Volume I: chapter 3

86 4 0
                                    


Paragona model or pattern of excellence or of a particular excellence.

TAHIMIK lang naka upo si Serah habang nakatingin sa bintana ng kotse. Dahil sa tahimik ay nabored si Eli at naisipang magsalita. Nasa taxi sila ngayon ni Mang Nicolas.

"mag-ingat ka doon ha". Paalala niya kay Serah. Napunta ang atensyon ni Serah kay Elli. Tumango si Serah at marahan na ngumiti kaya napangiti narin si Eli. Parang hinahangaan niya ang kanyang sarili dahil ang dating tahimik na Serah at madalang lang ngumiti ay marunong naring ngumiti. Habang nagbabyahe sakay ang taxi ni Mang Nicolas ay pinag-aralan ni Serah yung daan. Ang tataas ng mga puno, ang linis ng kalsada at parang.... Nasa loob sila ng kagubatan. Bumalin siya kay Eli nang makaramdam siya ng kaba.

"aren't we going to school?". Manginig-nginig niyang tanong kay Eli at binalik ulit ang atensyon sa daan. Kinakabahan si Serah dahil naalala niya ang lugar nila na ganitong ganito rin.

"ah pasensya na kung hindi ko sayo sinabi agad apo.... dito talaga ang daan papuntang PJ high. Dati maraming rin sasakyan pabalik balik dito pero ngayon wala na, liban nalang sa isang katulad mo na nakatira sa malayo. " Paliwanag ni mang Nicolas bago pa makasagot si Eli.

"bakit po hindi na? ".tanong niya.

"ni-required na kase sa mga estudyante na manira sa dorm. isang taon na ang nakalipas."
Sagot ni Eli.
"ako rin ang susundo sayo mamaya apo". Sabi naman ni Mang Nicolas.

"ito ba yung dorm na sinasabi mo sa akin no'ng isang araw?". Tanong ni Serah kay Eli. Eli pressed his lips and nodded as a respond.

Binalin ni Eli ang atensyon niya sa daan.

"andito na tayo". Wika niya.

"hindi mo ba ako ihahatid sa loob?". Tanong ni Serah umiling naman si Eli.

"sorry Serah kung hindi kita mahahatid pero hanggang dito lang talaga ako. May mag ga-guide naman sayo dyan. Lumapit ka sa may estatwa na tigre at magsasalita yun.".

Gusto niya man ipilit si Eli ay hindi niya magawa dahil baka magalit ito. Kinuha ni Eli ang makapal na salamin at pinasuot kay Serah.

"ayan, lumabas kana". Aniya.

Tumango nalang si Serah at nagpaalam sa dalawa. Nang makalabas siya sa kotse ay pinaharurot na ni Mang Nicolas ang sasakyan at umalis.

"tama ba ng desisyon nating sa PJ high siya paaralin?". Tanong ni Eli kay Mang Nicolas.

"alam mo naman diba apo hindi pa siya naka pagaral dati kaya walang tatanggap sa kanya. At kung hindi siya sa PJ High madali siyang ma trace ng kanyang ama..."

Huminga pa siya ng malalim bago magsalita ulit.

"magpasalamat nalang tayo at pumayag sila na Serah na ang magiging pangalan niya sa eskwela kahit sa record ay Honor nakalagay. Wala namang magsasabi ng totoong pangalan niya dahil nasa rules yun ng PJ High diba?.. Alam kong nagawa mo narin.."

"opo, lo wag mo na po iyon sabihin ayaw ko na pong pagusapan ang nakaraan". Sabi niya na parang bata.

"oh sya, saan nga ulit yung eskwela mo?". Tanong niya habang hindi inalis ang tingin sa daan. Palinga-linga pa ito na parang naliligaw. Tinuro naman ni Elli ang daan at doon lumiko si Mang Nicolas.

INHALE. Exhale.

Nasa tapat na si Serah ng isang malaking itim na gate na gawa sa bakal at sa fence na gawa sa bato may nakasulat na...
"Peragonia Jase High Academy "

The Academy Of ParagonsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang