at tumingin kay Maryann na parang sinasabi kung bakit.

"alam mo si Eli naka suot din ng salamin may pagka weirdo siya eh kaya pinaglalaruan siya ni Lancelot noon". Mahinang sabi ni Maryann. Naalala niyang sinabi sa kanya ni Eli noon na walang makakaalam kung saan si Eli lalo na ang mga grade 12 senior.

"Though promise should not be taken lightly. You promised me, That you will not tell anyone about Eli".

"of course, I'll not. Pero bakit mo nga pala kailangan mag disguise?".

"mahabang istorya. Sa-sabihin ko sa tamang panahon".

Hindi na nagtanong pa si Maryann dahil baka ay hindi pwedeng malaman ng iba ngunit na naniwala naman siya na balang araw ay masasabi ni Serah sa kanya ang tungkol sa kanya paghanda na siya dahil magaan naman ang loob niya kay Serah ay baka pati siya ay sasabihin niya din ang tungkol sa kanyang sarili sa tamang panahon.

Ngayon ay naglalakad na sila sa hallway patungo sa lounge. Si Serah ay naka suot ng plain shirt na gray at stretchable na black jeans at cardigan at kalahati ng buhok niya sa itaas ay nakatali habang kalahati naman ay nakalugay kaya kita talaga ang straight fake bangs niya habang suot ang salamin. Pinasuot siya ni Maryann ng short ngunit tumanggi siya dahil 'yon ang payo sa kanya ni Eli.

Nang makarating na sila sa lounge ay nag order na sila at kumain ng almusal. Habang kumakain ay kwento ng kwento si Maryann habang wala namang imik si Serah.

"Maryann, we are eating,  yes? I apologized for my rudeness pero hindi ako sanay na habang kumakain ay may nag-iingay". Ang salitang gusto niyang sabihin kay Maryann pero dahil sa mukhang nage-enjoy ito ay hindi nalang niya sinabi dahil baka makasakit pa sa damdamin ni Maryann at baka layuan na siya nito at ayaw niya 'yon. Kaya hinayaan na lang niya at kumain habang nakikinig sa kwento niya tungkol sa mga guro nila noon. Saglit napatigil si Maryann kaya sinulyap ito ni Serah at sinundan ang tingin ni Maryann na nakatingin sa likuran niya at nakita ang grupo ng mga lalake.

"sino sila?". Tanong ni Serah na nagpabalik kay Maryann sa  realidad.
Biglang nag-ingay ang karamihan sa mga babae ng dumating ang isang grupo ng mga lalake .

"sila ang mga Fortez brothers". Sagot ni Maryann. Nilingon ulit ito ni Serah. Apat sila. Bigla niyang nakilala ang isang kasama nilang lalake.

"I think, his our classmate". Turo niya sa lalakeng medyo payat na naka poker face ngunit may cute na itsura.

"hindi lang siya kundi lahat sila". Diin ni Maryann. Napatigil si Serah sa pagkain at tumingin lang kay Maryann. "liban lang sa isa na 12 year"

" 'di ba sabi mo katabi mo si Matt? Hindi kase ako pumasok sa room after orientation". Tumango naman si Serah ng marahan. "yung naka gray na buhok,  siya 'yon". Anas niya kay Serah at nilapit niya pa ang kanyang mukha kay Serah.

Serah turned her head slightly towards them. For her, he seems so familiar. She look at her fierce eyes that was intimidating but that made him looks more cool and attractive.  "isa siyang captain ng basketball club, dahil sa kanyang chinitong mata minsan cute at gwapo lalo na pag naglalaro ng basketball"

"bas ketball?"

"it's a sport darling, basta makikita mo rin. Palagi siyang naka-seryoso kaya there's no one dare to approached him. Dalawang kulay ng buhok lang ang nakita ko sa kanya. Kung hindi gray, red....and that korean guy is Suho, he's popular now a days".  She turn her face back and now facing Maryann.

The Academy Of ParagonsWhere stories live. Discover now