Volume 1: chapter 11

55 4 0
                                    

Sa bakuran nagpahangin si Mang Nicolas pati narin ang kanyang asawa. Naka-upo sila sa sarili nilang upuan habang nagmemeryanda na gawa ni Eli.

Mga ilang minutong paghihintay ay dumating na si Eli na mula sa kusina na may dalang-dala tray ng mga pagkain. Nilapag niya ito sa mesa sabay umupo sa harap nina Mang Nicolas at ng asawa niya.

"sayang wala ngayon si Serah hindi niya matitikman ang pan cake na niluto mo". Sabi ni Mang Nicolas. Napalabi na lamang si Eli. kumuha ng isang pan cake at nilagay sa kanyang maliit na plato.

"kaya nga po eh, nakakasigurado akong magugustuhan niya ito"

"tama ka ito ang kinakain niya pag umagahan dati no'ng bata pa siya". Tumawa ng marahan si Mang Nicolas.

"talaga po? Sana pala nag luto ako ng ganito no'ng andito pa siya". Anas ni Elli.

"uuwi naman dito ang batang 'yon tuwing linggo di 'ba? Sa susunod na linggo bibisita siya dito"

"opo". Ngumiti siya kaya kitang-kita ang kanyang malalim na puyo sa pisnge. "lo.." tawag niya kay Mang Nicolas kaya napunta ang atensyon niya kay Eli.

"matagal ko na pong gustong tanungin 'to tungkol po kay Serah".

Nagkatinginan ang mag-asawa at binaling si Eli.

"kase po si Serah napapangiti ko naman siya pero gusto ko siyang makitang masaya pero hindi ko po alam paano". Sabi niya habang tinitimpla ang kape.

"may gusto ka sa kanya apo?". Tanong ng matandang babae sabay tumawa ng marahan.

"po?. Ah eh kase po bihira lang siya ngumingiti eh.." napakalmot siya sa sariling batok. Gusto niya man sabihin ang totoo ngunit huwag na lamang dahil baka maiilang lang siya pag andyan na si Serah pati narin ang lolo at lola niya. "kung ngumiti siya para namang isang himala na hindi mo na makikita ulit. Nang makita ko siyang ngumiti napaisip ako na gusto kong manatili iyon at hindi na mawawala sa mga labi niya pero sa tuwing napagtanto niya na ngumingiti siya biglang magbabago at babalik ulit sa dati ang itsura niya, isang mukhang walang emosyon". Seryoso niyang sambit habang naka tingin sa baba ng kape na tinitimplahan niya. Nakita ng mag-asawa na hindi nag bibiro ang apo nila at ngayon lang nila itong nakitang seryoso sa sinasabi niya kaya napabuntong hininga siya at nagsalita.

"may ik-kwento ako sayo apo". Sabi ng matanda kaya inangat ni Elli ang mukha niya mula sa pagkakayuko at tiningnan ang kanyang lolo.

"tanda ko pa no'n noong unang araw na dumating si Serah sa bahay ng O'brien, mga nasa pitong taong gulang siya no'n.."

"po? Hindi po ba siya lumaki doon?". Tanong ni Eli, nagulat siya sa narinig dahil sa pagkaka-akala niyang sa mansion na pinanganak ang dalaga.

"hindi, lumaki siya sa piling ng kanyang ina. Pagmamay-ari ng pamilyang O'brien ang isla na kung saan doon siya nagsimulang manirahan ng namatay ang ina niya. Dinala siya ng kanyang ina sa Vill'Brien Island no'ng siya'y limang taong gulang at 'yon ang araw na una ko siyang nakita.." nakita ni Mang Nicolas na talagang nakikinig sa kanya si Elli kaya nagpatuloy siya sa kanyang kwento.

"palagi siyang nakangiti, syempre bilang mayordomo sa pamilya nila inutusan akong bantayan si Serah habang kausap niya ang nanay nito.."

nakatayo si Nicolas sa likuran ng couch habang ang batang si Serah laro-laro ang kanyang munting aso na isang old-English-sheepdog na regalo sa kanya ng kanyang nakakatandang kapatid na lalake.

Nasa kabilang kwarto ang kanyang ama at ina habang siya ay binabantayan ni Nicolas. Patakbo-takbo siyang naglalaro sa kanyang alagang aso. Hanggang sa siya ay nadapa at agad namang nilapitan ni Nicolas si Serah sa akalang iiyak ito.

The Academy Of ParagonsWhere stories live. Discover now