Volume 1: chapter 12

50 7 0
                                    

MARIANNE LUKA

Nang magising ako ay agad ko ding ginising si Serah. Pinauna niya na akong maligo dahil susunod lang siya kaya naligo na ako.

Matapos kong mag-ayos, pinagmasdan ko muna si Serah.

Nakita kong sinuot niya ang kanyang pekeng bangs at nag salamin.

"bakit kailangan mong mag-suot ng ganyan?". Tanong ko sa kanya. Tumalikod siya para harapin ako.

"I need to". Tanging sagot niya saka kinuha ang kanyang gamit. Eh maganda naman siya lalo na pag hindi suot ang salamin kahit bangs lang ay attractive na siya.

Well, kung kailangan niya talaga hindi ko naman siya pipigilan sa gusto niya. Pero sana sabihin niya sa akin in the future.

Umalis na kami para tumungo sa lounge. Maraming mga peragon ang makikita dito buti nalang marami ring table dito. May nakita akong table na para sa dalawang tao lang kaya hinila ko si Serah papunta doon at sabay na kaming umupo.

"ako na". Sabi ko sa kanya habang nakangiti ako. Pinindot ko ang bell na nasa gitna ng mesa. Napansin kong nilibot ni Serah ang kanyang tingin sa paligid.

"I want to work here". Anas niya habang nililibot parin ang paningin sa paligid.

"wag muna ngayon.." hindi ko na tuloy ang gusto kong sabihin nang marinig namin ang mga tili ng mga babae dahil dumating ang isang grupo ng lalake. Apat sila. Isa sa kanila ay miyembro ng dating banned club ang Gang Club na naka kulay asul ang buhok at may nakalagay na red scarf sa ibabaw ng noo.

"anong meron?". Napunta ang atensyon ko sa kaniya. Wala siyang kamalay-malay sa nangyari kaya nilapit ko ang mukha sa kanya.

"may chika ako sayo.."

"chika?". Napakunot pa ng konti ang noo niya.

"ah basta kwento..". Sumenyas ako sa kanya na ang mukha niya sa akin at sinunod niya naman ako. "sila yung mga sikat na idol sa PJ High.." nang makita ko ang itsura niya napangisi ako ng mahina ng makita kong nap-puzzled siya sa sinabi ko. Nakalimutan ko palang wala siyang alam dito. Dahil sa sinabi niya hindi daw siya lumalabas ng bahay kahit hindi kapani-paniwala yung sinabi niya. Syempre! Sino naman ang maniniwala pagsabihin nilang hindi sila lumalabas ng bahay tapos ang dami nang walang alam?

"alam mo 'yon, sila yung nag sasayaw, kumakanta sa stage sa harap ng maraming tao at kilalang-kilala sila lalo na sa mga babae". Gusto ko sanang sabihing sikat ngunit wag nalang baka hindi niya din alam kung ano iyon. Nakita kong tumango siya ng marahan. Nakita kong panay tingin niya kay Ash.

"si Ash Ammon yang color blue yung buhok gwapo niya nuh charismatic..dating miyembro yan ng Ga.. Ah ibig kong sabihin isa siyang idol dito.." huminto ako ng mapansin ang gawi niya. Biglang binawi ang kanyang tingin at parang nag-iisip ng malalim.

"serah? Ayos ka lang?". Tawag ko sa kanya. Nakita kong bumalik siya sa realidad.

"Maryann.. Nakausap ko si Lancelot noong first day ko dito.." Nang marinig ko ang pangalang 'Lancelot' ay sakto namang nakita ko siya sa counter. Doon kase sa counter yung mga nago-order at tini-take out yung pagkain.

The Academy Of ParagonsWhere stories live. Discover now