"What?" pambihirang suhestiyon yan.
"What's what? Ano ka ba,walang sikretong hindi nabubunyag. sabihin mo na 'yan. Huwag mong hintayin na siya mismo ang makatuklas. Pag nangyari 'yon, iisipin niyang pinaglalaruan mo lang siya. Mas masakit sa kanya kapag nangyari 'yon."
Tama na naman siya, eh.
"Paano ko naman sasabihin sa kanya?" parang batang tanong ko.
"Teka nga, ano ba kasing nararamdaman mo sa kanya?"
"I like her. And I dunnno, I think I'm beginning to fall for her."
Napangiwi si Gene, "Sige, ganito... masasaktan siya, sigurado yan. Pero sabihin mong hindi mo intention yon. Sabihin mong totoo ang mga nararamdaman mo sa kanya. Basta sabihin mo kung anong nasa puso mo."
"May nalalaman ka palang ganyan?" natatawang tanong ko, "Pero seryoso, paano kung magalit talaga siya at hindi niya ako paniwalaan?"
"Eh, di makukulong ka," tumawa siya, "Oh, wait. Makukulong ka naman talaga maniwala man siya sa'yo o hindi. Hinahanap ka nila, remember?"
"Hindi ako takot makulong. Mas takot akong isipin ni Penelope na pinaglalaruan ko siya. Takot akong masaktan ko siya."
"Then do the right thing," Genesis said seriously, "Anyway, I gotta go."
Tumayo siya at tinungo ang pintuan ng office ko.
"Thanks, man."
"Anytime," he said then closed the door.
****
Maghapon ko talagang pinag-isipan kung papaano ko sasabihin kay Penelope. Ang hirap! At hindi rin siya tumawag. Wala na, parang alam na niya talaga.
Tinawagan ko ulit siya. Wala akong pakialam kung makulitan man siya sa akin. Naka-ilang ring bago siya sumagot.
"Hi," batik o sa kanya nung sumagot siya.
"Hey, sorry busy ako buong araw, eh."
"Okay lang. can I pick you up?" malumanay kong tanong sa kanya.
"May dala akong kotse eh," okay, tumanggi siya.
"GAnun ba? Sige. I'll just see you when I see you, then."
"You can come over, if you want."
Heavens, parang nabuhayan ako ng loob. "Okay, great. See you."
Pinatay ko na ang tawag at umuwi ako. Pagdating ko, agad akong nag-shower at nagbihis.
Bago ako pumunta sa apartment ni Penelope, nag-take out muna ako ng pagkain.
Habang nagmamaneho ako, nag-iisip ako kung paano ko ba sasabihin sa kanya? O kung sasabihin ko ba? Pagdating ko labas ng apartment niya, tinawagan ko ulit siya para pagbuksan niya ako. I was nervously standing when she opened up.
"Oh, fooood," she giggled when she saw what I brought.
"Yeah," parang nawala ang pag-aalala ko nang Makita ko siyang ngumiti. Napansin ko ring parang bagong lido siya, may towel pa kasi sa ulo niya.
"Come in."
Dumiretso kami sa kitchen niya. Gutom yata siya.
"Guess what?" sabi niya habang hinahanda yung mga pagkain.
"Hmm?"
"Wala lang, Masaya lang ako. May development kasi yung case na hawak namin," nakangiting sabi niya.
Shit, kinakabahan na naman ulit ako. "Really? Uhm, ano nga ulit yung case na hawak niyo?" pilit akong ngumingiti.
"Well, we are looking for a hacker. Nagnanakaw siya sa mga bangko. Dalawang bangko na ang biktima niya. And I was in-charge kasi nga ako daw yung mas nakaka-alam sa mga galawang hacker na 'yan."
Dalawa? Ibig sabihin, hindi pa niya alam na may third victim na ako?
"And you said na may development, so nahuli mo siya?"
"Hmm, nahuli? Not exactly the word. Na-trace ko lang siya. Pero hindi pa rin sure. Pero may person of interest na ako," sabi niya saka tumingin ng diretso sa mata ko.
Puta, napalunok ako. Sino naman kaya ang person of interest niya? Paano kung ako? Anong ginagawa niya? Pinapa-amin ba niya ako?
"Really, t-that's good," nauutal ako, shit.
"Hmm-mmm."
Nagsimula kaming kumain nang magsalita ulit siya.
"Sorry pala kagabi, sumama bigla ang pakiramdam ko."
"Okay lang," sigurado akong mukha akong natatae dahil pilit akong ngumingiti.
"Oh, by the way, nakita ko yung library sa bahay mo. Sa'yo ba 'yon?"
Oh, hell.
"Uh, yeah."
"I thought you're into business things? Puro literature yata yung nandoon," sabi niya sabay subo.
Fuck, anong isasagot ko? Think, Paul!
"Ah, isa sa mga hilig ko," I answered calmly.
"Mahilig kang magbasa?"
Tumango ako at ngumiti.
"Ibig sabihin, may bulaklakin ka ring dila?" she asked.
"I don't know, hindi ko pa nasusubukang maging makata," sagot ko habang tumatawa.
Naging seryoso ang expression niya at tumitig sa akin ng diretso bago nagsalita.
"Betwixt mine eye and heart a league is took, And each doth good turns now unto the other. When that mine eye is famish'd for a look, Or heart in love with sighs himself doth smother."
Napanganga lang ako, hindi ako makapagsalita.
Huminga siya ng malalim bago hinawakan niya ang pisngi ko at nagsalita ulit, "Don't hurt me, Paul."
A/N: sorry for super super super update. ENjoy!
YOU ARE READING
Hacker Vs. Hacker
General Fiction"All men are bad, And in their badness reign." Ano 'to? Nagkasalubong ang kilay ko nang magawa kong i-crack mensaheng nakuha ko sa servers ng dalawang bangko ng nabiktima ng hacker. Paano niya napapasok ang bangko? They are using RSA security for pe...
Chapter 13
Start from the beginning
