Volume 1: (33)

45 4 0
                                    

After Class...............

"Hi! ". Bati ni Ash Ammon kay Serah at sabay sunod sa dalaga.  Tinapunan niya ito ng tingin habang sabay naglakad sa hallway at nakita ang malaking ngiti ni Ash na animo'y kita kahit ang mga gums nito. Nakita niya noon si Serah na kasama si Maryann at hindi niya inaakalang magkaklase sila ngayon sa Special class kaya naisipan niyang bumati dito.

Doesn't he get tired of grinning like that? It doesn't matter,  since he's Maryann's friend and also my classmate.  I shouldn't ignore him.

"hello". She said. She have no idea what exactly to say or how to greet in a friendly way. Nang bumati pabalik si Serah, lalong lumawak ang ngiti ni Ash.

"you must be tired". Mahinang sabi ng dalaga.

"huh?  Ah, medyo.  Hehe"

Agad naman siyang nagtaka kung bakit ganito ang sinabi ng dalaga.  wala naman silang ginawa kun'di ang mag-libang ngunit hindi naman iyon ang tinutukoy ni Serah.

"I am talking about your lips.. " kalmado siyang tumitig sa labi ni Ash.  Lalo lamang ito nalito sa sinabi ni Serah.  "you have been smiling lately as if your life depends on it, have you not?  On how long would you keep smiling? It must be tiring to grinned like that for more than hour" habang sinasabi niya ito ay biglang sumanib sa isip niya ang mga ngiti nina Eli,  Zach at Brentt. Dahil mula pa kaninang umaga napansin niyang nakangiti si Ash sa tuwing nasasalubong niya ang mga taong kilala nito.

Saglit na nagulat si Ash sa sinabi ni Serah ngunit agad na humalikhik sa tawa.

"why are you laughing? ". Takang tanong ng dalaga.

"wala,  wala hahaha. Tama nga ang sabi niya.. Kakaiba ka! ". Humahalakhak niyang sabi. 

"......"

"Serah! ". Tawag niya kay Serah mula sa malayo.  Sabay namang napalingon ang dalawa sa direksyon ni Brinna na kasama naman nito si Maryann. Matapos kasi ang Special Class agad na umalis si Serah at Brinna sa Hall of Dahlia para tumungo kay Maryann ngunit hindi na pinasama ni Brinna si Serah sa Intermediate Class.

"uy!  AA nandito karin pala". Giit ni Maryann kay Ash.  AA ang tawag niya minsan kay Ash dahil narin sa magkapareho sila ng pangalan ni Kyle. AA which is abbreviation of Ash Ammon.

Napansin naman ni Serah kung paano bumati si Maryann kay Ash.—Is that how they greet casually?.  Serah thought to herself.

"ah, since nandito naman na kayo. Mauna na ako". Ngisi niyang sabi ng makita ang nakakunot na noo ni Brinna at matalim na nakatingin sa kanya.  Napabuntong hininga na lamang si Maryann ng makita ito.

"ha!  Are you saying that if we're not here. You'll go to flirt with my cousin? ". She crossed her arms.

"??!"

Agad namang pumagitna si Maryann sa kanilang dalawa bago pa lumala ang sitwasyon.  Nagiging sensitibo si Brinna sa tuwing ito'y tungkol kay Serah.

"okay,  hindi gano'n ang ibig niyang sabihin." awat ni Maryann kay Brinna. Umiwas lang ito ng tingin at suminghal.

"sige,  AA. Mauna na kami.  Pasensya ka na kay Brinna.  Ganyan talaga siya sa mga taong nakikipag kaibigan kay Serah.  Sana maintindihan mo". She sincerely apologized.

"Why are you apologizing Maryann?".  mataray na sabi ni Brinna.

"Brinna I think you might be mistaken. Would you stop being like this for once?." saad ni Serah na nagpalingon sa kanila. 

The Academy Of ParagonsWhere stories live. Discover now