Volume 1: chapter 20

49 3 0
                                    

"Brentt Fortez".

"Yes, kilala kita". Tugon ni Serah.

"ah ganun ba". He gave a faint smile. "saan pala ang punta mo?".

"pupunta ako sa Library ngunit hindi ko alam ang daan"

"ah! papunta din ako doon gusto mo sabay na tayo?". Tiningnan ni Serah ang dala niyang mga libro. Naglakad na si Brentt at sumunod naman siya.

"dadalhin ko ito sa library".

"would you mind?". Tanong niya habang inaabot ang mga librong hawak ni Brentt.

"no, go ahead".

Kinuha ni Serah ang isang libro na nasa pinaka-itaas na hawak ni Brentt. May dalang pitong libro si Brentt na sakto lang ang kapal. Binasa niya cover nito.

"Promise for you my love...Brentt Ellise". Matapos niyang basahin ay lumingon siya kay Brentt.

"ikaw ang may akda?". Tumango si Brentt.

"can I have this? I was curious, or should I buy this?". Sabi niya habang pinapalit-palit ang mga pahina ng libro. Brentt was stunned.

"no, you can have it". Habang naglalakad sa hallway naka-tingin naman siya sa sahig. "I'm surprise that you also read this kind of story". Mahina niyang sabi at saglit na bumalin kay Serah. Isa kase ito sa mga libro niya na sumikat hindi lang sa PJ High pati narin sa Pilipinas at may english version rin ito para sa International. At iyang dala niya ngayon ang natatanging libro na pinapahalagahan niya at isa itong libro na patungkol sa lovestory nang dalawang nagmamahalan ngunit kalaunan ay iniwan ng babae ang lalake na nag-iisa para sumama na sa liwanag.

"hindi naman ako mahilig sa mga ganito". Sabi niya habang pinapalit ang mga pahina.

"so, why?..."

"may naka-pagsabi sa akin na isa kang sikat na Author ng PJ High. You put feelings into writing your stories and everyone who had read this had felt it. Somehow I want to know what does it feel to be flattered by books just like how everyone felt when they read your stories". Sabi niya na nakayuko parin sa libro.

Hindi rin namalayan ni Brentt na naka-titig na pala siya ng matagal kay Serah dahil hindi niya akalain na ganito ang mararamdaman nila dahil sa libro niya at ikinatutuwa niya ito.

"masaya ako na ganun ang nararamdaman nila". For some reason he felt embarassed.

Pumasok sila sa elvator at nang tumunog ay lumabas na sila at tumungo sa main entrace ng building C at umalis.
Sa paglakad nila sa labas ay maraming bumabati kay Brentt lalo na babae pag nakikita nila ito. Ang iba naman ay parang kinilig pa ng binati sila ng pabalik ni Brentt.

"you're amazing". Puri niya dito kahit walang pinapakitang reaksyon o emosyon sa kanyang mukha. Nagtaka naman si Brentt sa sinabi niya. " you have a lot of friends and can make people at ease". Dagdag ni Serah. Ngumiti lang si Brentt at umiling. Tumingala siya sa tapat ng isang malaking pinto. Tumingala si Serah at nakita ang isang pinakamalaking orasan sa gusali.

"nandito na tayo..let's go".

Sumunod si Serah sa gawi ni Brentt. Nang makapasok na sila ay nalaglag ang panga niya sa nakikita ng dalawang mata niya.

Ito ang unang pagkakataong pumasok siya sa public library. Marami itong nag-hahabang bookshelves at nasa mga 200 cm ang taas nito at maamoy mo rin ang mga lumang libro. Marami ring makikitang mesa at statue ng mga greek philosophers. Hindi gano'n ka dami ang makikitang tao sa Library at sobrang tahimik at payapa. Sobrang lawak ng library at iniisip ni Serah na pwede siyang maligaw kapag pumasok siya sa loob ng mga nagkakataasang bookshelves. Sa mga mahaba at mataas na shelves ay naka hati ang iba't-ibang genre, branch o di kaya klase ng libro.

The Academy Of ParagonsWhere stories live. Discover now